Rewind 6: Suspicion

12.3K 292 125
                                    

Rewind 6: Suspicion

------------♡------------

Lumipas ang mga araw na ayos naman lahat. Ganon pa din kami ni Ash. Kahit papano, sanay na ulit akong siya ang madalas kasama.

Pero nitong nakaraan, hindi na din nagpaturo si Bless sakin sa Algeb. Sa pagkakaalam ko kasi, alam na niya yung mga sumunod na topics. Sayang. Tsk.

Hindi ko na din siya masyadong nakakatext o nakakausap dahil madalas ko nang kasama si Ash. Wala na ding rason para makapag-usap kami eh. Higit sa lahat, hindi ko pa nabibigay sa kanya itong binili kong teddy bear para sa kanya.

Itong bear na 'to, kung nagkataon, ang unang regalong maibibigay ko sa kanya. Alam ko sa sarili kong hindi dapat dahil una ko siyang nabigyan ng regalo ay noong nililigawan ko na siya. Pero hindi naman siguro makakasama ito.

Bahala na nga. 

Isa pang bad news, next week na Prelims. Ang bilis, tsk. Nakakatamad pa naman mag-aral.

Ang nakakapagtaka talaga, kahit natake ko na lahat ng mga subject na 'to sa una kong buhay, hindi ko sila maalala lahat. Hindi ko alam kung nabago ba lahat ng exam o wala lang talaga akong maalala. Pwede ding hindi ko sineryoso dati?

Tinanggal Mo ba talaga alaala ko sa mga naging lesson o naexam ko na noon? Para akong engot na tinanong sa Kanya yan ng paulit-ulit. Pero gaya ng dati, wala na namang sagot.

***

"Tol, samahan niyo naman ako sa Arki building," aya ni Paolo pagkatapos na pagkatapos ng mga klase.

Nagtaka naman si Dom, "Bakit? Ano gagawin mo dun?"

Hindi na ako nagtanong pa kung bakit dahil alam ko na naman ang dahilan. 

"Baka ibig niyang sabihin, dadalawin." pang-aasar ko na lang.

"Hah. Ako kasama mo lagi, 'Tol, wala akong alam," pailing-iling na sabi ni Dom.

Tinignan nila akong dalawa at parang nagtatanong kung paano ko nalaman. Tuwing nadudulas ako gaya ng ganito, medyo madali na sa aking magpalusot.

"Wala, hula lang," palusot ko. "Halata naman kay Pao."

"Tsk, nakilala ko lang siya kasi pinsan ng pinsan ko," paliwanag agad ni Pao. "Medyo mataray pa nga eh."

"Shoot, Bro, tinamaan ka?" natatawang tanong ni Dom. Kahit ako di ko maiwasang matawa. 

"Hindi ko alam, Pare." Halata sa mukha niyang naguguluhan talaga si Pao, "Hindi ko talaga alam pero type ko."

"Maganda?" kunwaring hindi ko alam. "Ano nga pala pangalan nun?"

"Oo, dude! Sobrang ganda. Sexy pa!" pagmamalaki niya. "Vada pangalan."

"O, tara na, puntahan na natin nang makilatis." Haha, mas excited pa 'tong si Dom ngayon.

"Takte, 'Tol. Walang sulutan ah," Pao warned.

Agad napangisi si Dom at tinapik si Paolo sa balikat, "Oo naman. Wag ka mag-alala."

"Sige na, pumunta na kayo. Subukan ko sumunod," sabi ko. "Ihahatid ko muna si, Ash sa bahay nila."

"Aw, lover boy pala 'tong isang kaibigan natin," tukso ni Pao.

"Baka ikaw na sumunod," banat din ni Dom kay Pao, "Eh ku----"

"Babe!" biglang sumulpot si Ash kung saan at hawak na ang braso ko.

"O bakit?" tanong ko. "Tara na ba?"

Umiling siya, "No, babe. Papaalam sana ako na magmmall kami nina Kylie and Phia to shop some dresses."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RewindWhere stories live. Discover now