15: Another Flower

8.4K 271 10
                                    

Chapter 15: Another Flower




"Bukas po ay aalis na kayo papuntang mundo ng mga buhay." Pagpapaalala ni Sterope habang nakaupo kami ngayon sa lilim ng puno ng mansanas na lagi naming tinatambayan.

Napatingin ako sa kamay kong wala nang singsing. Napansin n'ya kaya 'yon?

"Mag-iingat ka rito Sterope, sana mapamunuan mo ang impyernong ito habang wala kami ni Hades dito." Sabi ko at tinignan ang kabuoan ng lugar na ito.

Walang liwanag na nanggagaling sa araw, mga patay na naglalakad. Sobrang gulo, ang sino mang mapupunta rito ay habang buhay na magdurusa.

"Natitiyak ko pong pagbalik n'yo rito magbabalik narin po sa dati ang lahat. Magiging maganda na po ang lugar na 'to." Napalingon ako kay Sterope, puno ng pag-asa ang kan'yang mata.

Umaasa s'yang magiging mabuti rin ang lahat. Naaalala ko 'yong sinabi n'ya noong matagal na panahon silang naghintay sa pagbabalik ko para sa ikapapayapa ng mundong 'to.

I smile a bit, don't worry Sterope I'll do my best just to meet your expectations. I will never be selfish again.

Ako mismo ang sasampal sa sarili ko kapag nabigo ko kayo ulit.

"Bulaklak!" napakunot ako ng noo nang biglang napahiyaw si Sterope at tinuro ang isang bagay na bigla nalang tumubo sa paanan ko.

It's a dandelion. "Mahal na reyna, 'yan po ang kaunaunahang bulaklak na muling tumubo rito sa labas ng impyerno sa loob ng mahabang panahon."

Kaunaunahang bulaklak na muling tumubo sa impyerno? "Diba may mga bulaklak sa silid ko at sa paliguan?" Tanong ko.

"Opo sapagkat sa inyo po ang lugar na 'yon pero nagkakaroon lamang po ng bulaklak dito sa labas kapag nandiyan po kayo o s'ya."

"S'ya? Sinong s'ya?" Kunot noong tanong ko kay Sterope na ngayon ay hindi maipaliwanag ang sobrang kasiyahan na nararamdaman.

"Its been centuries Proserpine." Agad akong napalingon sa babaeng nagsalita na ngayon ay paakyat nitong burol.

Shit! She's a goddess because she's so beautiful. She's wearing a white long dress and holding a rose with different colors. Do I know this beautiful lady?

"Its me, Antheia goddess of flowers. Your friend." Nakangiting saad nito.

Antheia?

Flashback


Kasalukuyang namimitas ng magagandang bulaklak ang magkaibigan na sina Proserpine at Antheia sa Sicily habang nagkukwentohan. Lagi nila itong ginagawa kapag napakaganda ng panahon.

"Alam mo Proserpine, lagi nalang akong pinupuntahan at pinipilit buyuhin ni Hades na sumama sa kan'ya sa impyerno para maging asawa." Wika ni Antheia habang namimitas ng mababangong sampaguita.

"Naku, Antheia hindi ko man kilala ang diyos ng mga patay na'yan ay natatakot na ako." Ani Proserpine na nilalaro ang mga makukulay na paruparo na nagliliparan sa paligid.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن