Chapter 13: Clozapine

Magsimula sa umpisa
                                    

"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ni Ming.

"Sa karinderya nalang tayo. Gusto kong kumain ng gulay." Sagot ko.

"Sige. Ako nalang ang magdadala ng bag mo."

Mukhang seryoso nga si Ming sa panliligaw sa akin. Parang normal lang naman kasi ang pagsasama namin simula noong mag confess siya sa akin.

Ang ibig kong sabihin sa pagiging normal ng samahan namin, nandoon parin ang yakapan namin. Yung pag amoy ko sa dibdib niya ay nagagawa ko parin naman.

Hinayaan ko nalang siya na dalhin ang bag ko. I can't argue with it kasi ginagawa ko din naman 'yan noon kay Felina. I think it is the right thing to do kapag nanliligaw ka.

Umorder na kami ng pagkain pagdating namin sa karinderya at kumain.

"Sa inyo pala ako matutulog mamayang gabi. Okay lang ba?" Tanong ni Ming.

"Hindi mo naman kailangang itanong kung okay lang." Sagot ko.

"Okay lang naman. Sasama na din ako sa'yo mamaya kapag kukuha ka ng mga damit mo. Naiwan ko kasi yung brief ko sa inyo." Dagdag ko pa.

"Nilabhan ko na kaninang umaga."

WTF?!

"Bakit mo nilabhan?! Nakakahiya!" Sabi ko.

"Bakit ka naman mahihiya? Bulbol mo lang naman nakita ko sa brief mo hindi naman yung mismong alaga mo."

Lalo akong nahiya. Lupa, eat me please.

"Hindi mo na kailangan mahiya. Aminin mo, nakita mo na akong nakahubad sa bahay." Dagdag pa ni Ming.

Halos maibuga ko na palabas yung kinakain ko. Tangina! Nahuli niya pala ako.

Aamin na ako! Binobosohan ko siya nung mga oras na 'yon.

Malay ko ba kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon. Basta mahabang istorya gaya ni Ming Junior.

"Puwede ba tumigil ka na? Kumain na muna tayo." Pakiusap ko.

Buti naman at nakinig siya.

Gusto ko din naman si Ming. Inaamin ko na! Hindi ko lang talaga minamadali.

Bumalik na kami sa school pagtapos naming kumain.

"Hoy! Nanliligaw na siguro sa'yo si Ming ano?" Tanong ni Marianne. Nasa lobby kami ngayon para pag-usapan ang internship namin.

"Huwag ka nalang maingay okay? Baka gusto mong sabihin ko sa Kuya Beam ko na 'wag kang tanggapin." Sabi ko. Alam kong threatened siya sa sinabi ko kaya nanahimik na siya.

"Bale ganito, si Ming, Ako, at si Marianne, dito kami sa branch na 'to. Tapos ikaw Yvonne, may branch naman na malapit sa inyo kaya dito ka nalang." Pagpapatuloy ko.

Kinuha ko na yung nga envelopes nila na may lamang documents para sa internship. Kay kuya Beam ko nalang 'to ipapasa.

Umuwi na kami ni Ming papunta sa bahay nila. Wala naman na kaming klase kaya puwede nang umuwi.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon