SF-24

15.4K 938 341
                                    


Hinawakan ni Jahann ang kamay ko at iginiya ako pabalik sa bahay namin.

"Si Alyanna..." pigil ko sa kanya. "Please, follow her..." pakiusap ko kay Jahann habang patuloy rin ang pag-iyak ko. Nasasaktan ako sa naging reaksyon ni Alyanna pero hindi ko siya pwedeng sisihin sa bagay na iyon.

Wala naman ako sa posisyon na magalit sa kanya.

"I'll take you home first..." ani Jahann sa akin na hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Umiling naman ako sa kanya. "No, follow her... she's mad and... she's hurt. We have to make sure that nothing bad will happen to her..." sagot ko naman sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Baby..."

I wiped my cheeks and looked at him. "I'm fine. Please, Jahann..." alam ko na ako pa rin ang gustong unahin ni Jahann sa ngayon, ang kalagayan ko, ang kapakanan ko. He's always like that, he always puts me first.

Kaya ngayon, gusto ko na unahin niya si Alyanna.

"Uuwi na ako..." paalam ko sa kanya at naglakad pabalik sa bahay namin. Basang-basa na ako ng ulan at nanunuot na rin sa balat ko ang lamig dahil sa hangin na dala ng ulan. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang sarili ko sa pag-iyak habang humahakbang pauwi sa bahay namin.

Nang makauwi ako ay mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko, naabutan ko si Ate Mildred na naroon at tinitignan si Nikolai.

"Ma'am? Basang-basa ka po, saan ka po ba nanggaling?" lumapit ito kaagad sa akin matapos kunin ang tuwalya at ibinalot sa akin. "Maligo ka muna para hindi ka magkasakit. Nanunuod lang kayo kanina, ah?" takang-tanong pa nito.

"I..." nag-iwas ako ng tingin sa kanya. I cleared my throat. Pakiramdam ko ay kapag nagsalita ako ay basag ang tinig ko. "I'll just take a bath..." halos walang boses kong sabi bago pumasok sa loob ng banyo.

Nang masara ko ang pinto ay tsaka ko pinakawalan ang iyak na kanina ko pa pinipigil. Napaupo ako sa sahig habang yakap ang mga binti ko.

I am scared...

I am really scared right now.

I am scared that they will hate me... they will hate us.

Si Nikolai...

I am scared to lose Jahann again.

I closed my eyes and bit my lip hard.

I never wanted Alyanna to get mad at me... I never wanted them to get mad...

I tried to stop it, too... but I really can't.

Patuloy ang paghagulgol ko habang nakayakap lang sa mga binti ko.

Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal na nasa banyo bago ko naipon ang lakas ko para maligo na rin. I tried to calm down while I'm under the shower. Hindi pwedeng paglabas ko ay umiiyak ako. Tiyak na magtataka si Ate Mildred.

Paglabas ko ng banyo ay wala na si Ate Mildred sa loob. Mabilis lang akong nagbihis at naupo sa gilid ng kama ko habang nakatingin kay Nikolai.

"You're too young to be in the mess I did..." mahinang sabi ko sa kanya bago ngumiti ng malungkot.

Hindi mawala sa isip ko na pwedeng itakwil kami ni Mommy... ni Daddy...

I remember what I said to Lean before... but their story is different.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok mula roon. Mabigat ang paghinga na tumayo ako at lumapit doon para buksan iyon. I saw Lean and Airi.

Agad na kumunot ang noo ni Lean sa akin. "Che? Are you okay?" she asked me while examining me. I don't feel okay, so maybe I don't look okay.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon