Chapter Four

9.3K 274 2
                                    

KIKO looked like a true-blue executive. Preppy, one of those types. Iyon ang obserbasyon ni Elma sa binata habang nag-uusap sila sa loob ng Furusato, ang paborito niyang Japanese restaurant.

Iyon ang ikalawang pagkakataong nakaharap niya si Kiko mula nang mapagpasyahang magpakasal na lang dito. Noong una ay dinala lang ni Kiko ang prenuptial agreement para daw maipakita niya sa abogado at nagsabi ito ng mga kondisyon. Ganoon din naman ang ginawa niya.

Isa lang naman ang kondisyon: wala silang pakialam sa isa't isa.

Pumayag si Elma na magpakasal kay Kiko dahil wala talaga siyang malalapitan. Hindi siya sanay nang wala ni isang kusing na madudukot. Daig pa niya ang isang basang-sisiw kapag nagkataon. Wala siyang bahay, walang sasakyan, walang pera. In short, wala siyang ipinagkaiba sa mga taong-kalye.

May mga kaibigan naman siyang malalapitan pero alam niyang may limitasyon ang pagtulong sa kapwa. Isa pa, kahit kailan ay hindi niya naging ugaling humingi ng tulong sa iba. Mas gugustuhin pa niyang matulog sa kalye kaysa mamerhuwisyo. At noong una silang magkausap ni Kiko, napatunayan niyang tama ang naging desisyon. Mukhang madali namang kausap ang lalaki.

"Did you bring the documents?" tanong ni Kiko, pormal na pormal.

"Yes," balik niya, pormal na pormal din.

Hindi sila mukhang ikakasal kundi mukhang business associates na hindi malapit sa isa't isa. Sa tingin ni Elma ay walang emosyon si Kiko. Aaminin niyang guwapo ito, pero walang dating sa kanya.

Ang gusto niya sa lalaki ay tipong bad boy ang dating, long hair o skinhead, expressive ang pananamit. In short, mga tulad niya. Naka-dreadlocks ang buhok niya ngayon. Isang linggo nang ganoon ang kanyang hairstyle. Bagay naman sa kanya.

Samantalang si Kiko, wala man lang kahit na anong kulay ang suot. Black coat, black tie, gray shirt, black pants. He looked so strict and imposing, mukhang hindi marunong magsaya. Pero wala na siyang pakialam pa roon. Ang sa kanila ay isang ugnayang nangyari lang dahil hinihingi ng pagkakataon.

Halatang-halata namang hindi rin gusto ni Kiko na maikasal sa kanya. Kitang-kita iyon sa mga akto nito. Hindi tuloy maiwasan ni Elma na itanong ang naiisip na rason ni Mrs. de Cambre kung bakit kailangan pang daanin sa ganoon ang paghahanap ng asawa ni Kiko.

"Sabihin mo nga sa 'kin, Kiko. are you gay?"

Kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay ang pagkalukot ng mukha nito. "What?"

"Are you gay? Are you a homosexual? I was just wondering. Bakit kailangan ng mommy mo na ihanap ka ng asawa? I presume para pagtakpan ang homosexuality mo. It's all right, you can tell me. I don't judge people by their sexual preference." Uminom siya ng soft drink.

"Lady, you don't know anything about me." Astang naiirita ang lalaki, kunot na kunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay.

"Exactly. Kaya nga nagtatanong."

"I'm not gay, all right? Jeez!" Bahagyang nagdikit ang mga labi nito. "Now, whatever's going on in my mother's head, I have no idea and frankly, I couldn't care less."

"Why?" curious na tanong naman niya. Wala bang pakialam si Kiko sa desisyon ng ina na baguhin ang takbo ng buhay nito? Kung siya ang lalaki, malamang hindi na siya makatulog kakaisip at siguradong hindi siya titigil sa kakatanong kung bakit. Ganoon ang natural na reaksiyon ng mga taong normal ang pag-iisip. Malamang, lahi ng mga may sayad ang mga de Cambre.

"I just don't." May pagtatapos sa tono ni Kiko, parang tinatamad na siyang kausapin.

Nagkibit-balikat na lang si Elma at itinanong ang isang bagay na gustong malaman. "When are we gonna get an annulment?"

"In two years."

"Ang tagal!" angal agad niya. Kung puwede nga lang na pagkatapos na pagkatapos ng wedding ceremony ay dumeretso na sila sa city hall at mag-file ng annulment.

"I already talked to my mother. Well, actually, she talked to me. She asked me to give our marriage at least two years. I gave her my word."

"Is your word good?"

"Yes." Nabahiran na naman ng iritasyon ang guwapong mukha ni Kiko.

"I'm just making sure. Wala akong habol kung sakaling ayaw mong i-grant ang annulment."

"And why would that happen?"

Nagkibit-balikat si Elma. Naisip niya na kung sakaling mangyari man ang bagay na iyon ay magagawan naman siguro niya ng paraan. Base sa usapan nila, mukhang malabo naman iyong mangyari. Sa katunayan, sa palagay niya ay okay naman ang "deal" na pinasok. Kumbaga, isang negosyo o trabaho iyon. Para siyang contractual worker, silang dalawa ni Kiko. Kikita siya nang milyones sa loob lang ng dalawang taon. Dadaigin niya ang mga OFWs sa laki ng "susuwelduhin."

Sa laki ng nakasalalay na perang pinagpaguran ng kanyang mga magulang nang mahigit dalawang dekada, ano na lang ba ang dagdag na apelyido sa pangalan niya? Anyway, dalawang taon lang naman iyon. Twenty-four pa lang siya. Napakalaki ng mundong naghihintay sa kanya pagkalipas ng dalawang taon.

"All right, Kiko, see you at our wedding day." Nasukatan na si Elma ng traje de boda. Si Mrs. de Cambre ang nag-aayos ng kasal. Wala na siyang ibang gagawin kundi hintayin ang araw ng kasal.

"See you." Inilahad ni Kiko ang kamay na tinanggap naman niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, nginitian siya ng lalaki.

Ganoon na lang ang biglang pagkabog ng kanyang dibdib.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon