Rewind 4: Closeness

7.5K 178 16
                                    

Rewind 4: Closeness

------------♡------------

Siguro mga isang linggo na din nakalipas simula nung nabuo namin ni Bless yung deal. Sa wakas, talagang mas nagiging close na kami.

Masaya? Sobrang saya!

"Uy, Theo, lagi mo akong tinuturuan sa algeb pero wala pa akong natutulong sayo."

Kasama ko si Bless ngayon dito sa library para tulungan siya sa Algebra niya. Dati kapag dito kami tumatambay, mabilis akong mabore o kung minsan, naiinis pa ako. Pero ngayon, iba eh. Ayos na ayos lang kahit makulong pa kami dito.

"Ano ka ba, meron kaya akong pinagawa sayo." I smiled.

"'Ang bantayan si Ashley kapag hindi ka kasama at kami lang ang kasama.'" she quoted, "Yun lang naman. Parang hindi naman fair na kapalit."

"Uy hindi ah. Effort din na tinetext mo ako lagi kung anong ginagawa niya."

Yeah, sa wakas nakuha ko din number ni Bless. Kelan lang naman. Yun ay para mareport niya sakin kung anong ginagawa ni Ash kapag sila ang kasama at hindi ako.

Well, it's all part of the act. Ginagawa ko lang yung dating ginagawa ko kay Ash sa tulong ni Bless, gaya ng dati. Pero ang kinaibahan, iba na yung motibo ko ngayon. Atleast, may paraan na ako para makatext at makausap siya lagi.

She sighed, "Sabagay, mahirap magdahilan sa kanila kung sino tinetext ko. Lalo na kay Kylie."

Sa totoo lang, kay Kylie ako kinakabahan. Masyado kasi siyang mausisa. Dati, siya unang nakakaalam ng mga kalokohan namin nila Dom at siya din unang nagsusumbong kay Ash nung girlfriend ko pa siya at kay Bless naman nung siya na girlfriend ko.

"Mag-ingat ka na lang kay Kylie. Baka mabuko tayo eh."

Tumango na lang siya, "Ay Theo, ito pa pala ipapaturo ko."

At nagsimula na ulit kaming mag-aral. Ngayon ko lang naappreciate na kahit papano naging magaling ako sa math.

***

Siguro mga isang oras na lang ulit tinagal namin dito sa library. Mabilis naman kasing matuto si Bless dahil may interest. Di gaya ng mga wala, kahit turuan ng turuan, wala pa din.

"O ayan gets mo na ah," and I patted her head.

She nodded and smiled, "Salamat talaga, Theo ah. Big help talaga 'to. Kelangan ko kasing magmaintain ng grade para sa scholarship ko."

Habang nakikinig sa kanya, tinutulungan ko siyang magligpit ng gamit niya.

"Scholar ka pala," kunwari hindi ko alam, "Anong scholarship?"

"Uhm..." ayaw pa niyang sabihin. Sobrang humble kasi, "Santo Tomas scholarship?"

Nanlaki ang mga mata ko, gaya nung expression ko nung una kong marinig yun, "Grabe, valedictorian ka nung HS noh?"

She nodded slightly, "Wag mo na ipagsasabi ah."

Sabay na kaming tumayo para lumabas ng dito sa library at pasimple ko siyang inakbayan, "Oo naman! Mas nainspire tuloy akong tulungan ka. Di bale, tutulungan talaga kita para mamaintain yang scholarship mo."

Tumingin siya sakin at mas lumapad ang mga ngiti niya, "Thank you talaga, Theo. Di bale, tutulungan din kita kay Ash para mas maging okay kayo. I know you really love each other."

Upon hearing that, napabitaw ako sa pagkakaakbay ko sa kanya. Naalala ko na naman si Ash.

Kung alam mo lang Bless, ikaw lang yung mahal ko.

RewindWhere stories live. Discover now