1

37.5K 1K 100
                                    

Chapter One

ALEXIANA CALLISTO

I woke up to the sound of birds chirping outside.

The sun's rays were shining brilliantly, as if telling me how beautiful this day is going to turn out. I twisted sluggishly and spent a couple of lazy minutes just staring through the window and into the rich leaves of the tree that's right outside my balcony. The thin curtain is swishing calmly, dancing with the morning wind, tempting me to get up from bed.

I obliged.

The book I was reading last night was on the side of my bed. Next to it was a scrunchie that I used to tie my hair in a messy bun with. A yawn escaped from my mouth as I did some quick stretching before doing the entire morning routine. When I was done, I went down the stairs excitedly and headed to the porch, where I guessed my Nana was.

"Manang, puwede ba akong sumama sa'yo sa palengke today?"

Nilingon niya ako at nginitian. "Oo naman! Ano ba ang gusto mong ulam ngayon?"

Bago pa ako makasagot ay naunahan niya na ako. "Sinigang!"

"You know me so well!"

"S'yempre naman. Akala mo yata ay porke't matanda na ako ay nakalimutan ko na ang gusto niyong magkakapatid. Hindi yata, 'no!"

"Still sharp as ever. Kaya ikaw ang paborito kong Nana, e."

"Asheng, aba! Ako lang naman ang nag-iisa niyong Nana."

Napahalakhak ako. Matapos lang ang ilang sandali ay nakuha niya na ang bayong na paglalagyan ng mga bibilhin. Bago makarating sa pamilihang bayan ay kailangan pa naming maglakad ng abot kinse minutos. Puwede namang sumakay sa mga tricycle na nakaparada sa amin, ngunit mas gusto kong naglalakad. Natutuwa ako sa mga tanawin at gusto ko ring sulitin ang kabuuang paglalagi ko rito.

Isang linggo na akong narito sa Daet. Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan ko ay ang pagbo-volunteer sa pagtuturo sa mga batang kapitbahay. Sa tapat ng barangay hall ay nagtatayo ang mga magulang ng malaking tolda kung saan ginaganap ang mga mini classes na tatlong beses sa isang linggo. Tumatagal ang isang klase ng halos dalawang oras. Pagkatapos ay magpapamahagi kami ni Manang Soling ng pagkain sa mga estudyante.

Para bang may kakaibang saya akong nararamdaman kapag nakikita ko ang aliw sa mga mata nila. Pag natapos ang mahigit dalawang buwan kong bakasyon dito ay paniguradong mamimiss ko sila.

"Kuwentuhan mo naman ako kay Alexander. Ang batang 'yon! Kaunti na lang ay magtatampo na ako sa kan'ya. Hindi dumadalaw at puro na lang tawag. Manang-mana sa ama mo," ika ni Manang habang naglalakad sa gilid ko.

"He's been very busy lately. Sometimes he would even sleep inside his office. Nakakalimutan nga rin ho niya na magdinner minsan dahil sa pagod. Dinadalhan ko 'yon ng pagkain sa condo paminsan-minsan. Hindi ko rin naman siya masisi dahil alam kong gusto niya lang maipakita kay Dad na tama ang desisyon nitong pagkatiwalaan siya sa negosyo," sambit ko. "You know how he gets."

"Proud naman sa kanya si Aaron. Kitang-kita ko naman na lumaki kayong mahal na mahal nila ni Cassidy," anas niya bago hinawakan ang braso ko. "Si Alexander ba ay wala man lang natitipuhan?"

"He's too picky."

"Ang tatay mo nasa kolehiyo pa lang ay naglalandi na sa nanay mo! Bilisan niyo naman ni Alexander at para maabutan ko pa ang ika-apat na henerasyon ng mga Monteverde!"

"Manang, ayan ka na naman!"

"Dépêche-toi!" nakatawang saad niya na sinasabing bilisan ko.

"Wala pa ho talaga akong nagugustuhan."

One Summer with the Sinner (Monteverde Series 5)Where stories live. Discover now