Chapter 13 (Live Band pt.1)

58 3 0
                                    



JuneHastier: *JuneHastier send a 3 photos*

Se-VIN_07: Wtf?! Inunahan mo na naman ako!

Zenon: Duh?! Nakita mo na nga siya e! Ako, hindi pa. 💔

LolololMaster✴️: Heyeyeyeyeyeyey! Ano yan ha, June?!

JuneHastier: Obviously, Pictures siya.

LolololMaster✴️: Aba'y ga—?

Se-VIN_07: Ops! Don't say bad words!

LolololMaster✴️: asdfghjklzxcvbnmqwertyuiop

Zenon: Stop doin' that, Yuan!

—————-

Napatingin naman ako sa mga sinend na picture ni Director June. Yung dalawa kasi doon, yung nakangiti ako, yung isa naman nakaside view ako habang nanunuod sa view. Yung isa naman yung kaming dalawa. Teka, kailan niya kinuhanan yung dalawang pictures na iyon?

Napansin ko na anamn ang mga kakulitan nila. Kahit kailan walang pinagbago.

"Heto na naman tayo." Bulong ko sa sarili ko.

"Hoy, hoy, hoy! Kausap mo na naman sarili mo d'yan!" Bulyaw sa akin ni Kuya habang nasa sala kami. Ka-chat ko na naman kasi sila habang si Kuya naman nanunuod ng tv. Ang gurang niya na nga talaga. Paano, e nanunuod siya nang balita. Well, panay ganiyan kasi pinapanuod niya dito, hindi naman siya kagaya ko na minsan nanunuod ng cartoons or anime. Pero kagaya ko, nanunuod naman din siya pero yung Sword art online lang.

"Huwag ka nga, kuya!" Sabi ko saka ako humakbang papunta sa may hagdan at umakyat sa may itaas namin. Narinig ko pa naman siya na sumugaw nang 'papandat ka na naman diyan sa taas! Isusumbong kita kay Mama!' Sinagot ko naman siya nang 'bahala ka sa buhay mo!'

Panay naman ganiyan ang set-up namin ni kuya dito sa bahay. Kung hindi magaasaran, it's either magbubungangaan, o magsisigawan kami nang ganito. It's either din na nasa taas ako o nasa baba. Vice versa lang kami, tas akala mo nasa bundok kami kung makasigaw kami sa isa't isa. Akala na nga ni Mama, ampon niya lang kaming dalawa. Kung mag-bunganga daw kasi kami, para daw kaming tiga-palengke.

Ang balak ko kasi ay, maglinis linis na ng kwarto. At dahil nakakailang linggo na rin akong hindi naglalaro ng mga video games, kahit nalaro ko naman na ang mga ito, siguro ipagbebenta ko nalang lahat. Tutal, matapos mangyari ang insidenteng, nakilala ko ang grupo nila Seven, Zenon, June, Secretary Jaen, Yuan at V, ay parang nawalan na rin ako ng oras sa paglalaro, or should I say, maging adik sa paglalaro ng mga games. Minsan nga, gusto ko nang ibalik ang dating ako na panay libro langa ng inaatupag ko. At sa twing naaalala ko ang grupo nila, hindi ko rin maintindihan, kung bakit hindi na nagparamdam ang 'unknown' na iyon. Like, medyo ang laki ng pasasalamat ko sa kaniya kasi kung hindi naman dahil sa kaniya, e hindi ko makikilala ang grupong RFA.

Nayari na ako sa pagmumuni-muni ko at nagsimula na akong maglinis nang magring ang phone ko. Nailapag ko pala ito sa ibabaw ng study table ko, at nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin ay parang huminto ang oras. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Actually, sa buong grupo naman din nila, nagkakaganito ako pero sa twing siya na ang kausap ko? Hays, ang hirap i-explain ng nararamdaman ko.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Where stories live. Discover now