Ch.8 (Broken)

73 3 0
                                    

"So, ano pala ang pinagkakaabalahan mo, Freya?" Sabi ni Yuan.

"Hmm.. Wala naman. Bahay and school lang." Sabi ko. Habang naglalakad na kami ni Yuan. Uwian na namin at ganun din si Yuan. Sabi niya wala daw yung ibang profs dahil sa nagpatawag na naman daw ng meeting ang head ng college building at ng principal ng school. Kaya tinext niya lang ako at nakipagkita sa main gate ng school. Nsabi niya ding medyo may kalayuan ang tinitirahan niya dito kaya ihahatid niya muna ako at nang malibang daw siya sa paglalakad bago umuwi.

"Sure ka ba na ok lang sayo na ihatid mo ako pauwi?"

"Oo naman. Please, maging comportable kang kasama ako lalo na pag kasama mo na ang RFA." Tinignan ko naman siya saka ngumiti sa kaniya at tumango bilang tugon sa sinabi niya.

Kailan ko kali makikita sila ng kumpleto?

Bakit ba nagmamadali ako? Well, may tamang oras at panahon para makita sila hindi ba?

"Nakakaexcite naman na makita kayo na magkakasama."

"Nakakaexcite?" natawa siya saglit. "Well, para sayo na new member, siguro nga. Pero sa totoo lang, masaya na malungkot."

"Bakit malungkot?" nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Kasi nabawasan na kami ng isa. Pero nang dahil sa iyo, Freya, naging pito ulit kami. Siguro nga, ikaw ang pinadala sa amin ni Lord, kapalit ni Rika." malungkot na ngumiti siya sa akin. Siguro talaga hindi siya maka-move on sa pagkawala ni Rika? Well, malay niyo naman diba?

"So, hanggang dito nalang pala ako." sabi ko nang matapat kami sa may bahay namin. Halos parang ang bilis din ng oras dahil hindi na namin namalayan ito.

"Salamat, Yuan. magiingat ka."

"Thankyou. Sige." sabi niya. Patalikod na sana siya nang tinawag ko ang pangalan niya.

"Ah, Yuan?"

"Bakit?"

"Huwag kang masiyadong maglalaro. Alam mo na, LOLOLOL?" Natawa naman kaming parehas sa nasambit ko. Tumango siya at nagpaalam sa akin. tumakbo palayo at sumakay sa isang pampublikong bus.

Nakakatuwa dahil isa sa kanila ang nakita at nakausap ko na ng personal. Sana ganun din ang mangyari sa iba pang member ng RFA ang makita at makausap ko.

------------

Zenon: Traydor ka, Yuan! Traydor!

Zenon: TT_______TT

JuneHastier: Ang Oa ha?

Se-VIN_07: E diba nga, Actor siya?

Zenon: Grabe kayo sa akiiiii~n!

Se-VIN_07: Soon to be Yuan ka na din ba? lolololololol

Se-VIN_07: Anyway, Tama si Zenon. Papaanong paraan kayo nagkita ni Freya? Unfair!

---------------

Ang babaliw talaga ng mga ito? Nagkaroon lang kami ng picture na kasama si Yuan, nagkaganiuan na? Mga hibang.

Heto ako, nasa kwarto at nakikipagchat sa kanila. Hindi lang naman chat, pati pag-PM nila sa akin, at also missed calls. Lahat ng missed calls, hindi ko sinasagot. Lalo na kay Zenon. Tinadtad niya talaga ako sa pag-PM at missed calls. At syempre kabado ako parin ako pagka sasagutin ko ang tawag nilang lahat. May isang beses nga, pagkagising ko, may mga missed calls sila at ang mga nakalagay na oras e madalas mga past 2 or 3 na.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt