Karylle: Sige na nga.

Vice: Aba, napilitan pa!

Pagpasok nila sa loob ng elevator, sumandal si K sa kabilang side. Si Vice naman nagtetext sa cellphone. Pagbukas ng pinto, unang lumabas si Karylle at saka sumunod si Vice. Naglakad sila sa hallway. Dahan-dahan hinawakan ni Karylle ang kamay ni Vice. Wala namang malisya kay Vice 'yon kaya hinayaan niya lang. Huminto sila sa labas ng unit ni K.

Vice: You're safe here. *bumitaw sa kamay ni Karylle*

Karylle: Masaya ko na okay na ulit tayo.

Vice: Ako rin. *ngumiti* See you sa Showtime bukas.

Karylle: I love you, Vice.

Nagkatinginan silang dalawa. Naging awkward kay Vice ang moment na 'yon kaya ginusto na niyang umalis.

Vice: Matindi na ang tama mo. Matulog ka na. Uuwi na rin ako.

Karylle: *biglang nahiya* Ahmm sige. Ingat ka pag-uwi.

Vice: K... *hawak sa balikat ni Karylle* Masaya ko na magkaibigan tayo. At masaya ko para sa 'yo. Para sa inyo. Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa akin pero... ayokong masaktan kita kasi mahal kita bilang isang kapatid. Isang kaibigan. *dahan-dahang niyakap si K* Mahalaga ka sa akin, K.

Hindi na nagsalita si Karylle. Pagkabitaw nila sa isa't isa umalis na rin si Vice. Magdamag ng hindi nakatulog si Vice kakaisip ng mga pinagtapat ni Karylle sa kanya. Nag-alala siya para sa kaibigan. Subukan man kasi niya na magmahal ng isang babae, hindi rin iyon magwowork dahil alam naman kasi niya kung anong gusto niya. At bukod do'n, committed din siya. May boyfriend din kasi siya. Seryoso siya sa lalaking 'yon. Masyadong pribado ang buhay pag-ibig ni Vice. Kahit ang mga kaibigan niya ay hindi personal na ipinapakilala rito. 

Kinabukasan maagang pumasok si Vice. Hinatid ni Yael si Karylle sa ABS nang araw na 'yon kaya nagkita silang tatlo sa lobby. Hindi pa rin namansin sa kanila si Vice para iwas problema na lang. Diretso lang siya sa paglalakad. Nang makarating siya sa Dressing Room niya, nagbihis na siya. Biglang pumasok sina Billy at Vhong.

Vhong: Ano? Bati na ba kayo ni K?

Vice: Parang sa araw-araw 'yan na lang pambungad niyo sa akin.

Vhong: Kasi concern kami..

Vice: Talaga lang ha.

Billy: Di Bestie, pwera biro. Di pa ba kayo nagkakausap?

Vice: Kagabi. Lumabas kami. Kinausap niya ko.

Billy: Oh.. Anong sinabi niya sa 'yo?

Vice: Seryosong bagay eh.

Vhong: Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo at bigla na lang kayong nagkagalit?

Vice: Isang araw bago magpropose si Yael kay K *seryosong nagkukwento* aksidente ko silang nakita sa isang resto bar na madalas naming kainan ng mga kabarkada ko. Masaya pa nga ako no'ng makita ko sila tapos bigla akong sinuntok ni Yael sa mukha.

Billy: Ano?!

Vhong: Eh teka bakit ka niya sinuntok?

Vice: Hindi ko alam. Sinabihan pa niya ko na layuan ko ang girlfriend niya.

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now