Chapter 15 (That Night)

56 2 0
                                    



"Freya, kanina ka pa tinatawag ni Ma'am Fuentez." Sabi ng nangangalabit sa kanang balikat ko.

"Ha?" Napalingon ako doon at Nagtatakang sabi ko sa kaklase kong katabi ko lang.

"Ms. McKenzie, kung hindi ka rin lang naman makikinig sa klase ko, pwede ka nang lumabas ng classroom!" Napatingin naman ako sa harap na nandoon pala si Ma'am Fuentez at pinagsasabihan pala ako. Napansin kong nakatingin na palang lahat sa akin ang mga kaklase ko. Bakit ba ako nagkakaganito?!

Hindi naman ako nakasagot sa tinatanung ng teacher namin at lalo pang napagalitan pero bandang huli ay hindi na rin naman dahil may isa akong studyante ang nagsalba sa akin sa pag-sagot ng equation sa blackboard. Pumunta siya sa harap ng whiteboard at kumuha ng black marker sa box na panay dala-dala ng teacher namin. Sinulat niya roon ang sagot at tama naman ito. Humarap ito sa klase at naglakad papunta sa upuan niya. Habang papunta siya sa upuan niya ay napatingin ito sa akin ng diretso. Napagtanto kong si Migs pala ang studyanteng iyon. Nang marealize ko na siya pala iyon, ay agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.



Natapos ang klase nang lutang parin ako sa mga nangyayari sa akin. Lalo na nitong isang linggo. Alam niyo yung feeling na gusto mo na ngang makinig sa mga lessons kada subject mo tapos gusto mo nang makabawi at maging nerd nalang uli pero hindi mo magawa kasi panay mo nalang naiisip ang mga nangyari nung gabing kasama mo yung taong hindi mo ineexpect na makakasama mo pala ng gabing iyon? At as in na siya lang panay ang pumapasok sa utak ko. Bakit ba ganun ang epekto ni Zenon sa akin? Bakit sa tuwing lumilingon ako sa paligid ko at sa mga nangyayari sa paligid ko, siya at siya ang pumapasok sa eksenang iyon?! Yung mabaliw-baliw kang naiisip yung gabing iyon? Sht talaga! Pati nanay ko napapagalitan ako dahil lang sa pagiging lutang ko.

*Flashback:

Yung mga oras nang naka-angkas ako sa likod niya sa motorsiklo niya, ay habang nagdadrive siya ay nagsisigawan kami sa daan. Siguro dulot na din ng maraming nainom. Medyo may tama na din yung alak sa akin nung time na iyon at pati na rin siya. Kaya habang nagdadrive siya, pasigaw niyang sinabi sa akin na sumigaw lang raw ako para daw mailabas ko yung init ng katawan na nararamdaman ko dulot ng alak. Infairness nga, effective e. Hindi tulad ng iba na pagkatapos mag-inom, deretso motel o hotel o kahit saan basta may kama at 'paglalabasan' ng init ng katawan e. Pagkatapos, magsisisi at sasabihin ng lalaki sa babae na 'hindi naman niya sinasadya' 'parehas lang daw silang lasing ni girl' o anong katangahan na ginusto naman nung una tapos magsisisi.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin,

"Salamat nga pala sa paghatid sa akin." Sabi ko habang may ngiti pa rin sa labi.

"Wala yon." Sabi niya habang may ngiti rin sa labi. Halos tinitingnan namin ang isa't isa hanggang sa marealize nalang namin na hinihingal kami na nakangiti na akala mo may 'milagrong' nangyari sa aming dalawa kahit simpleng bagay lang naman iyung nagsigawan lang kami sa daan habang sakay sa motor dahil lang sa lasing or tipsy na kami. Kaya ng mga oras na iyon, narealize nalang din namin na mukha na kaming tanga, kaya parehas din kaming natawa.

"Sige na, pumasok ka na loob. Magpahinga ka na din, Mi Amor." Sabi niya nang may malambing na tono.

"Paninindigan mo ba talaga yung pagtawag sa akin niyan?" Natatawa kong tanong sa kaniya. At nakangiti lang siya sa akin na akala mo tutunawin ka ng mga tingin na iyon na siya, si Zenon, ang gagawa sa iyo no'n. 'Bakit ka ganiyang ka-clingy sa akin?! Pag ako nahulog talaga, at hindi mo ko sinapo? Ibabaon kita sa toilet bowl!' Bulong ko sa sarili ko.

"Oo naman! Ikaw lang naman ang love ko." Nakangiti pa rin niyang sabi. Gusto ko mag-wala. Gusto kong mahimatay kaso masyadong OA. Gusto ko magpasabog ng confitte. Bakit ang lakas ng epekto sa akin ni Zenon? Ugh! Hindi. Hindi. It's just a friendly statements na para sa iyo lang. kasi nga FRIENDLY siyang tao kaya ganiyan siya sa'yo.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Where stories live. Discover now