SF-21

18.9K 930 252
                                    


Pinauna na ako ni Jahann na maligo habang inaayos nito ang tutulugan ko. Dalawan naman ang kwartosa bahay ni Jahann kaya ako ang gagamit ng guest room niya habang sa kwarto niya siya matutulog.

Napakamot ako ng ulo matapos kong isuot ang mga damit na ibinigay ni Jahann. I don't have spare underwear with me so I just wear his shorts and shirt. Wala akong panloob pero makapal naman ang damit ni Jahann kaya hindi naman naaaninag ang katawan ko.

Ibinalot ko na lang ng tuwalya ang buhok ko bago lumabas ng banyo. Kipkip ko ang mga damit ko dahil lalabahan ko iyon ngayon para magamit ko kinabukasan. I went to his laundry area and washed my clothes. Hinayaan ko na muna iyon doon at bumalik sa loob ng guest room.

Naabutan ko si Jahann na naroon at may hawak na mug.

"Hot chocolate?" I asked him, smiling. He never failed to do that. Lagi niya akong dinadalahan lalo kapag malamig ang panahon.

He nodded and smiled at me. "Are you sure you're okay here? You can sleep in my room and--"

"Jahann..." I stopped him and smiled. "I'm fine here. Besides, you said you're going to work on something, diba? Kung doon ako, baka magulo kita." Lumapit ako sa kanya at inabot ang hawak niya, naupo na rin ako sa kama at tumingin sa kanya.

"Hindi mo naman ako naiistorbo," sagot niya sa akin bago umupo sa tabi ko. "I called them at home, Nikolai is already sleeping," ani Jahann sa akin. Tumango naman ako ng marahan. Well, Nikolai is like that. Kahit hindi niya ako kasama, nakakatulog siya kaya naman hindi siya mahirap bantayan.

Inabot ko ang kamay ni Jahann at pinisil iyon. Napapansin ko naman na simula nang bumalik si Jahann at naging malapit ang loob nito kay Nikolai, lagi niya na itong iniintindi. Kaya naman alam ko na magiging mabuting ama talaga ito sa bata.

"Hmm?" he asked before looking at me.

Umiling naman ako sa kanya. "Aren't you going to take a bath?" I asked him instead. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang pisngi niya at marahan iyong hinaplos. Ngumiti ako sa kanya.

Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinalikan ito.

Huminga siya ng malalim bago tumango at tumayo na. Yumuko lang siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Call me if you need anything, okay?" he said before kissing my head again.

"I will..." I softly said.

Lumabas naman na ito at isinarado ang pinto. Huminga na lang ako ng malalim para pakalmahin na rin ang sarili.

I know the tension is building up between us. Nangyari na iyon sa amin noon at wala naman ako sa posisyon para magpanggap na inosente tungkol sa bagay na iyon.

For Pete's sake, may anak na nga kami, eh.

Umiling na lang akong muli para maalis ang nasa isip ko. Tumayo na lang ako at nilibot ang guest room na iyon. May mga cabinet doon na tanging mga bedsheets at pillowcases ang laman. Wala namang nakatirang iba roon kaya walang ibang gamit ang nasa kwarto na iyon maliban sa mga general na mga gamit na dapat ay nasa loob ng isang kwarto.

Jahann mentioned he called home already and Nikolai is sleeping.

Napangiti ako ng maliit nang maisip ang sinabi ni Jahann sa akin. Sabi niya ay hindi niya balak na itira si Nikolai rito sa condo dahil mas gusto pa rin niya na sa isang bahay talaga lalaki ang anak ko...

Ang anak namin.

Ang daling isipin na magkakasama kaming tatlo at magiging masaya pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin ang tungkol sa sitwasyon namin.

PBF 2: Serpentine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon