Ch.3 (The weird App.)

111 5 0
                                    




"Bakit ba parang ang interesado mo ngayon?" Sabi ni Migs pagkasara ng pinto ng unit niya.

Napaupo naman ako sa may sofa sa may mini sala niya at kinuha ang remote sa may gilid ko, at pinindot ang red button, at itinapat iyon sa tv saka ito nag on.

Kukunin ko sana ang phone ko sa may bulsa, nang marinig ko ang sinabi nang nasa tv.

"--At mapa-hanggang ngayon ay Hindi pa rin maipaliwanag kung bakit nasabing 'suicide' ang pagkamatay ng isang dalaga sa XCX condominium, isang kilalang gusali, dito sa siyudad ng SouthVille. Ako si Chicie Toh, nag-uulat. Breaking News!"

"Hmmm, siguro iyan yung babaeng may ari ng unit na kanina mong tinuro?" Sabi ni Migs nang lumapit siya sa akin sa may sofa, na may hawak na Kettle Corn. Ihinagis naman niya ito sa akin, na agad ko namang nasapo.

"Sure ka diyan?"

"Oo! Dito lang naman sa condominium na ito ang may namatay na babae. Tsaka nakita mo naman na nasa harapan ng building na ito yung reporter, oh?" Sabi pa niya, habang turo-turo ang tv. Hmm pwede rin naman. Baka nagkataon lang. Nagkataon nga lang ba?

"Ano? Tara laro na!" Aya niya saka siya lumapit sa may tv.

"Ayoko maglaro. Wala ako sa mood." Sabi ko habang naglalaro ng Kettle corn. Ihahagis ko sa ere tapos sasapuhin gamit ng bibig ko.

"Woah!" Napahiyaw siya at pumalakpak ng bongga, at tumabi sa akin. Tignan mo nga naman itong taong to. Sakto namang may nashoot sa bibig ko kaya naman napaturo ako sa kaniya at sinabing 'I'm da Man!'

"Baliw! Ibig kong sabihin, Himala . Parang joke naman yung pagkawala mo sa mood."

"E sa wala ako sa mood maglaro e." Sabi ko naman tsaka kinuha na ang phone ko para masabihan si mama na, dito muna ako makikitulog sa unit ni Migs. Nakita ko pa ngang naka 6 missed call na si mama e.

Pagkatxt na pagkatxt ko naman sa kaniya, inexit ko ang message at may nakita akong logo ng android sa may home screen ko.

Pinindot ko ito ng matagal at dinrop sa may uninstall. Lumitaw naman sa screen ko na 'did you want uninstall this-' chuchu. Then pinress ko ang 'Yes' tas sabi ng phone, uninstalled sucess.

Saka ko naman nareceive ang txt ni mama na pinakaswabe at pinakamalupit na reply

--------------
To: Mama

K.

-end-
-------------

Wtf!? Ang effort ha! Ang effort kahit kailan! Jusme.

Itinago ko na ang phone ko sa may bulsa ko at saka nag-ayang mag-movie marathon daw kami ng action and horror. Hindi naman din kami mahilig sa lovestory na movies, tsaka duuuh? Hindi naman ako si Bianca.

Speaking of the devil, biglang lumitang sa screen ng tv yung mukha niya na tumatawag siya.

"Hay nako! Istorbo."

"Kailan pa naging istorbo ang girlfriend mo?"

"Since nung naging manloloko siya. At dahil mag beshy kami, mamamlastik muna akesh!" Parang tanga si Migs na nagbading-badingan. Sana nga natuluyan na e. Nung mga bata pa kami, pumapayag pa siyang maglaro kami ng Barbie. Yup. Nung mga panahong wala akong pakielam kung bading siya o hindi. At hindi lang iyon, panay gusto niya siya yung Barbie at ako ang lalaki. Yuck.

Tumikhim muna siya nang pinindot niya ang green button at lumitaw sa screen ang mukha niya.

"Hi babe!" Masiglang sabi ni bianca. May pa-kaway kaway pa siya. Siyempre halatang labas sa ilong.

"Hi babyy! Kamusta ka?" Sabi pa ni Migs na masigla rin na labas sa ilong rin.

"Ok naman! Heto medyo busy sa studies and hassle ang sched." Pagkasabi niya no'n, may nadinig kaming 'babe, are you there?' Edi huli na naman ang loka. Bat kasi ayaw pang makipagbreak kung panay naman niya niloloko si Migs.

"Sino yan, Baby?" Sabi ni Migs.

Hindi makasagot si Bianca at nadinig pa namin ang sinabi na sino daw ang kausap niya. Nakita pa naming niyakap siya ng lalaki. Well, foreigner naman siya. Masasabi kong walang palag si Migs dahil iba ang dating ng foreigner.

"Babe, let me explain." Iyon nalang ang nasabi ni Bianca na alam kong ikina-asar ni Migs.

"Style mo, bulok! Buti naman at nagloko ka uli. Dahil ito na ang huling panlolokong matatanggap ko mula sayo. Dyan ka na sa hilaw na kasama mo!"

"Migue-" pinindot na ni Migs yung red button at hindi pinatapos si Bianca na magsalita. Saka niya pinause muna ang kanina pa naming pinapanuod na action film. At ngumawa sa harap ko.

"Alam kong mahirap pero kailangan niyo na talagang tapusin ang relasyon niyo. Ang pangit pangit na ng mga nangyayari sa inyong dalawa, Migs." Sabi ko habang sinusubukan siya patahanin. Kailangan niya ng comfort at siguro ako pang na bestfriend niya ang makakapitan niya sa ngayon.

"Freya..." Sabi pa ni Migs.

"Ok lang yan. Magiging maayos din ang lahat. Makakahanap ka pa ng iba."

"Freya, ang saya saya ko." Teka, masaya? Huwag niyang sabihing---

"Ha?"

"Ang saya ko kasi malaya na ako. Pwede na akong makipagflirt sa laaht ng babaeng gugustuhin ko! Thank you, Lord!" Sabay yakap sa akin habang nakaupo pa kami sa sofa.

Parang tanga talaga e.

"Wag ka nga! Alam kong dinadamdam mo." Sabi ko saka siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin. At humarap sa may gawi ng tv. Ngumiti siya pero, alam kong malungkot na ngiti iyon.

"Masakit siyempre. Minahal ko parin siya kahit ganun siya." Sabi niya habang nakayuko siya, nakangiti na alam kong pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya gamit ang malungkot na ngiti na iyon.

"Binigay ko na nga lahat sa kaniya e. Ginawa ko naman ang lahat bilang isang boyfriend niya, pero bakit ganun siya? Hindi ko ba talaga deserve na mahalin din ako pabalik?"

Ang drama niya, actually. Pero wala e. Ganun talaga. Alam niyo bang si Bianca lang ang tumagal sa kaniya? Pero nang malaman niyang ganun pala si Bianca, parang nawalan na siya ng sustansya sa relasyon nila. Ang tanga niya nga lang dahil nung malaman niyang nangangaliwa si Bianca, sinuguro niya muna na hahanap daw siya ng tiyempo para makausap at doon daw siya makikipagbreak. Pero after 5 years na paglalandian at lokohan sa isa't isa, ngayon niya lang naisipan gawin iyon. Sa bagay. Kung sa skype sila nagumpisa, sa skype din tapos nila.

-------------

3:30 am

Nagising ako. Hindi dahil nabigla lang. Hindi dahil sa naalala ko si Migs at sa mga nangyari nung gabi, hindi dahil sa makalat ang sala at dito kami nakatulog ni Migs pagkatapos mag-aya uminom. Kung 'di dahil sa napanaginipan ko ang 'unknown' sa game app na dinownload ko.

Napanaginipan ko kasing sinusundan daw ako ng 'unknown' na iyon. Well, strange. Pero hindi naman magkakatotoo ang panaginip, 'diba?

At ang hindi ko maintindihan sa sarili ko ay kung bakit, naglalakad ako sa gitna ng hallway at saktong nasa tapat na ako ng pinto kung saan may nagpakamatay na babae, at kung saan kahawig ng pintong ito, ang picture ng pinto ng unit na nasa Mystic Messenger, isa sa mga game app na ininstall ko.

MYSTIC MESSENGER IS REAL?! (ON GOING)Where stories live. Discover now