SF-46

15.4K 972 137
                                    

For the silent readers again. Hahahaha. 

========

Nakasandal lang ako sa pader habang nakatingin kina Kol at Enzo na magkakatulong na dinadala ang gamit namin ni Nikolai. I looked at Jahann and frowned at him. Ito ang tumawag kina Enzo para tumulong sa pagdadala ng mga gamit namin ni Nikolai.

Parang gusto kong matawa kahit na hindi akma sa sitwasyon dahil parang gusto nilang linisin ang buong kwarto ko sa pagbubuhat. Pinigilan ko na lang kanina si Enzo na dalhin ang drawer ko.

"It's only for a few weeks, you know?" sabi ko kay Jahann na siyang may dala ng isang bag ng gamit ni Nikolai. Si Theon at Keij ang nasa sasakyan dahil ang sabi ng mga ito ay sila naman ang mag-aakyat ng gamit namin sa condo ni Jahann kaya hindi muna sila nagbuhat ngayon.

Nasa labas ng kwarto ko sina Mommy Hannah at Daddy Hugh na bakas sa mga mukha ang lungkot. Kahit naman ako ay nalulungkot sa nangyayari dahil na napapalapit naman na ang loob namin sa kanila, alam kong kahit si Nikolai ay kumportable na sa kanila.

Nang matapos sina Kol at Enzo ay lumabas na rin kami. Lumapit ako kaagad kina Mommy Hannah at niyakap ito ng mahigpit. Wala si Camilla sa paligid dahil pinahigpitan ni Daddy Hugh ang pagbabantay rito.

Ang alam ko ay nakikipagcoordinate na rin ito ngayon sa mga mental institutions na pwedeng pagdalhan kay Camilla pero hanggang wala pa ay kailangan muna naming ilayo si Nikolai sa babaeng iyon.

"I will text you the address, Mommy Hannah," sabi ko sa babae bago ito niyakap ng mahigpit. "Yes, yes, please..." sambit naman nito bago tumingin kay Jahann. "Take care of Cherinna, okay?" pakiusap nito bago ako muling tinignan. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.

"I am sorry that we can't give you a peaceful home for now... but your dad and I... we will fix this, para makauwi na kayo ni Nikolai sa amin..." tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha nito sa mga mata at niyakap ako ng mahigpit.

"It's okay, Mommy Hannah... things will be okay..." sabi ko naman dito. I don't blame them for anything because I know they're also a victim here.

We're all victims of Camilla.

Hinawakan ni Daddy Hugh ang kamay ko at pinisil iyon. Nilingon ko siya at ngumiti ako ng tipid dito. "Don't worry, Daddy Hugh... we will be okay. I am hoping Camill will be, too... I know you are worried about her, too," sabi ko rito bago ito niyakap ng mahigpit.

"Take care, too... we will be back soon, okay?" pilit akong ngumiti sa kanila sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko. I just feel so emotional right now.

Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon dahil na rin sa nangyayari sa amin.

Nagkaayos kami ni Mommy at Alyanna.

Dumating si Camilla at nagiging threat sa amin ni Nikolai.

Kailangan naming umalis ni Nikolai at muling mapawalay sa pamilya ko.

I don't know what I should feel right now. Ang nangyari noon ay nararamdaman ko pa rin. Kahit pa tanggap ko na ang nangyari, hindi ko pa rin naman maiwasan na hindi makaramdam ng sakit ukol doon.

"Take care of them, Jahann," bilin ni Daddy Hugh kay Jahann nang ihatid nila kami sa pintuan. Nasa loob na ng sasakyan ni Jahann si Ate Mildred at si Nikolai habang lulan naman na ng sasakyan ni Theon si Enzo, Kol, at Keij.

Matapos kaming magpaalam sa mga ito ay sumakay na rin kami ni Jahann sa sasakyan nito. Nakasandal lang ako habang nakatingin sa daan at pinagmamasdan ang mga ilaw ng mga sasakyan na nasa unahan namin.

"Baby," untag ni Jahann sa akin bago abutin ang kamay ko. Nagmamaneho ito ngayon gamit ang isang kamay lamang.

Nilingon ko ito. "Hmm?"

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon