SF-32

17.1K 1K 132
                                    

I was inside my room and I was just sitting on top of my bed. I was hugging my knees while my chin was on top of my knees.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat namaramdaman ko ngayon dahil sa nangyayari sa pamilya namin. Ang tanging naisip ko lang na mangyayari at magiging problema ay ang tungkol sa amin ni Jahann. Hindi ko akalain na may mas malaking magaganap pa pala na mas magpapabago sa buhay naming lahat.

I didn't bother opening the lights. Just like my room, everything is so dark for me now... hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung sino ba ang kakausapin ko ngayon tungkol sa nangyayari sa amin...

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto ko. Hinatid ako ni Jahann dito sa kwarto ko kanina at alam ko na kahit na hinid niya ako gustong iwan ay wala itong nagawa nang sabihan ko siya na gusto ko na muna mapag-isa. Alam ko na gusto niya akong samahan, damayan... pero mas gusto ko na muna na mapag-isa ngayon.

Wala rin sa kwarto ko si Nikolai dahil dinala na muna ito ni Ate Mildred sa kwarto nito at doon na muna pinatulog.

Hindi ko alam kung naroon pa ba sa sala sina Tito Thunder at kung kausap pa rin ba ng mga ito si... ang daddy ni Airi tungkol sa... sa akin...

Naramdaman kong muli ang paninikip ng dibdib ko nang maisip ko ang totoo. Muli kong nakagat ang labi ko nang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko nang kumpirmahin ni Daddy ang totoo tungkol sa pagkatao ko...

Hindi nila ako anak...

Napayuko ako nang muli kong pakawalan ang mga luha sa mga mata ko. I tried so hard not to make a sound while crying. Niyakap ko ng mahigpit ang mga tuhod ko habang patuloy ang paghagulgol ko.

Mula pagkabata akala ko anak nila ako... akala ko kapatid ko si Alyanna...

Alam ko na mali na nagkagusto ako kay Jahann pero hindi ko akalain na... na ampon lang ako.

Umiling ako at pinunasan ang mga pisngi ko. "At least... at least they took care of you... kahit na... hindi ka nila anak talaga..." mahinang sabi ko upang palakasin ang loob ko ngunit mas lalo lang akong napahagulgol dahil nasasaktan akong nalaman namin ang totoo.

I closed my eyes and hugged myself again.

I remember those days we're all together... ako, si Alyanna, si Mommy, si Daddy... who would've thought I am not a real part of their family?

"Hindi na nga niya ako anak, ako pa lagi ang nagbibigay sa kanya ng sama ng loob..." I smiled sadly and sobbed again. I bit my lip hard when I remember all those times I made mom cry...

Sa aming tatlo, ako ang laging nagpapasama ng loob niya, ako ang laging dahilan kung bakit siya umiiyak... hanggang ngayon na nalaman na namin ang totoo, nasasaktan pa rin si Mommy dahil sa akin.

I looked at our family picture on top of my bedside table. Katabi iyon ng picture namin ni Nikoai.

Nanginginig ang kamay na inabot ko iyon at pinagmasdan ko ang mga kasama ko sa picture na iyon.

I stared at mom's face and smiled sadly. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nakatingin sa picture namin na iyon. I looked at Alyanna's smiling face and I couldn't stop myself from sobbing.

I grew up thinking we're twins. Alam ko na marami naman ang nagsasabi na ang pagkakahawig namin ni Alyanna ay hindi masyadong visible pero hindi naman namin iyon binibigyang pansin dahil ang mahalaga naman sa amin ay kaming dalawa...

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon at bumukas iyon. I saw Jahann walk towards me. Madilim sa loob ng kwarto ko kaya naman hindi ko na nakita kung anong emosyon ba ang mayroon sa mukha nito.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon