SF-43

17.7K 891 88
                                    


I was just looking at them and I actually don't have any idea what I should say. Kanina pa ako nasa loob ng bahay at si Mommy naman ay nagpunta lang sa kwarto nila ni Daddy para makapagpalit ito ng damit dahil kagagaling lang nito sa Blooms sa tingin ko.

Luminga ako sa kabahayan at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Lahat ng naroon ay pareho pa rin. Kung paano ang pagkakaayos ng mga gamit doon, kung paano namin inayos ito noon nila Mommy, Alyanna at Tita Zyline.

Napako naman ang mata ko sa dalawang portrait na naroon. Ang isa ay ang portrait namin nila Mommy at Daddy kasama si Alyanna at si Jahann, ang pangalawa ay sila rin pero si Airi na ang kasama. I smiled a little.

They look expensive.

They look elegant.

I am honestly happy for them because Mommy deserves to be with her own child. Ganoon din naman si Airi at tiyak ko na ganoon din naman sina Daddy Hugh, kaya naman kahit na nagkaroon ng mga problema, sa palagay ko naman ay nangyari ang lahat ng iyon dahil may dahilan.

We all learned our lessons.

It made us all stronger and tougher.

"Is Jahann with you?" tanong ni Daddy sa akin na may dalang isang tray na may merienda. Agad naman akong tumayo para kunin dito ang dala at ako na ang naglagay nito sa lamesa bago ako sumagot sa kanya.

"He's at Ai's po. I came here with Enzo, but... he left me..." napakamot ako sa batok ko. Iniisip ko pa rin na isumbong si Enzo kay Jahann pero iniisip ko rin na baka mag-away pa ang dalawa kaya baka ako na lang din ang kumausap kay Enzo talaga.

"He did?" Dad asked again as he looked at me. Tumango naman ako rito bago tumingin sa cake na dinala nito. It was a strawberry cheesecake and I couldn't stop myself from smiling. Si Mommy at si Alyanna talaga ang mahilig sa strawberries at ngayon, nasasanay na lang din talaga si Daddy rito.

"I am sorry if I came here unannounced, Dad..." maya-maya ay sabi ko bago nag-angat ng tingin sa kasama ko sa may sala. Bago pa man makasagot si Daddy ay narinig na naming dalawa ang boses ni Mommy.

"Alyanna, we'll all have dinner here tonight, okay? Call your brother and Airi, they're both not answering their phones!" nakasimangot na sabi nito bago lumingon sa amin ni Daddy. Daddy chuckled as he looked at Mommy.

"Okay, see you later, bye," paalam nito bago naglakad papunta sa amin at tumabi kay Daddy. "Why are you laughing? Is it funny?" she rolled her eyes and leaned on Daddy before looking at me. Agad namang ngumiti si Mommy nang magtama ang tingin naming dalawa.

Hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang maaari kong gawin dahil na rin nahihiya pa rin naman talaga ako na humarap sa kanya. Kung hindi lang ako iniwan ni Enzo, malamang ay hindi pa rin mangyayari ang bagay na ito.

"Uhm..." I cleared my throat as I looked at them. "Like what I told Daddy, I am sorry if I came here unannounced. Wala naman po talaga sa plano ko iyon ngayong araw, I just... I just missed you so much, Mommy..." napayuko ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. As much as possible, I don't want to show her that I am crying because I know she will feel bad. She might think it's her fault again when it's not.

Napaangat ako ng tingin ng hawakan niya ang kamay ko at pisilin iyon. "We actually went to your house to see you, baby," inangat din nito ang isang kamay at pinunasan ang pisngi ko. "Because your dad is being so unfair, siya lang ang laging nakakakita sa iyo," tinignan naman nito ng masama si Daddy na ngumiti lang ng maliit.

"What...? Sa bahay po...?" tanong ko sa kanya. Wala namang message sa akin sina Daddy Hugh at Mommy Hannah na nagpunta sina Mommy at Daddy roon. Or maybe because I never got the chance to check on my phone again while we're on our way here.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon