Chapter 17 (Favor)

23 1 0
                                    

Note: Hello, it's been a while! Hindi ko na nakilala ang sarili sa sobrang pagkabusy. Joke. Anyways, namiss ko mag update hahaha at sana maappreciate niyo ang paguupdate kong ito! Kamusta naman kayo, readers? Pasensya na ngayon nalang uli nagupdate. At sana maunawaan niyo. Nenenenene?! Hahahaha enjoy reading!


Wednesday, at Lunch Break na. Wala akong ganang kumain at tumunganga nalang ako sa bintana sa may class room namin. Inaaya naman ako ni Migs pero sinabihan ko naman siyang mauna na siya sa canteen.

Naalala ko nung gabing nakita ko si kuya at may inabot ng envelope sa akin. Nang pagkaabot ko kay Mama, at sinabi kong galing kay kuya ang pera, aba! Humagalpal ng tawa. Di daw siya naniniwala. E may pinakita akong picture. Na hawak ko ang kabilang dulo ng envelope at ganun din si kuya. Yung akala mo nanalo kami ng 1milyon. Tas yung ngiti namin abot tenga. Kaya nung pinaliwanag ko lahat, nakita kong naluha si Mama. Sinigaw pa niya na, 'Hindi na mulala ang anak ko!' Sabay walling. Ay talaga naman.

This day din ang start ng exams namin. Three days in process ito, so need pa rin nang magaral. Kumuha nalang ako ng baon kong sandwich na ginawa ko, in case na tamarin ako kumain sa canteen, at in case rin na magutom habang nag-rereview.

Hindi ko pa rin nakakausap ang RFA buddies ko. Paano ba naman, pinatago ko kay Mama yung smartphone ko. Pati na rin yung laptop ko, sa pc naman, kinalas yung mga wires na magkaka-connect. Sa monitor, cpu, keyboard, lahat na. At syempre hindi ka makakagamit ng personal computer nang hindi kumpleto ang gamit. So, tinago ni mama ang cpu. Dahil hindi naman gagana ang lahat ng parts nang wala yun. Siyempre, sinabi ko kay Mama na itago iyon sa hindi ko alam na lugar ng bahay. Si mama naman, tuwang tuwa dahil back to nerdy na naman daw ako. Duuuh!

Someone's POV

"Hindi mo pa rin madetect, kung ano ang nangyare sa device niya?" Sabi ng kasama ko dito sa control room, which is, dito ko nakikita ang lahat.

"Yes. May possibility na hindi niya kinalikot ang phone niya ng isang linggo." Sabi ko. I couldn't get the signal of her phone. Or even her laptop and pc. Hindi ko tuloy alam kung nagawa na ba ng mga kasamahan ko ang pinapagawa ko sa kanila.

"I forgot to tell you, hindi niya talaga gagalawin ang phone niya dahil exam niya that week." Sabi niya. I can't believe na nandito siya sa base namin. Like, ang galing niyang pretender. I can't wait to see kung ano pa ang mga mangyayare.

"I see." Sabi ko habang napatingin sa monitor 5, kung saan, nakadisplay ang mukha ni Freya. Napapangiti nalang ako sa mga balak kong mangyayari sa kaniya, at sa buong RFA na yon.

"What are you trying to do?" Tanong pa niya. Ang kulit.

"Nothing. Don't ever try to ask about them. Wala kang karapatan." Kasi wala naman talaga. Nasa base namin siya, susunod lang siya sa mga patakaran namin, at once na magkamali siya ng galaw niya, mapapabilis ang paglisan niya sa mundong ito

"At bakit?" Then the rising demon came. Baon-baon pa rin ang mga ngiting aakalaing napakatamis ngunit mapanganib.

"You can leave now. Kinakailangan ka na nila." Sabi ng kadarating na kasamahan ko, sa kanina pang asungot na nakabantay sa akin.

"But—" magsasalita pa sana siya ngunit pinigilan siya uli nito.

"Makinig ka nalang. At h'wag nang pasaway." Sabi pa nito. Umalis na ang asungot at isinarado ang pinto. Naramdaman ko namang umangkla ang dalawang braso niya sa balikat ko, na parang minamassage ang balikat ko.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Nov 19, 2018 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora