"Where are you Babe?"

Simpleng mensahe lang ang sinabi niya pero kinilig talaga ako. Feeling ko kahit simpleng text lang ni Shawn. Kikiligin na ako. Ganito siguro kapag sobrang inlove na inlove.

"Ma'am nandito na po tayo."

Dahan-dahan bumaba ang window ng kotse at tumampad sa'kin ang mga tao sa labas ng simbahan may mga papalapit sa'kin na may hawak na Camera at may nagvi-video sa'kin. Pinagbukas ako ng pintuan ng isa sa mga kaibigan ng Daddy ni Shawn, pagkatapos inalalayan niya ako sa pagbaba ng kotse.

"You're so lovely. By the way you can call me Uncle Patrick." Nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Thank you, Uncle Patrick."

Lumapit sa'kin si Daddy at siya ang umalalay sa'kin sa paglalakad sa loob ng simbahan. Wala pa ring patid ang pag-click ng camera sa'kin habang papasok ako. Nang makarating kami ni Daddy, sinimulan na ang kasal. Magsimula sa ring berer at flower girl hanggang sa Little Bride at little groom na naglakad sa altar. Pagkatapos dahan-dahang binuksan ang mataas at malaking pintuan ng simbahan kasabau no'n ay ang pagbagsak ng mga pula at puting rosas. Unti-unting bumagsak ang mga luha ko nang mag-umpisa akong maglakad sa altar na kasama si Daddy at Mommy. Nag-uunahang tumulo ang luha ko nang marinig ko ang wedding song namin ni Shawn na Perfect ni Ed Sheeran. Bigla kong naalala na iyon ang kanta nang sumayaw kami ng sweet no'n. Tears of joy ako habang papalapit ako kay Shawn. Nilibot ko pa ang paningin ko sa mga bisita namin. Lahat sila mababakas ang kaligayahan, ngumiti pa ako nang makita ko ang dalawa kong piggy besh na nagpupunas ng luha sa mga mata. Nang magtama ang mga mata namin ni Shawn. Mas lalong napaluha ako. nakita ko kasing umiyak siya dahil sa pagpahid-pahid niya ng panyo sa mga mata niya habang buong pagmamahal siyang nakatingin sa'kin at hinihintay akong makalapit sa kanya.

"Hi, Sexy and beautiful lady." Sabi niya nang nasa harapan niya ako. Nakatitig pa rin siya sa'kin.

"Hello, Handsome." Tipid kong sagot.

"Shawn, ikaw na ang bahala sa anak ko. Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal namin sa kanya. Nandito lang kami para sa inyong dalawa."

Kinuha ni Daddy ang kanang kamay ko at ibinigay kay Shawn.

Kinuha naman ni Shawn ang kamay ko at masuyo niyang hinalikan.

"Mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko." Sabi niya habang nakatitig siya sa'kin.

My cheeks turn to red. What heck! Parang gusto ko ng tumalon sa kilig at ipagsigawan sa lahat ng tao sa simbahan that I'm so lucky. I'm so lucky to have Shawn Skyler in my life.

"Best wishes to both of you mga anak." Ani Mommy.

Pagkatapos magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa pari. Pareho kaming dalawa na umiiyak. Umiyak dahil sa sobrang kaligayahan.

"Babe..." sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. "Yes, Babe."

"Parang nagsisi na akong tinulungan kitang magbawas ng timbang."

"Bakit naman? Hindi mo ba magustuhan ang pagpapa-payat ko."

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko. "Marami na kasi akong magiging karibal at ayokong maging kriminal kapag tinitigan ka ng isang minuto."

Namula naman ang mukha ko. Feeling ko tuloy na-dagdagan ang blush on ko. dahil sa pamumula ng mukha ko.

"Wala naman siguro."

"I saw Andrei," sabay simangot niya.

"May girlfriend na si Andrei."

"Hindi ko mapigilang magselos at mainis sa mga lalaking titingin sa'yo."

MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Where stories live. Discover now