Chapter 16 (Change)

59 2 0
                                    


"Galit ka pa ba? I'm so sorry, Freya. I'll promise na hindi na mauulit yon. At nangangako akong hindi na hihigit pa ang friendship natin sa puntong iyon." Paliwanag pa niya. Alam niyo? Ayoko na talaga siya makausap pa. Pero ano magagawa ko? Tao lang din naman ako, nagkakasala. At si Papa God nga, napapatawad ang mga taong makasalanan e, tao pa kaya? Tsaka napag-isip isip ko din na kausapin na sana siya, kahit ayoko. Pero, gusto ko na din kasing matapos ito. Ayoko nang may kagalit pa ako na kaibigan ko. Kasi sa totoo lang, siya at siya nalang ang malalapitan ko.

"So, please? Can we still be friend?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, saka naman ako ngumiti sa kaniya at niyakap siya. Nasa gano'ng sitwasyo kami habang napapangiti nalang ako. Siguro nga, kailangan ko din ang kaibigan na kagaya niya. Siguro nga kailangan ko na din siyang patawarin kahit ang babaw lang naman niyon. Lumalayo lang naman ako sa kaniya para mawala lang ang feelings niya for me. At sana naman, ay wala na ang feelings niya na iyon.





Matapos ang scene namin na iyon sa school, ay nagaya siya na pumunta sa condo niya na makipaglaro daw ng video games. Pumayag naman ako magpunta pero hindi ako pumayag na maglaro ng video games. Nagkaasaran pa nga kami na biglang bagong buhay daw ako. Nasabi ko naman na kailangan ko lang magreview para makabawi sa mga nasayang kong opportunity na tumaas ang mga grades ko. Ganto lang kami dati ni Migs. Imbis na magreview, e naglalaro lang. Nang makarating na kami doon, agad naman akong nanghiram sa kaniya ng laptop dahil nagbalak akong dito nalang ako magreview. Habang nasa study table niya ako gamit ng kaniyang laptop, si Migs naman ay nasa kusina niya dahil kukuha daw siya ng makakain namin. Naisipan niya na ding magpaturo sa akin ng iba pang subjects, which is utak kamote siya doon. Nang magbukas na ang laptop, well wala namang password iyon dahil ako at siya pang naman ang nakakabukas nito, nang tumambad sa akin ang wallpaper niya na may kahalikan siyang..... lalaki?!

Tatayo na sana ako nang makita kong nasa likod ko na pala siya. Andito kasi ko sa kwarto niya, mas nakakapagrelax kasi dito dati pa. Well, wala namang malisya iyon sa amin. Lalo na't sa nakita ko dito sa laptop niya.

"Freya..."

"Migs? You mean?"

"It's not like that." Sabi pa niya habang pumunta siya sa gawi ng kama niya at umaktong umupo ito. Tinignan ko lang siya habang umupo siya roon. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo din doon sa tabi niya.

"Paano? Bakit? Saan? Kailan? Sino?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Napayuko naman siya at naghahanap siguro ng tamang isasagot sa akin. Ipinaliwanag niya kung ano ano ang mga nangyari sa kaniya. At nalaman kong hindi siya yung 'tipo' ng ganon iniisip ko mapatungkol sa kaniya.

"Pero hindi ako yung tipong iniisip mo. I swear!" Yun pa ang sabi niya.

"Pero bakit?"

"Kasi, mula nang hindi ka na lumapit pa sa akin, naghanap ako ng pwede kong karamay. Naghanap ako ng pwede ko pang maging kaibigan." Sabi pa niya. So, kasalanan ko pala ang lahat.

"Pero hindi mo kasalanan ang lahat, freya. kung bakit ako nagkaganito." Sabi pa niya. "Siguro, dahil kay Cy, nakilala ko pa ng mas mabuti ang sarili ko." Sabi pa niya habang napatingin sa laptop niya na nasa study table. Cy daw ang pangalan ng lalaking kahalikan niya, which is, yung 'mas tagilid' sa kanilang dalawa. Like, half-half rin si Migs pero parang mas pure na beki si Cy. Ugh! Basta ganon! Pero sa bagay, gay and bi, iisa lang diba? Or hindi?

"You mean, kayo pa rin hanggang ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"Yup. Kami pa rin." Pagkasabi niya n'on, napayakap ako sa kaniya. Pagkatapos ay humiwalay din naman ako, at tinignan siya. Nakita kong nagtataka ang mukha niya nang nakangiti.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Where stories live. Discover now