SF-28

14.2K 789 163
                                    


It's been a really quiet day in our house. Napatulog na ni Ate Mildred si Nikolai kaya naman wala na ring batang umiiyak o tumatawa ang naririnig sa buong kabahayan.

Nakauwi na rin ang mga kasama namin kanina kaya kami na lang ang naiwan doon.

"You should eat, Creep," ani Jahann na nilagyan ng pagkain ang plato ko. Napalingon naman ako roon at napahinga ng malalim. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bakas sa mukha ni Jahann ang pag-aalala sa akin.

Kaming dalawa lang ang naroon sa komedor ngayon at kumakain.

I cooked Alyanna's favorite sinigang but she said she doesn't want to eat. We also ordered strawberry cheesecake for Mom but Dad said she's not feeling well.

Alam ko naman na hindi namin sila madadaan sa ganito at naiintindihan ko naman kung bakit ayaw nilang makasama kami sa pagkain.

"You cook really good, Creep," sabi ni Jahann na halatang inaalo ako. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil. "I'm gonna eat this. Wag mo na isipin na sayang, okay?" ngumiti siya sa akin.

He's always like that... even before he confessed his feelings for me. Masungit siya, kahit naman ako ay sinusungitan niya pero lagi niya pa rin akong inuuna o hindi kaya ay pinapalakas ang loob ko.

Kino-comfort ako.

"Talaga? Sige, ubusin mo talaga yan, ha," sabi ko sa kanya na sinundan iyon ng pagtawa. Dinagdagan ko ang pagkain sa plato niya kaya naman natawa ito pero hindi naman nagreklamo.

Dalawa lang kaming kumain nang gabing iyon.

Inilagay na lang namin ang mga naiwan sa refrigerator para makain pa rin naman namin kinabukasan.

Matapos akong maghugas ng kamay ay hinawakan ni Jahann ang kamay ko at dinala niya ako papunta sa labas ng bahay namin.

"What are we going to do here?" I asked him as I sat on the bench outside. Mahamog pa rin na sa labas dahil marahil uulan na naman ngayong gabi. Napangiti ako nang makita ko ang mga tanim na halaman ni Mommy na patuloy naman din ang pamumulaklak kahit na nag-uulan nitong nakaraan.

"I just want to stay here with you," ani Jahann bago ito naupo sa tabi ko at hawakan ang kamay ko. Marahan niya iyong pinsil bago isinandal ang ulo sa balikat ko.

Napatingin ako sa kanya ngunit hindi ko makita ang mukha niya.

Alam ko na nahihirapan din siya sa nangyayari. Kahit na hindi sabihin ni Jahann, alam kong malungkot din siya. He may show that he's tough and he's strong... but I know he's really soft inside.

Ngumiti ako ng tipid bago ako naman ang pumisil sa kamay niya.

"Are you really sure that you want to do that?" tanong ko sa kanya hinggil sa nakaplanong pagpapatest nilang dalawa ni Daddy bukas. Sasamahan ko si Jahann bukas na magpa-DNA test. Sinabi ko na iyon sa kanya at hindi naman siya nagprotesta pa.

"Yeah..." mahinang sagot niya sa akin. Isinandal ko ang ulo sa kanya. "Do you want the result to be positive?" tanong niya sa akin. Marahil ay hindi pa ako nagsabi sa kanya ng opinion ko sa nangyayari sa amin.

"I'm being selfish, Jahann..." panimula ko. "Kung magpositive, it means you're my brother... ibig sabihin mali 'yung inaakala mo... ibig sabihin..." kinagat ko ang labi ko nang huminto ako sa pagsasalita.

"Ibig sabihin hindi tayo pwedeng dalawa..." sabi ko sa kanya sa halos walang boses na tinig.

"It will hurt them... It will hurt Alyanna, Mommy, Daddy... even you. Kung maging negative man, alam ko magiging masakit din iyon para sa'yo..." sabi ko sa kanya. Hindi naman ito nagsasalita, pinakikinggan lang niya ang sinasabi ko.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon