29: Goddesses Of Olympus

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong meron?" Tanong ko kay Psyche nang makasalubong ko s'ya sa daan habang naglalakad-lakad.

"Hindi ko rin alam basta ang sabi ng asawa ko ay may isang napakaimportanteng bagay na magaganap mamaya, isasalba nito ang buong Olympus, Lupa at impyerno." Mahinahong sagot nito.

Do they need to invite my husband in this kind of celebration?

"Hmm, ano bang magaganap?"

"Tungkol daw sa pag-ibig kaya malaki ang parte ng asawa ko." Nakangiting sabi nito na lalong nagpaganda sa kan'yang mukha.

"Salamat" bulalas ko bago nagpatuloy sa paglalakad at tumingintingin sa paligid. Sobrang ganda pero kapansinpansin na puro puti at itim lamang ang mga palamuti pati narin ang mga bulaklak na ginamit nila.

"Proserpine!" Agad akong napalingon nang tawagin ako ng boses ng isang babae.

"Artemis!" Bati ko sa kan'ya at sinalubong s'ya ng yakap.

She helped me when I was a mortal. S'ya ang nagpainom sa akin ng ambrosia noon.

"May isusuot kana ba para mamaya?" Nakangiting tanong nito.

"Hmm, bakit?"

"Kailangan ng magarang kasuotan mamaya lalo na ikaw dahil imbetado na ang asawa mo."

"I didn't know that I need to dress m—"

"You should dress well! I'll help you then!" Sabi nito at agad na hinablot ang kamay ko para tumakbo sa kung saan.

Dinala n'ya ako sa isang napakalawak na silid kung saan nakalagay ang napakaraming damit para sa mga diyosa. Ang iba ay nakasabit mula sa dingding hanggang sa kisame.

"Freya!" Tawag nito sa isang medyo malaking mariposa.

"Po?" Agad na dumating sa harap namin ang isang mariposang nakakapagsalita kulay berde ang kan'yang balat at asul na may kumikinangkinang naman ang pakpak nito.

"S'ya si Proserpine ang asawa si Hades, maaari mo ba s'yang hanapan ng magandang damit para mamaya?" Utos ni Artemis.

"Ikinalulugod ko pong makilala ang reyna ng impyerno." Magalang na saad nito at medyo dumuko pa akin.

"Sayo rin"

Agad itong lumipad sa kung saan para hanapan ako ng isusuot. Hindi lang naman s'ya ang mariposa rito sa loob dahil marami sila na alaba sa pagpili ng isusuot ng iba pang mga diyosa na nandito.

"Kamusta kana pala?" Pasimulang tanong ko kay Artemis.

"Ayos lang, minsan ay abala ako sa aking tungkulin bilang diyosa."

Patuloy lang kami sa pag-uusap nang may isang diyosa ang bigla nalang lumitaw sa kung saan. "Hi Proserpine, it's nice to see you Artemis!" Paunang bati nito.

Hindi ko alam pero parang nag-iba ata ang timpla ng hangin sa loob nang makita ko ang diyosang ito "It's nice to see you too Antheia." bati rin ni Artemis sa kanya.

She gazed intently into my eyes, "Olympus will be having a celebration later, I hope you'll enjoy because it'll be your first time after how many years." She said in an icky way.

Tss, this bitch!

"I know but I think I'll enjoy better if I won't see your fucking face." I pleasantly said wearing a sweet smile.

"Oh I can see that you will truly enjoy the show later." Nakangising sambit pa nito bago naglaho sa harapan namin.

Tss, sarap hilahin ang buhok ng diyosang 'yon. Her presence gives me pique.

"It still hurts her ego" natatawang bulalas ni Artemis sa ideyang hindi parin matanggap ni Antheia na ako ang pinili ni Hades samantalang s'ya ang naunang makilala ng demonyong iyon.

"She needs to move on, that was eons ago."

"That's why I don't want to get involved into romance because I know it's a kind of hex that'll lead us into a foolish infatuation." Seryosong saad nito.

Mayamaya lang ay lumipad sa direksyon namin ang mariposang may dalang isang magarang damit na kulay puti at itim.

An embellished black and white stripes gown adorned with attractive yet simple glitters. "This will be the best!" Ani Artemis.

Hindi ko na ito sinukat pa at walang pag-aalinlangan itong kinuha para suotin mamaya.

"Thanks Artemis" pasasalamat ko sa diyosang tumulong sa pagpili ko ng damit.

"No problem Proserpine"





Gabi na at nakaharap na ako ngayon sa salamin ko habang tinitignan ang sarili kong repleksyon at ang damit kong nasa likuran ko pa na nakasuot lamang sa isang mannequin.

Hindi mabura sa isip ko ang sinabi ni Psyche kanina.

"Hindi ko rin alam basta ang sabi ng asawa ko ay may isang napakaimportanteng bagay na magaganap mamaya, isasalba nito ang buong Olympus, Lupa at impyerno."

"Bakit ba ako masyadong nag-iisip? Dapat maging masaya ako dahil imbetado na ang asawa ko." Bulong ko sa sarili.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinabing "Gusto ko ng simpleng kolorete lamang." Para iutos sa mga make-up sa harapan ko na kusa nang gumalaw at lagyan ng nababagay na kolorete ang mukha ko.

Hindi ko kasi alam kung anong iayos sa sarili ko ngayon dahil wala ako sa wisyo kaya hahayaan ko nalang ang mga make-up ang gumawa gamit ang isang mahika.

Matapos nilang lagyan ng kolorete ang mukha ko ay agad na akong nagbihis.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili kong repleksyon at ngumiti.

"You're beautiful Proserpine." Puri ni Nyx na bigla nalang lumitaw sa harap ko at niyakap ako. Kakaiba talaga ang trip ng babaeng 'to.

"I know" tanging sagot ko nalang sa kan'ya.

"Mauna na ako" paalam nito bago muling naglaho sa harapan ko.

How weird.

Aalis na sana ako nang makakita ako ng isang itim na rosas sa harap ng salamin.

Wala naman 'yan kanina ah? Walang pag-aalinlangan ko itong kinuha at nakitang may isang maliit na papel ang nakadikit dito.

Itim ang papel na may kulay puti at kumikintab na tinta na may sulat na, 'You're gorgeous my queen, you'll always be.'

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mukha ko nang mabasa ko ang sulat n'ya. He never ceased to make me feel this way. Making me special, loved, cared, gorgeous and most of all making me feel like the only woman among all.

-MariaClaraPart2

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon