Chapter 15: Sertraline

Start from the beginning
                                    

It doesn't make sense. Nagegets ko yung sinasabi ni kuya Forth. Pero yung rationale behind this is somewhat I can't understand.

"Ibig sabihin, ang mga Funtabello ang dahilan kung bakit umabot sa bankruptcy ang kumpanya ng mga Jordan." Sabi ni kuya Forth.

Kanina pa nakikinig si kuya Beam sa amin pero hindi siya nagsasalita. Parang hindi siya apektado sa mga sinasabi ni kuya Forth.

"Bakit sa akin mo sinasabi 'to kuya?" Tanong ko.

"Soon, magpapatawag ako ng presscon para ipaalam globally na ako ang may-ari ng Marbosa Pharma. Hinayaan kong makapasok ang mga Funtabello sa kumpanya. And I need your help bunso." Sabi ni kuya Forth.

"Matagal na naming pinagaaralan 'to. Everything is going well with the plan." Finally nagsalita na si kuya Beam.

"Besides, ikaw ang magmamana ng kumpanya. Kailangan mong malaman 'to." Dagdag pa ni kuya Forth.

"Eh bakit kailangan ako pa?" Tanong ko.

"Gusto mo bang gumanti sa lalaking sinigawan kayo or hindi?" Sabi ni kuya Beam.

I get it now. Gagantihan ko yung kupal na 'yon!

"Paano ko naman siya magagantihan?" Tanong ko ulit.

"Kapag nagsimula ka nang mag intern for Manufacturing, we'll find out."

"Okay. Off-topic, I have something to ask." Sabi ko.

"What is it?" Tanong ni kuya Beam.

"Sino bang nanligaw sa inyong dalawa?" I asked. Hindi kasi nila nabanggit kapag nagkukwento sila sa akin.

"Ako." Sagot ni kuya Forth.

"Ahhh! Okay. Isa pang tanong. May time ba na nagkahiwalay kayo? Maliban doon sa 8 year lapse ninyo?" Tanong ko.

"Hmm... wala naman." Sagot ni kuya Beam.

"Ibig kong sabihin, diba pag natutulog kayo, may time ba na hindi kayo magkatabing natulog?"

"Noong first night namin as boyfriends, sabi ko gusto kong maranasan na mamiss din siya kahit paano. Kaya noong sinagot ko siya, hindi kami magkatabing natulog." Sagot ni kuya Beam.

I've shut for a moment until we heard someone knockes on the door.

"Pasok!" Sigaw ni kuya Forth.

Bumukas na ang pinto at...

Teka?! Bakit nandito si Ming?!

Nagkatinginan kami ni Ming nang pumasok na siya sa kuwarto.

Gusto ko agad tumayo at yakapin si Ming at magpabuhat sa kanya! Kaso lang nasa kuwarto kami ng mga kuya ko.

"Good evening po. Gusto ko po sana sabihin na, nililigawan ko po si Kit." Sabi ni Ming.

Tatlo kaming natulala at naka-nganga.

"Seryoso ka ba?!" Sabi ni kuya Beam.

"Hindi ka mag eenjoy diyan! Hindi niya mabibigay ang langit ng kaligayahan sa'yo!" Dagdag pa niya.

Minsan, gusto ko na din talagang sampalin itong si kuya Beam.

"Seryoso po ako. Pasensya na po kung kay Kit ko po unang sinabi." Sabi ni Ming.

Sabay namang tumingin sa akin yung dalawa. I'm fucked up.

"Sorry na kuya! Sasabihin ko naman po talaga sa inyo kaso nga lang, mahirap sabihin! Gusto ko din naman kasi si Ming kuya! Balak ko naman talagang sabihin sa inyo eh!" Lumuhod pa ako sa harap nila para mas convincing yung mga sinasabi ko.

"Ibig sabihin sinasagot mo na si Ming bilang boyfriend mo?" Tanong ni kuya Forth.

"Ha?"

"Tanga! Kakasabi mo lang kanina na gusto mo din si Ming!" Sabi ni kuya Beam.

Fuck! Sinabi ko nga!

"Sige na! Matulog na tayo! May gagawin pa kami ni Forth! Enjoy your night with your boyfriend!" Itinulak na kami ni kuya Beam palabas ng kuwarto nila.

Pumunta na kami ni Ming sa kuwarto nang hindi naguusap.

Agad kong niyakap si Ming pagpasok namin sa kuwarto ko.

I've bursted out my tears.

"Namiss kita!" Sabi ko.

"Saglit lang naman tayo nagkahiwalay!" Sabi ni Ming.

"Kahit na! Tapos sabi mo pa tsaka na tayo magusap!"

"Bakit ka pa kasi tinatawag na cute ng lalaking 'yon?!"

Okay! Alam ko na ibig niyang sabihin!

"Ahh! Nagseselos ka kay kuya Joey!" Sabi ko.

"Huwag mo na banggitin!"

Tinawanan ko siya dahil nagselos siya. Hindi bagay sa kanya ang magselos! Hahahahaha! Ang laki niyang tao tapos nagselos sa lalaking 5'2 ang height.

"Sa inyo nalang tayo matulog. Walang kasama si tita sa bahay niyo. Dalhin ko nalang yung isang sasakyan." Sabi ko.

Kinatok ko muna sina mama sa kuwarto nila para magpaalam.

"Mama! Papa! Matutulog po ako kina Ming ngayon. Dadalhin ko po yung isang sasakyan." Sabi ko. Nasa labas lang ako ng kuwarto nila. Hindi na ako pumasok sa loob.

"Sige! Enjoy kayo ng boyfriend mo!" Sigaw ni mama mula sa loob.

Magpapaalam pa sana ako kay kuya Forth kaso ayaw ko naman silang istorbohin sa ginagawa nila.

Sumakay na kami ni Ming sa sasakyan at umalis na.

Habang nasa biyahe...

"Boyfriend mo na ako diba?" Tanong ni Ming.

"Oo." Sagot ko habang nagda-drive.

"Anong balak mo bukas? Gusto mo bang mag date tayo after ng duty natin sa drugstore?" Tanong niya ulit.

"Okaaaay! Gusto kong mag movie marathon bukas sa sinehan! Panoorin natin lahat ng showing ngayon sa sine." Sagot ko.

"Sige. Treat ko bukas." Sabi ni Ming.

Hindi na ako umangal kasi noong huli naming pinagtalunan kung sino ang manlilibre, hindi ako nanalo.

Nakarating na kami sa bahay nila. Mukhang tulog na si tita kaya ginamit nalang ni Ming ang susi niya para makapasok kami.

Dumiretso na kami ni Ming sa kuwarto niya at humiga na sa foam mattress niya.

The usual habit, niyakap ko siya agad.

"I love you." Sabi ni Ming.

"I love me too." Sabi ko.

Lumungkot naman yung mukha ni Ming. Ang cute niyang higante!

"Siyempre joke lang! I love you too!" Pambawi ko.

Hinalikan niya ang noo ko.

Pumikit na si Ming at tuluyan nang nakatulog.

Naisip ko bigla, paano kaya kung iwan ako ni Ming? Paano kung gawin niya din yung ginawa sa akin ni Felina?

Hindi ko hahayaang gawin ni Ming 'yon! Kaya ang ginawa ko...

Natulog akong hawak-hawak ang pagkalalaki niya.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now