05: Tamed

11.5K 426 71
                                    

Chapter 5: Tamed




"Basta tandaan mo lang apo, lumayo ka sa kan'ya."

"Basta tandaan mo lang apo, lumayo ka sa kan'ya."

"Basta tandaan mo lang apo, lumayo ka sa kan'ya."

"Urrgh!" Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok nang bigla kong maalala ang isa sa mga bilin ni lolo bago ako makatulog.

Pa'no ako iiwas sa demonyong si Hades kung nandito ako ngayon sa kaharian n'ya?! Fvck!

"Mahal na reyna, ipinaghanda ko na po kayo ng tubig na panligo" sabi ng isang alagad ni Hades. Isa itong babaeng maganda at may makinis na balat.

Tinignan ko s'ya ng may pagtataka, bakit nandito ang babaeng to sa impyernong 'to? Anong kasalanan ang nagawa n'ya?

"Have you committed a very heavy sin?" Takhang tanong ko. Pero napangiti lang s'ya, may mali ba sa tanong ko?

"Hindi po."

What?! P-papaanong napunta s'ya rito?

I want to know something.

"Magkwento ka muna sa'kin. Maupo ka." Sabi ko at inalok naman sa kanya ang gilid nitong malaking kamang itim na kanaupuan ko.

Everything here is black. Ibang-iba sa kinalakihan kong bahay na puti lahat. At tanging mga liwanag ng mga kandila lang ang nagbibigay ilaw sa kwartong ito.

"B-baka po kasi magalit ang hari" sambit nito na bakas ang takot sa kan'yang boses. That Hades. Hindi ko alam kung paano s'ya magalit. But the hell I care.

"Nope, akong bahala." Sabi ko at hinigit ang kamay n'ya para mapaupo s'ya sa kama.

Nakayuko lang s'ya na para bang nag-aalinlangang magsalita-

"Bakit? Ayaw mo bang magkwento?"

Nagulat nalang ako nang bigla s'yang umiyak at agad akong niyakap "Ilang daang taon ka po naming hinintay na magbalik." Wika nito habang nakayakap parin sa'kin.

Eerr, s'an ba ako napunta?

"Hinanap ka po ng hari sa apat na sulok ng mundo pero bigo po s'yang mahanap kayo. Ilang daan taon din pong nasira ang buong impyerno, hindi pa po ito ganito kagulo dati n'ong nandito pa po ka'yong dalawa para mamuno."

Ibig sabihin naniniwala tal'ga silang ako si Proserpine? Ugh this is insane!

Napangiwi nalang din ako sa kwento n'ya. Uhm, ba't naman nawala si Proserpine? Ba't di nila hinanap kay Demeter na ina ni Proserpine?

Kumalas na s'ya sa pagkakayakap sa akin "Gusto n'yo po bang malaman kung paano po akong napunta dito?" Agad akong napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya.

"Yes" I nodded.

"Isa po akong mortal na naninirahan sa bayan ng Athens. Anak po ako ng isang magsasaka at galing po ako sa isang napakahirap na pamilya. Bagaman mahirap po kami ay hindi ho kami gutom dahil sa mga biyayang pagkain na binibigay ni Demeter sa amin." Tama, si Demeter ang ina ni Proserpine na dyosa ng anihan.

"Isang araw po ay namimitas po ako ng mga bulaklak sa isang hardin nang may bigla nalang pong dumukot sa'kin. Dinala n'ya po ako sa kailaliman ng mundo kaya po kailanma'y hindi na po ako nahanap." Pagpapatuloy n'ya.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now