Chapter 15

8.4K 233 0
                                    

NA-REALIZE lang ni Elma ang implikasyon ng sinabi kay Kiko nang makarating na sila sa bahay. Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa front door ay hinapit na siya ng asawa sa baywang. Halos matabig na nila ang lahat ng babasaging kasangkapan sa sala.

Nanlaki ang mga mata niya nang halikan nito ang mga labi niya.

Hindi naman niya inasahan na ganoon kainit si Kiko. She was thinking maybe they could talk. Maybe they could figure out their differences. Sasabihin din niyang hindi talaga siya pabor sa pakikiapid nito sa iba habang kasal pa sila. Pero hayun na agad si Kiko, nagmamadali ang bawat kilos.

Inipon ni Elma ang lahat ng lakas at bahagyang itinulak ang asawa, hinahapo. "K-Kiko, what the heck are we d-doing?"

Kumunot ang noo nito. "We're kissing."

"Why?"

"What do you mean why?" Umunat ito. "You're right. I think you better clean up first. You look like a doll." Ngumiti ito at pinasayad ang daliri sa kanyang pisngi na puno pa rin ng makeup.

"Inaasahan mo bang may m-mangyayari sa 'tin?"

Napakamot ito sa ulo. "You're making this very uncomfortable." Ngumiti ito at pinangko siya. Tuloy-tuloy sa hagdan.

"Kiko, ibaba mo nga ako!"

Tumawa lang ito. Tuloy-tuloy ito hanggang sa banyo, saka pa lang siya ibinaba sa tub. Binuksan nito ang shower.

"K-Kiko, I'm n-not gonna have sex with you."

Biglang nabura ang ngiti sa mga labi nito. Sa ilang sandali ay walang ibang naririnig maliban sa lagaslas ng tubig mula sa shower. Kagat-labing napatingin siya sa mukha nito.

"Shit, Elma, I'm tired of your games, okay? If there's one thing I hate most, that's playing mind games. Leave me alone." Iyon lang at tumalikod na ito.

Kahit basa na ang kimono ay sumunod siya sa asawa. Tuloy-tuloy ito pababa ng hagdan.

"Tumigil ka nga! Saan ka ba pupunta?!" hiyaw niya.

"Don't follow me."

"Tell me where you're going!" Nahagip niya ang braso ni Kiko at iniharap ito sa kanya.

"I'm going to the hotel. I'm gonna get what I need from someone who's willing to give it to me. Someone who won't play fuckin' mind games with me. Satisfied?!"

"I hate you!" singhal niya.

"I don't give a damn." Tuluyan nang lumabas si Kiko at pabalabag na isinara ang pinto.

Naiyak na lang si Elma.

PARANG hila ng pagong ang oras sa buhay ni Elma nang mga sumunod na linggo. Mahigit dalawang buwan na silang mag-asawa ni Kiko pero daig pa nila ang deka-dekada nang nagsasama na napipilitan na lang.

Nakabalik na sila sa Maynila at wala silang kibuan. Literal na walang kibuan. Wala namang sinasabi sa kanya ang asawa, wala rin naman siyang maisip na topic. Isa pa, hindi kaya ng kanyang ego na siya pa ang magsimula ng usapan. Para na rin siyang sumuko sa kanilang silent war kapag siya ang nagtaas ng white flag.

Madalas na gabing-gabi na kung umuwi si Kiko. At walang palya, alas-otso ng umaga, paalis na ito ng bahay.

Nang umagang iyon ay nagpasya si Elma na magpaalam. Balak niyang magbakasyon sa Territorio. Mas maganda pa roon, at least makakapag-enjoy siya. Natawagan na rin niya si Psyche at niyaya. Ang sabi lang ng kaibigan ay susubukan daw nito. Nagso-soul-searching na naman kasi ang kaibigan. Pinag-iisipan daw kung tamang i-publish bilang libro ang mga tula nito o ilagay na lang nang libre sa Internet para mai-share sa lahat. Mga ganoong bagay ang pinoproblema ni Psyche. Ganoon ito kaseryoso sa sining.

Nang dumulog siya sa hapag ay ni hindi siya tiningnan ni Kiko.

"I'm going to Territorio," sabi niya.

"Do whatever you want," sabi nito, hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"I'm sure you'd only be so glad that I wouldn't be here." Ayaw man ay nasabi niya iyon, sarkastiko ang dating.

Tumingin na si Kiko sa kanya. "What do you want from me, Elma? Ano ang gusto mong sabihin ko sa 'yo?" Bumuntong-hininga ito, parang nainis. "Once and for all, let's settle this. Tell me what you really want from me because I'm getting tired of your sarcasm."

"Nothing! Nothing, all right? I don't wanna have anything to do with you."

Tumingin lang si Kiko sa mukha niya at wala nang sinabi. Nailang naman siya at nagyuko ng ulo. Tumayo si Kiko at lumabas na.

She felt so wretched.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreWhere stories live. Discover now