Chapter Two

10.1K 263 5
                                    

INAYOS ni Kiko ang suot na necktie. Hinaplos niya ang mangasul-ngasul na pisngi na bahagya pang maanghang-anghang ang pakiramdam dahil sa aftershave. Ngumiti siya sa repleksiyon sa salamin at parang baliw na itinuro ang sarili.

"Good work, you lucky bastard," sabi niya sa repleksiyon. Hindi na mabura-bura ang pagkakangiti niya.

Matagal nang inaabangan ni Kiko ang araw na iyon. Sa araw na iyon tuluyan nang magre-retire ang kanyang ina bilang miyembro ng board. Hahatiin na sa kanilang dalawa ni Toto ang stocks nito.

Si Kiko man ang CEO ng Zenith, ang mga desisyon pa rin ng kanyang ina ang palaging nasusunod. Sa araw na iyon ay magkakaroon ng annual meeting at doon iaanunsiyo ng kanyang ina na siya na sa wakas ang tunay na kapitan ng barko.

Sure the board respected him, but he knew they all thought he was just his mother's yes man. Simula mamaya, ipapatupad na niya ang lahat ng kanyang gusto sa kompanya. At wala na rin namang magagawa ang mommy niya dahil ite-turn over na nito nang tuluyan sa kanila ni Toto ang Zenith.

Wala ring problema si Kiko kay Toto. Okay na sa kapatid ang posisyon bilang vice president for marketing ng kompanya. Sinabi na ni Toto noon pa man na balak nitong magtayo ng ospital kapag handa na ito. At siyempre pa, tutulong ang Zenith na bigyang-katuparan ang pangarap na iyon.

That would be years from now. Tinatapos pa kasi ni Toto ang Med-proper nito. Isa pa, abala rin ito sa asawang si Sibyl.

Hindi na magtatagpo uli ang mundo nilang magkapatid na nagkahiwalay noong mga bata pa sila. Ibang-iba kasi silang dalawa. At kahit ganoon nga ang nangyari, masaya naman sila sa relasyon nila. They were close although their priorities were different from each other.

Kiko devoted all his adult life to Zenith. Half of Toto's adult life was devoted to De Cambre Funeral Homes.

At sa araw na iyon, may kinahantungan na ang lahat ng effort ni Kiko para sa Zenith. He was very proud of himself. Sa katunayan, noong isang linggo pa siya nag-set ng celebration para sa gabing iyon sa Territorio de los Hombres.

Ang Territorio de los Hombres ang gubat na pinuntahan nila noong mga bata pa silang magkakabarkada. Doon nila nakita ang dambuhalang sawang inakala niyang kikitil sa buhay nila.

The place was now one of the world's most favorite tourist destinations. It was now a complete recreational park with world-class facilities and amenities, all two thousand five hundred acres of it. And he was part-owner of it.

Dahil inianunsiyo na ni Kiko ang celebration, siguradong kompleto ang barkada mamaya. Hindi lang silang anim na magkakasamang nakakita noon ng ahas, kundi maging ang mga miyembro ng kalabang grupo noon. Silang labing-isa ang hombres ng Territorio.

Magandang-maganda ang mood ni Kiko. Ang mukha niyang madalas na ngumingiti lang sa harap ng mga kaibigan, abot hanggang tainga ang pagkakangiti ngayon. No one could ruin that day. It was his day. And he had waited so long for that day to come. He thought it never would. His patience and hardwork paid off at long last.

Pagpasok pa lang ni Kiko sa Zenith Corporate Towers ay nakangiti na siya. Bahagya pang nagtataka ang ibang nakakasalubong. He was always serious. Ibang-iba para sa kanya ang ambiance ng Zenith. Ang tagal niyang ginustong patunayan sa ina na karapat-dapat siyang maghari sa kompanya. Although always loving, his mother was a no-nonsense woman when it came to Zenith. Namana siguro niya iyon dito.

And no, his dreams of having his family live under one roof again never materialized. His father died years ago in a freak accident. Nasagasaan ito sa kalsada. Dinamdam niya iyon nang husto. Alam niya, dinamdam din iyon nang husto ng mommy niya. Pero kung may isang naapektuhan niyon nang higit sa inaasahan, si Toto iyon na lumaki sa kanilang ama.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreWhere stories live. Discover now