03: The Voyage

11.9K 443 54
                                    

Chapter 3: The Voyage





Ang halik ni Hermes sa labi ko ang huling alaalang meron ako bago ko naipikit ang mga mata ko at tuluyang makatulog sa loob ng mahabang panahon.

It's been century since I fall asleep. My mind is wandering inside an unknown place, a place full of darkness and hugged with the silence.

Hindi ko alam pero parang hindi na ako makakaalis sa lugar na'to. Parang walang katapusang kadiliman at walang katapusang katahimikan lang ang nilalakad ko.

Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ko, hindi ko narin alam kung ano ang ibig sabihin ng liwanag. Nakalimutan ko narin kung ano ang itsura ng gabi at araw, nakalimutan ko na ang dating mundong tinitirhan ko, ang Real World.

Palakadlakad ako sa mundong hindi ko alam kung may liwanag ba. Nangangapa sa gitna ng kadilimang binabalot ng katahimikan, hanggang kailan ba ako maglalakbay sa mundong 'to?

I don't know where the hell I am.

Patuloy parin akong naglalakad sa kawalan nang bigla akong makaapak ng isang malamig na bagay. When was the last time I felt the touch of the water? A century I think.

Muli akong humakbang at naramdaman ko nalang na parang unti-unting umaangat ang tubig sa katawan ko, maya'tmaya pa ay naramdaman kong nalulunod ang sarili ko. Niyayakap na ako ngayon ng napakalamig na tubig.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, gusto kong iahon ang sarili ko sa tubig na'to pero di ko magawa. Hindi ako makahinga, hindi ko kayang huminga sa tubig.

Hindi ko alam kung nakadilat pa ba ang mga mata ko o hindi dahil wala akong maaninag. Ang alam ko lang ay nalulunod ako at unti-unting bumababa ang katawan ko sa tubig na'to.

"Faith" Someone's calling my name. Who is he? I want to beg for help.

"Faith" Rinig kong muling sambit n'ya sa pangalan ko.

W

hy the fvck he keeps on calling my name? Why can't he help me?!

Itinaas ko ang kamay ko para humingi ng tulong pero parang huli na ang lahat dahil nararamdaman ko na ang napakalalim na tubig. I just don't know what to do.

Nawawalan na'ko ng pag-asa, dito na matatapos ang mahabang paglalakbay ko sa kawalan.

I smile a bit knowing that this would be the last moment of my useless life, till I felt someone's holding my hand. Parang unti-unti nitong hinihila ang katawan ko para umahon.

Umangat ang katawan ko mula sa tubig dahil may humihila sa'kin. Muli ay nakahinga ako.

"Faith" tinatawag n'ya parin ako. Bakit n'ya binabanggit ang pangalan ko? Who is he?

Hindi ko magawang gumalaw, hindi ko magawang magsalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Hinahabol ko ang hininga ko na para bang naubusan ako ng hangin. Hindi ko maintindihan ang biglaang pag-init ng buong katawan ko nang maramdaman kong may unti-unting yumayakap sa'kin.

Isang napakainit na katawan, nararamdaman ko ang mainit n'yang hininga sa leeg ko. Who is he? Anong ginagawa n'ya sa gitna ng dilim?

Naramdaman ko nalang ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. This is the first time I felt something like this. What kind of sh!t is this?

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now