Chapter 10

8.4K 233 1
                                    

NAGLALARO ng PlayStation si Elma nang marinig na bumukas ang pinto. Nang lumingon siya ay nakita niya si Kiko. Wala na ang amerikanang suot nito. Sa katunayan, wala na ni isang suot nito kaninang umaga. Basa-basa pa ang buhok nito, mukhang bagong paligo. At alas-dose na ng hatinggabi.

Ramdam ni Elma nang manlaki ang mga butas ng kanyang ilong. Apat na magkakasunod na araw nang ginagabi ng uwi ang asawa. Kaswal na tinawagan niya kanina ang biyenan at pasimpleng inalam kung ano ba ang mga dinadaluhang meeting ni Kiko at palagi itong ginagabi. Natuklasan niyang wala palang rason na gabihin ang hudyo.

Kaya naman nauwi siya sa iisang konklusyon: na palagi itong galing sa babae nito. Naba-bad trip na nga siya sa sarili dahil ganoon na lang ang nararamdaman. Pero ano naman ang gagawin niya kung kusang bumabangon ang inis sa kanyang dibdib?

Elma had never felt so inadequate her whole life. At hayun si Kiko, parang tuwang-tuwa at nakangiti pang parang wala sa loob nito.

"Where have you been?" Maging sa sariling pandinig ay parang isang nagger na asawa ang dating niya.

"Someplace," nakangiting sagot nito.

"Like where?"

"Office," nakalolokong sabi ni Kiko. Tuwing ginagabi, ganoon ang unang bungad nila sa isa't isa. Tinotoo nga ni Kiko ang sinabing hindi na sasabihin sa kanya kung saan talaga nagpupunta.

Napabuntong-hininga na lang si Elma at ipinagpatuloy ang paglalaro. Kanina pa sana niya gustong matulog. Pero nag-aalala siya sa isiping wala pa si Kiko. Gumagana siguro ang pagiging asawa niya. Siguro, may isang parte ng isip niya ang sumeryoso sa ideya.

Tinabihan siya nito sa carpet. "Whatcha playing?"

Kusa siyang suminghot nang pasimple. Again, that aftershave was giving her spine some tingling. "A g-game."

"NBA, huh? I can kick your butt in this game." Nanghahamon ang tono ni Kiko.

Pero tumayo na si Elma. "I'm tired and sleepy. Can you clean up?" Iyon lang at tumayo na siya at walang lingon-likod na nagpunta na sa inookupang kuwarto.

Ano, pagkatapos mong makipaglampungan sa babae mo, makikipaglaro ka ng NBA sa 'kin? Utot mo!

"AALIS ako. Pupunta ako sa Boracay. Isang linggo ako do'n," paalam ni Elma kay Kiko. Nakahanda na ang bag niya. Ngayon lang niya nasabi dahil palagi siyang inis sa asawa. Mukha namang wala itong pakialam.

"Sure. So, kailan ang balik mo? Saturday?"

"Yeah."

"Okay." Ipinagpatuloy na ni Kiko ang pagbabasa ng diyaryo.

Ganoon lang. Ni hindi nito tinanong kung sino ang kasama niya. Samantalang siya, gigil na gigil alamin kung sino ang babaeng husky ang boses. Nagkibit-balikat na lang siya.

"Sige."

"Uh, wait, Elma. That's Saturday afternoon or morning?"

"Afternoon."

Napangiti ito. "Okay."

"Why?" skeptical na tanong niya.

"Nothing. I might just bring some people over." Ngumisi si Kiko, halatang ginagawa na naman ang "pagtatakip" sa talagang gagawin, gaya ng bilin niya. Sa totoo lang, lalo lang niyang ikinabuwisit ang pagde-deny ng asawa. Paano naman, nag-deny man sa salita, hindi naman sa gawa. Tulad na lang ngayon, ngingisi-ngisi pa ito.

"Do whatever you want!" sikmat niya, saka umalis na.

Nagkita-kita sila ng mga kaibigan sa domestic airport. Nasa eroplano pa lang ay hindi na mapakali si Elma. Nang sumakay na sila sa FX papunta sa mismong resort ay atat na kaagad siyang lumipas ang mga oras. Gusto na niyang umuwi.

Habang napapalayo sa Maynila, lalo lang niyang naiisip na magdadala ng babae si Kiko sa bahay nila. Sagrado dapat ang bahay pero dudumihan nito at ng lintik na "husky" na iyon!

"What's the matter with you?" tanong ni Intoy, isa sa mga kabarkada niya.

"'Yong mister ko, baka mambabae," wala sa loob na sagot ni Elma.

Halatang nabigla ang halos lahat ng kasamahan niya.

"Ikaw ba 'yan?" tanong ng isa. "'Wag ka ngang KJ! Nag-asawa ka lang, naging ganyan ka na. Feeling ko pa naman, dead-ma sa 'yo ang asawa mo."

Ganoon nga siguro ang naiisip ng mga kabarkada dahil tuwing makakausap niya ang mga ito, sinasabi niyang puwede niyang gawin ang lahat ng ginagawa bago pa siya maikasal. Her mind was willing to do just that, but another part of her was begging her to go home that instant.

Sa huli, nagpasya si Elma na pilit alisin sa isip ang naiwang asawa. Wala siyang karapatang mag-feeling wife.

Mayamaya, nag-check in sila sa hotel. Ang dating masayang lakwatsa nilang grupo, hindi na ganoon kasaya sa kanyang paningin ngayon. Ano ba ang masaya sa pakikinig sa mga kuwento ng mga kabarkada kung noon pa niya narinig ang mga iyon?

Nang hapong iyon, tumawag si Elma sa airline at pinapalitan ang petsa ng ticket niya para sa flight kinabukasan din.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon