SF-40

20.7K 1.1K 183
                                    


I got my wattpad star badge naaaa. Thank you, loves! Thank you sa support niyooo. 

Vote, comment and follow! :)


=============================

Nakatingin lang ako sa kina Mommy Hannah at Daddy Hugh habang nakikipaglaro ang mga ito kay Nikolai. Nagyaya sila na magpunta kami sa park na naroon kaya naman naisipan ko na rin na magdala ng mga makakain kaya nagmimistulang nagpipicnic kami roon.

Naglagay lang kami ng sapin upang maupuan at pasalamat na lang din ako sa mga naglalakihang mga puno kaya naman nakakasilong kami at hindi naaarawan ng husto.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing tumatawa si Nikolai habang nakikipaglaro sa mga magulang ko. It was a good thing that he felt at ease with them. Hindi ito naiilang sa kanila kahit pa kung minsan ay sinusumpong ito at sa palagay ko ay hinahanap sina Mommy at Daddy dahil na rin ang mga ito naman talaga ang nakasanayan nito na kasama.

Inabutan ako ni Ate Mildred ng sandwich na tinanggap ko naman matapos akong magpasalamat sa babae. Ngumiti ito sa akin at hindi pa rin nagbabago ang tila nangyayari rito na mas masiyahin na kumpara noong unang dumating kami roon.

Malapit ko na ngang isipin na may nagugustuhan ito dahil ilang beses ko na rin itong nakitang may kausap sa phone nito sa likod-bahay. Hindi ko na lang din sinita dahil hindi naman nito napapabayaan si Nikolai. Isa pa ay para ko na rin namang pamilya si Ate Mildred kaya walang kaso sa akin ang bagay na iyon.

"Where's Jahann?" Daddy Hugh asked me as he handed Mommy Hannah the bottled water he opened. Natutuwa ako sa tuwing nakikita sila na ganoon.

I admit, Daddy Hugh is kind of similar to Daddy. Hindi ko ibig na ikumpara silang dalawa pero minsan ay nakikita ko ang pagkakatulad nilang dalawa. Lalo na kapag tahimik ito at kapag inaalagaan nito si Mommy Hannah.

I miss mommy...

I smiled a little before I looked at Daddy Hugh. "May inaasikaso po, eh. Pero baka po mamaya magpunta siya," sagot ko naman rito. Tumawag si Jahann sa akin kaninang umaga at nagpaalam na may aayusin sa Ai's kaya hindi ito nakapunta ngayon. Sinabihan ko naman ito na wala namang problema dahil mas dapat niyang unahin iyon. Hindi naman nagmimintis ng pagtawag sa akin sa araw-araw.

Kung minsan ay sa mga tawag ni Jahann ako nagigising. Kapag hindi siya nakakapunta sa bahay namin ay tumatawag ito kaagad sa akin ng umaga pa lang para magpaalam at bilinan ako na kumain at alagaan ang sarili.

Jahann told me Daddy Hugh told him his plans. Sinabi nito sa lalaki na may plano ang mga ito na mangibang bansa at isasama ako at ang anak namin ni Jahann, at sinabi ni Jahann sa akin na pwede akong magdesisyon sa bagay na iyon.

Wala akong balak na umalis.

Pero at some point, naiisip ko rin naman na baka mas magiging maayos ang lahat kung aalis ako, baka mas maging maayos ang sitwasyon kung mapapalayo ako sa kanila, lalo kay Alyanna at Mommy...

Hindi ko sila masasaktan ulit.

I really miss them.

When Jahann asked me to marry him, I wasn't able to say yes immediately. Instead, he hugged me and kissed my forehead and told me he will marry me, not now but at the right time...

At wala akong mapagsabihan ng tungkol sa bagay na iyon. Wala akong makausap tungkol sa nangyari, para maibahagi ko 'yung nararamdaman kong saya... takot... kaba...

I miss Alyanna... I miss her so much and it pains me to know she's okay without me. I know she's mad at me, she feels bad, and I understand that...

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon