Who would have thought that this man beside her can be so childish too? Parang ang hirap paniwalaan pero totoo. He's immature at times.

"What's wrong with you, Alisson?" Mahina man ang pagkakatanong nito na iyon pero ramdam niya ang tinitimpi nitong pagsambulat ng galit. "Ilang beses ko bang dapat ipaintindi sayo na hindi ka na iba sa amin at hindi ganoong klase ng mga taong iniisip mo ang mga magulang ko?"

Napaiwas siya ng tingin sa lalaki.

Masisisi mo ba siya kung iyon ang nararamdaman niya? Iyon ang pilit na nagsusumiksik sa kanyang utak?

"I can't believe you. Alam mo na hindi ganoon sina mom at dad. They were the kindest living creature here on Earth yet you think they won't like the idea of us being together in the future. Bakit? Kasi iniisip mo na magkaiba tayo ng estado sa buhay? Dahil ba sa ako ang boss mo kaya ayaw mong kung anong isipin nila? Iyon ba?"

She bit her lower lip on that.

Balot ng paghihinakit ang boses ni Liam dahil sa mga sinabi nito na pawang puro katotohanan.

Hearing him say all those things makes her heart shattered into pieces. Hindi naman niya gusto na ganoon ang maramdaman pero wala e, sadyang lumalabas kapag naiisip niya na magkaiba sila ng mundong ginagalawan ng lalaking ngayon ay aaminjn niyang unti-unti na niyang nagugustuhan.

"Fine. If you really don't wanna come, then let's just not go there. Hindi na rin ako pupunta."

Kaagad siyang naalarma sa sinabi nito na marahas siyang nagbaling rito ng tingin at nakitang muli na nitong papaandarin ang sasakyan.

Kilala niya ang binata. Once he said it, he really mean it. Gagawin talaga nito na hindi na sila pupunta. Ano na lang ang iisipin ng ama at ina nito sa kanya? Na pinipigilan at binabawalan na niyang pumunta si Liam sa mga ito? No! She can't let that happen.

Sa mga sinabi ni Liam ay natauhan siya. Tama ito. Hindi mapanghusgang mga tao ang pamilya Stanfield. Hindi tumitingin ang mga ito sa estado ng buhay ng isang tao para pakisamahan ng maayos. Siya ang mali. Siya ang may problema. Masyadong malaki ang inferiority complex niya sa katawan.

"No, no, no." Halos magpanic niyang saad. Hinawakan niya ito sa braso para pigilan ang tangka nitong gagawin. Kunot noo naman siya nitong muling tiningnan. "I'm sorry. I was wrong. I should'nt think that way in the first place. Hindi ko naman sinasadya. Na—nabigla lang ako. Natakot. Pero 'yun lang 'yon."

She looked at him. Pleading.

Alam niya na nagtatampo ito sa kanya sa mga oras na ito. Hindi pa rin kasi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. And he seems cold for she does surely know the reason.

"Tuloy na tayo. Let's go there."

Walang imik na nagbaling ng tingin sa unahan si Liam kasabay ng isang beses na pagtango bago muling ipinagpatuloy ang naudlot na pagmamaneho.

Hanggang sa makarating yata sila sa Malabrigo, ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hindi na rin naman nag-abalang magsalita pa si Alisson dahil alam niya na hindi siya kakausapin ng lalaki.

Baka kapag pinilit niya na naman itong kausapin ay mas lumala ang gulo sa pagitan nilang dalawa.

Sisiguraduhin na lamang niya na makausap ito ng masinsinan mamaya at humingi ng tawad dito. Sa maling pag-iisip niya tungkol sa mga magulang nito.

Saglit niyang nakalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya at ang hindi pamamansin sa kanya ni Liam ng makita niya kung gaano kaganda ang beach house at private beach na pagmamay-ari ng pamilya nito dito sa Malabrigo.

The white sand is shouting its purity and finest. The aquamarine color of the ocean, the calm waves of the ocean and the fresh breeze of the air. It made her relaxed for a while.

BOSS Series 1: My boss, His daddyWhere stories live. Discover now