28: The Culprit

5.5K 196 13
                                    

Chapter 28: The Culprit



Nagulat ako nang hawakan n'ya ang suot ko at agad itong nagpalit ng kulay. Mula sa puti nitong kulay ay naging makintab itong kulay itim. "I will walk through the brightest part of Olympus even though it is the most brutal thing for me just to see your smile." Saad n'ya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Proserpine!"

"Hades!"

Agad kaming napalingon sa bintana nang may isang maawtoridad na boses ang tumawag sa amin. Agad na umakyat ang kaba ko sa puso nang makilala ko kung sino iyon.

"Shit!" Rinig kong bulong ni Hades at naikuyom ang kamao n'ya.

A-anong ginagawa n'ya riyan? Hindi n'ya pwedeng makita si Hades!

"Hermes" tawag ko rito at lumapit sa bintana.

"Hindi ako nagpunta rito upang ipadakip si Hades, nagpunta ako rito para sabihing nawawala ang Emblem of Equilibrium"

"Emblem of Equilibrium?"

"Isang bagay na nagrerepresenta ng balanse ng Olympus, Lupa at Impyerno. Isa itong gintong parisukat na may bilog sa gitna kung saan literal na makikita ang maliit na representasyon ng sitwasyon ng tatlo. Makikita rito kung nakabalanse paba ang tatlo." Paliwanag ni Hermes.

"Bakit nawawala?" Tanong ko ulit.

"Hindi namin alam. Ang napag-alaman lang ay ninakaw ito ng isang itim na salamangka."

Pareho kaming napalingon kay Hades na nasa loob parin ng aparador at nakasuot na ng itim na pang-ibaba. "I possessed diablerie the most. So is it possible that I stole the Emblem of Equilibrium?" Sabi ni Hades na may demonyong ngisi sa kan'yang mga labi.

"Yan ang tinitignan ng lahat tsong kaya mag-iingat ka" babala pa ni Hermes sa kanya.

"I know" tanging sagot nito na hindi parin mabura sa mukha ang ngisi.

"Did you stole it?" Diretso kong tanong sa kan'ya.

"I don't know"

"What?"

"I'll try to figure out if I stole that damn thing."

Pareho kaming napakunot ng noo ni Hermes "Ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Pagkaklaro ko sa malabong sagot ni Hades.

Is he fooling around?

"I haven't discern it yet"

Nagkibit balikat nalang si Hermes sa sinabi ni Hades at nagwikang "Tsong, alam kong hindi ikaw ang kukuha ng bagay na iyon."

"I don't even have interest in any of Olympian materials." Giit pa ni Hades. Tama, aanhin n'ya naman ang bagay dito sa Olympus?

"Sige. Mag-iingat kayong pareho, wag kayong mag-alala kahit tatlo pa ang pinaglilingkuran kong diyos ngayon papanig parin ako sayo tsong." Sabi pa ni Hermes bago lumipad palayo sa labas ng aking bintana.

"You didn't stole it right?" Tanong ko sa demonyo.

"Why should I?"

Ngumiti nalang din ako sa sagot n'ya. Nakakasiguro naman akong hindi n'ya ninakaw ang bagay na'yon dahil kung kinuha n'ya iyon ay isang malaking kaparusahan ang ipapataw sa kan'ya. Kung sino man ang makakasira o magnakaw ng bagay na'yon ay paparusan kahit isa ka pa sa pinakamakapangyarihan.

"Let's go" aya ni Hades at lumabas sa aparador. Mabuti nalang at nakakapagtago parin s'ya sa isang anino ng gamit ko rito sa loob.

"Where?"

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now