“Well, I’m fine. Ikaw ba? I’m glad okay na kayo ng boyfriend ng Mama mo.”

“Yeah, I still call him Tito isa lang kasi ang Daddy ko but I’m not okay, I’m not feeling well…” napatingin ako sa kaniya. Bakit? Masama ba pakiramdam mo? Nilapitan ko siya at dinampi ang likod ng kamay ko sa noo niya. Wala naman siyang lagnat. “J-joke lang naman eh. Ikaw naman, ang seryoso mo.”

Lumayo ako at inirapan na lang siya. “Not a good joke Alex.”

Tumawa siya. Sige tawanan pa ako Alex. Tawa pa. Peste. Lumapit siya sa akin at inalog ang braso ko. “Galit ka?” tinignan ko siya ng masama at tumingin ulit ng diretso sa daan. “Yii, galit na ‘yan. ‘Wag ka na magalit?”

“Whatever.” Nilayo ko ang braso ko sa kaniya.

Nabigla naman ako nang yakapin niya ako. “Namiss kita… namiss ko pagsusungit mo. Namiss ko ‘yang pangiirap mo. Namiss ko ‘yung panenermon mo. Namiss ko ‘yung pagmumura mo ‘pag nafu-frustrate ka na sa’kin. Namiss ko ang lahat sa’yo.”

“A-Alex…”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, pasalamat na lang ako at dumating na rin ang mga kaibigan namin. Well, half-thankful lang kasi naabutan nilang nakayakap siya sa akin at kinantahan kami ng “Muling Ibalik”. Sarap magmura eh.

Habang nasa daan kami ay tinext ko si Jhaztine, may practice kasi sila ngayon sa dance troupe.

To: Jhaztine

Remember not to hug or kiss anyone because you’re thankful. Understood?

Agad naman siyang nag-reply.

From: Jhaztine

Yes dad. Take care ;)

Napangiti na lang ako, siraulo talaga ‘yon.

“You’re smiling. May nangyari bang maganda?” Alex asked na nasa tabi ko.

“It’s Jhaztine, baliw eh.”

Napawi ang ngiti niya. Damn. “Alam niya talaga kung paano ka pangitiin ano?”

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon