SF-3

47.7K 1.9K 316
                                    

May ilan akong nakikitang mali ko, well, marami pala. Sorry, I’m trying to get back, really. Para akong nangangapa ulit sa pagsusulat. I’m sorry.

PS. I'm accepting book covers for SF. =)

--

ILANG minuto na ang nasasayang sa pagtingin ko sa screen ng cellphone ko. Ilang beses na rin akong napapabuntong-hininga. Simula kaninang nakauwi kami nila Alyanna galing sa Sweet Desire, may mabigat na sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.

Payak akong napangiti nang makita ko ang repleksyon ko sa screen ng cellphone ko.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit tila may mabigat na kung ano sa dibdib ko. Alam ko pero pinipilit kong wala lang naman iyon. Alam ko naman ang dahilan at kung tutuusin, hindi naman ako dapat naaapektuhan pa. Hindi naman dapat.

Inabot ko ang unan sa tabi ko at niyakap ito. Mahimbing na ang tulog ni Niko nang puntahan ko siya kanina. Gabi na rin kaya nagpapahinga na ito. Nakakatuwa nga ang anak ko na iyon, bihira siyang nanggigising sa gabi, tila ba alam niya rin na pahinga ng mga tao ang oras na iyon. 

Tinignan ko ang orasan sa tabing lamesa ng kama ko. Alas-onse na ng gabi, kung tama ang tantiya ko, 10 am pa lang sa New York. Malamang ay gising na si Jahann.

I want to ask him.

I want to know the truth from him. I want him to tell me the truth.

Sino ‘yung Ai?

Girlfriend na ba talaga niya?

Kailan pa naging sila? Bakit wala man lang siyang nasabi sa amin? Kay Aly? Imposible naman na hindi siya magsasabi… 

“God, Cherinna…” ibinaon ko ang mukha sa unan at impit na napaungol.  Ano ba naman ‘tong ginagawa ko? Bakit ko ba iniisip pa iyon? Bakit ba hanggang ngayon, magulo pa rin ang isip ko?

Oo, sinabi niya na the game isn’t over… pero pwede namang nakalimot na si Jahann. Pwede naman na para sa kanya, wala ng ibig sabihin ang mga salitang iyon.

Kung tutuusin naman, kahit pa sinabi niya ang mga iyon, wala namang magbabago, magkapatid kaming dalawa. Pwede naman na natanggap na niya na hindi kami pwedeng dalawa.

Ako lang naman ang hindi nakakatanggap. Ako lang naman iyong hanggang ngayon, hindi pa tuluyang napapatay sa isipan na wala na kaming pag-asa.

Nagpapanggap lang naman akong okay na sa akin… iyon naman din ang tamang gawin. Hindi naman kami talaga pwede ni Jahann. Kahit pa mahal namin ang isa’t isa, hindi naman pwedeng maging kami. Hindi mangyayari ang kami… ‘yung kami na maayos talaga, alam ng lahat, hindi namin itatago. Hindi mangyayari iyon.

Hindi deserve ni Jahann ang relasyong katulad ng relasyon na maibibigay ko. Hindi si Jahann ang tipo ng karelasyon na dapat inililihim. Si Jahann ‘yung karelasyon na ipagmamalaki mo na sa’yo siya. Siya iyong karelasyon na ibibida mo sa mga tao.

No matter how proud I am to have him before, hindi ko naman kailanman maipagsasabi sa ibang tao na kaming dalawa. Hindi mangyayari ang bagay na iyon.

Fate really played with us.

Muli kong binalingan ang cellphone ko na nasa may gilid ko.

I closed my eyes hard. “Bahala na nga!” mahinang usal ko bago dinampot iyon. Nagpalit ako ng number may ilang buwan na ang nakakaran, pero ang alam ko, si Jahann ay hindi—iyon na ang gamit niyang number simula nang nagpunta siyang New York. Iyon pa rin ang number niyang nakasave sa akin. I actually borrowed Alyanna’s phone just to get his number. Wala naman akong kabalak-balak na tawagan siya…

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon