SF-29

14.1K 810 102
                                    

The result will be out by Saturday.

May ilang araw pa kaya naman pilit kong inaalis na lang na muna sa isipan ko ang bagay na iyon. Pagbangon ko ay nag-ayos na ako para sa pagpasok ko. Tulog pa rin si Nikolai kaya naman naligo na muna ako.

Madalas naman na tuwing umaga ay kinukuha ni Ate Mildred si Nikolai para paarawan pa rin sa umaga.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at kinuha ang bag ko. May exam ako ngayon at hindi pa ako nakapag-aral. Iniisip ko na magbabasa-basa na lang ako habang nasa biyahe at break time tutal naman ay sa hapon pa ang exam namin.

Bitbit ang bag at libro ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.

Magmula nang malaman ng lahat ang tungkol sa amin ni Jahann, tila nawalan ng buhay ang bahay namin.

Hindi ko pa ulit nakikita si Mommy, si Alyanna naman ay hindi ako kinakausap hanggang ngayon. Sinusubukan ko magreach out sa kanya pero alam ko na masama pa rin naman ang loob niya sa akin kaya hindi ko siya masisisi.

Naabutan ko sa sala si Nikolai at si Ate Mildred.

I smiled when I saw him. Things are hard but I still have him. Si Nikolai naman din ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko at hindi ako pinanghihinaan ng loob. Hindi ako pwedeng sumuko para sa anak ko.

"Good morning..." bati ko sa bata na sinuklian ako ng matamis na ngiti. Nakakain na ito at kasalukuyang naglalaro. "Dahan-dahan ka sa paglalakad mo, ha?" sabi ko rito.

Nilingon ko naman si Ate Mildred na hawak si Nikolai. "Kumain na sila Mommy?" tanong ko sa kanya.

"Umalis po ang Mommy niyo. Hinatid ni Sir. Doon daw muna siya sa Lola niyo dahil walang kasama ngayon," sagot nito sa akin. Napatango na lang ako ng marahan.

Lola is living with Tito Thunder and Tita Rain.

Maybe Mommy just wants some space away from us...

"Si Alyanna? Kumain na ba siya?" tanong kong muli bago tumayo at binitbit ang gamit ko na inilapag ko sa couch.

"Hindi pa po. Nasa kwarto pa niya siya, eh."

"Padalahan na lang siya ng pagkain, ha?" ngumiti ako ng tipid dito bago nilingon si Nikolai. "Aalis na si Mommy. See you later, okay?" I smiled at him before kissing his head.

"Ikaw, hindi ka ba muna kakain?" pigil niya sa akin. Umiling naman ako. "Hindi na. Bibili na lang ako," sagot ko bago naglakad papunta sa pinto.

"Hindi ka ba magpapahatid kay Jahann?" habol nitong tanong sa akin. Nilingon ko naman ito at saka nginitian. "Hindi na. Magtataxi na lang ako," sabi ko sa kanya bago tuluyan ng lumabas ng bahay.

Hindi naman din naging matagal ang paghihintay ko sa taxi dahil nakasakay agad ako. Wala pa naman din masyadong traffic kaya nakarating ako agad sa school.

Habang naglalakad ay nagring ang phone ko kaya naman tumabi na muna ako para hindi makaharang sa iba bago sagutin ang tawag.

I saw Jahann's name on the screen. Napangiti ako. Alam ko na manenermon ito.

"Hello...?" sagot ko sa tawag niya. Yakap ko ang libro ko habang nasa may gilid ako.

"Why didn't you wait for me? Ako na sana nagdrive sa'yo diyan," sagot nito sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ay alam kong nakakunot ang noo ni Jahann ngayon.

"Nandito naman na ako and I'm safe and okay," sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagdating ng sasakyan ni Kol kaya ngumiti ako at kumaway rito.

"Even so, baby," Jahann scoffed. Hindi ko mapigilang matawa sa kanya. He's really cute when acting up.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon