Chapter 3: They're back

Start from the beginning
                                    

*

Hinayaan na muna niyang makapag parking ng maayos ang luxury bus, nakita na rin ni Charm si Bella na nag iintay, pinark niya ang kaniyang bike at saka hinila si Bella papalapit sa luxury bus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hinayaan na muna niyang makapag parking ng maayos ang luxury bus, nakita na rin ni Charm si Bella na nag iintay, pinark niya ang kaniyang bike at saka hinila si Bella papalapit sa luxury bus.

Nanlaki ang mga mata ni Bella dahil parang pamilyar sa kanya ang sasakyang yon ngunit galit ang nangingibabaw kay Charm kaya naman malakas na kinalampag niya ang pintuan ng luxury bus at maya-maya lang ay bumukas ito.

Bumungad kay Charm at Bella si Shawn na may halong kaba sa ekspresyon ng mukha dahil kilala na niya si Charm.

"IKAW NA NAMAN??" sigaw ni Charm kay Shawn. "A-ako na naman?" nauutal na sabi ni Shawn habang naka turo sa sarili niya. Napaatras naman si Bella ng namewang na si Charm "Gusto mo talagang masaktan eh no?" nanghahamon na tono ni Charm.

Bigla naman bumaba ng luxury bus si Zacc para tingnan kung sino ang babaeng kanina pa sigaw ng sigaw. Napahawak naman si Bella sa braso ni Charm para pigilan ito dahil Luminaries na ang binabangga ni Charm.

Samantala biglang umiral ang pagka playboy ni Zacc ng makita nitong maganda pala ang kaaway ni Shawn.

Hahawakan sana niya si Charm sa pisngi ng biglang pilipitin ni Charm ang kanyang kanang kamay. Napasigaw naman ng malakas si Zacc dahilan para bumaba ng luxury bus sila Dwight, Jiro, Kierre. Si Chasten naman ay hiniram ang earphone ni Kierre at ang libro ni Jiro kaya di nito rinig ang nang yayari sa labas.

Halos mamutla si Bella ng makita niyang sunod sunod na lumabas ang iba pang myembro ng Luminaries, napahawak na siya ng madiin sa braso ni Charm at hinihila na niya ito paalis pero pumiglas pa rin si Charm.

"Nagtawag ka pa ng ka grupo mo ha!" anito kay Zacc at saka binitawan ang kamay.

"It's her again!" mahinang bulong ni Kierre pero rinig ito ni Dwight at Jiro.

"What's with her?" tanong ni Jiro habang nakatingin silang tatlo sa nag aaway na si Charm at Zacc. "Siya yung pumilipit sa braso ni Shawn kahapon" natatawang kwento ni Kierre at natawa naman si Jiro habang si Dwight ay walang pakealam sa nangyayari.

"Let's go!" ani Dwight at saka naglakad na palayo tinapik nito si Zacc sa balikat at saka binangga ng marahan si Charm sa balikat. Napaatras naman si Zacc at nilapitan siya ni Shawn.

Nanggalaiti naman sa inis si Charm, bumaling ang galit nito kay Dwight na naglalakad na di kalayuan sa kanila.

"AISH SHIBAL!! YAH MICHIN NOM!! NEO PABO~YA??!!" sigaw ni Charm na sapat na para marinig ng lahat at biglang napatigil si Dwight sa narinig mula kay Charm. Nagkatingin naman sina Jiro, kierre, zacc at shawn dahil di nila naintindihan ang sinabi ni Charm habang si Bella naman ay napa face palm sa sinabi ni Charm. Nakakaintindi ng korean language si Bella dahil si Charm mismo ang nag nagtuturo sa kanya.

Di nila namalayan na bumalik si Dwight at tumigil ito sa tapat mismo ni Charm "What did you just say?" direktang tanong ni Dwight at nakatingin sa mga mata ni Charm. Hindi naman nagpatinag si Charm at inulit ang kanyang sinabi "Bingi ka ba? Sabi ko 'Aish shibal! Yah michin nom! Neo paboya?" ani Charm na ginaya ang reaksyon niya kanina. Samantala natawa ang ibang myembro ng Luminaries dahil sa cute na reaksyon ni Charm.

Stanford University [COMPLETED]Where stories live. Discover now