Rewind 1: First Meeting

10K 239 19
                                    

Rewind 1: First Meeting

------------♡------------

Hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi pa din ako makapaniwala na nandito ulit siya, masigla, buo at buhay.

Tatayo na sana ako para lapitan siya nang biglang magsalita yung prof.

"Okay, 1A15, I'll call your names and go here infront for me to sign your registration forms. Then, sit alphabetically, from the right front row going to the left."

1A15? Ito yung section namin nung first year. Bumalik? Bumalik talaga ako sa first year kung kelan una ko siyang nakilala.

Naupo ulit ako at napaisip. Kung sa ganitong panahon ako bumalik, ibig sabihin ay hindi niya pa ako kilala. Kung hindi ako nagkakamali, kaya ko siya nakilala at nakausap ay dahil ipinakilala siya sa akin. Kaso, tsk, hindi ko matandaan kung sino ang nagpakilala sa kanya noon sa akin.

"Jon Paolo Castro?"

Napatingin ako sa harapan at nakita ko si Pao na nagpapapirma ng reg form niya. Sigurado akong hindi niya din ako kilala sa mga panahong ito. Agad hinanap ng mga mata ko si Dom nang ako na ang tawagin.

"Theodore Cordova."

Medyo nataranta pa ako sa paghahanap ng reg form ko dahil hindi ko na matandaan kung saan ko nalagay sa bag ko.

"Who's Theodore? Absent ba ito?" pag-ulit ng prof.

"Ah ma'am," itinaas ko ang kamay ko at saktong nahanap ko 'tong lintik na reg form ko. Agad naman akong naglakad sa harapan at ipinasign itong form ko.

"You can sit beside Mr. Castro," sabi sakin ng prof. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang prof namin sa Humanities.

Tumango ako at kinuha ang mga gamit ko para lumipat sa tabi nitong si Pao. Pagkadaan ko sa harap niya, hindi ko namalayang tinapik ko yung balikat niya gaya ng lagi kong ginagawa sa mga kaibigan ko.

"Ahh, uy," I laughed nervously, wishing he didn't mind, "Uhm, Theo nga pala, Pao."

Iniabot ko yung kamay ko para makipagkamay at aabutin na sana niya nang bigla niyang binawi at napataas ng kilay, "Pano mo nalaman pangalan ko?"

Shit. Oonga pala, hindi pa ako kilala ng kolokoy na 'to, pati ni Dom, at kahit ni Bless. Hay...

"Ah, kasi tinawag ka ni Ma'am kanina diba?" palusot ko.

"Ahh, hahahaha, oonga naman." napatawa na lang siya at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Next, Dominic Lui Cruz?"

Napalingon uli ako at nakita si Dom na papunta sa prof namin. Doon ko natandaan na kaya kami naging magkakaibigan ay dahil magkakatabi kami noong first sem, first year. Ah, ang ibig kong sabihin, magkakatabi kami ngayon. Tsk, ang gulo.

Kailangan ko na mag-ingat sa mga galaw at sasabihin ko. Baka akalain nila nababaliw ako. Sabi ko sa isip ko.

Nang dumaan si Dom sa harap namin para makaupo sa pwesto niya, pilit kong siyang hindi pinansin at nagpakanatural. Kaso sa daldal nitong si Paolo, siya ang unang kumausap kay Dom, gaya ng dati.

"Uy pre, Paolo nga pala," agad niyang inabot ang kamay niya kay Dom na agad ding shinake ni Dom.

"Dominic, bro. Kahit Dom na lang."

Tinignan naman ako ni Dom na signal para makapagpakilala ako, "Theo nga pala."

"Ahh, Dom, bro."

I raised my fist for a fist bump and he did too.

"Grabe bro, ang daming chix dito sa block natin," paninimula nitong si Paolo.

RewindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang