Chapter 53 : Okay - Back

ابدأ من البداية
                                    

Bigla na lang nagkaroon ng ingay na para bang kilig na kilig. Yung iba pa palang mga pinsan ni Allen. Halos napuno nila yung sala.

Nahihiya akong bumati sa kanila kaya yumukod lang ako.

Nagbungisngisan sila at inaya akong saluhan sila sa ginagawa nila. Ang pagmu-movie marathon! Tapos ang genre pa, Chick Flick! Eh si Allen lang ang gusto kong kasama pag nanunuod ng ganun eh. Para ginagaya namin yung mga bida. Hahaha.

Magalang ko silang tinanggihan at pinakawalan naman nila ako. Napadaan uli ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom nang bigla akong tawagin ng Tito ni Allen na nakausap ko kanina. Lumapit ako sa kanila at napansin kong puro matatanda ang nandito. Malamang mga Tito't Tita ni Allen ang mga 'to.

"Siya ang boyfriend ni Allen. Mukha namang ayos ang pamangkin natin sa kanya eh. Nakausap ko siya kanina at nangako siyang hindi niya sasaktan si Allen."

"Ikaw lang naman ang nagdududa sa desisyon ni Allen eh. Alam naman nating lahat na matalino si Allen. Lahat ng ginagawa niya, pinag-iisipan niya." sabat naman ng isang matandang babae. Mukhang mas matanda siya kesa kay Tito.

"Oo nga Ate, pero at least sigurado tayo sa kanya. Sa kanila." sagot naman ni Tito tapos ay tinignan ako nung babae.

"Mahalin mo ang pamangkin namin ha? Importante siya sa amin. Ayaw naming masaktan siya." at napatango na lang ako bilang sagot.

Hindi man ako nagsalita, mukhang naramdaman nila na sincere ako sa ginawa ko.

Nung maging busy sila sa pag-uusap ay umalis na ako dun at binalak nang lumabas muna para magpahangin. Pero paghinga ko ay nakalanghap ako ng usok ng sigarilyo kaya napatingin ako sa paligid. May nag-iinuman sa harap ng bahay nina Allen. Puro lalaki. Mukhang wala pa naman sa 30 ang pinakamatanda at ang pinakabata naman ay nasa 16 siguro.

"Pare! Balita ko ikaw daw ang syota ng pinsan namin ah?" sabi ng pinakamatandang lalaki. Pinsan din pala sila ni Allen? Ang dami talaga nila ngayon! Ngayon ko lang nakita na nandito ang buong angkan ni Allen!

"Opo." nahihiya kong sagot.

"Wag mong bubuntisin ng maaga ang pinsan namin ha? Marami pang pangarap yun." sabi ng lalaki at tinignan niya ang mga kasama niya.

Nagtawanan ang mga ito at para akong kinakantiyawan.

"Inom tayo. Para sa pagkakakilala namin sa syota ng pinakamamahal naming pinsan." pag-aya ng isa pero tinanggihan ko. Wala ako sa mood uminom eh. Saka kanina ko pa hindi nakikita si Allen eh.

"Hala! Hindi pwede yan! Napagkasunduan naming lahat na isasama namin sa pag-inom ang magiging boyfriend ni Kuya Allen. Kapag hindi mo kami sinamahan sa pag-inom, iisipin naming hindi ka seryoso sa pinsan namin." sabi naman ng pinakabata sa kanila.

Inisa-isa ko ang mga mukha nila at nabakas ko ang kaseryosohan nila. Talagang tuloy sila sa 'kasunduan' nila ha?

"Sige. Pero hindi po ako pwedeng uminom ng marami ha? Tutulong po ako sa paglilinis mamaya eh." sabi ko na lang sa kanila tapos ay umupo ako kasama nila.

Matapos ang ilang tagay ay napansin kong ayos din naman pala ang mga 'to.

Si Kuya Joven, ang pinakamatanda sa kanilang magpipinsan, napaka-ingay. Ingay in a sense na matatawa ka. Puro kasi jokes at nakakatawang experience ang binibitawan niya. Si Joseph naman, ang pinakabata, ay napakalakas uminom. Kaming mga mas matatanda sa kanya, mukhang duling na sa kalasingan, pero siya, mukhang tubig lang ang alak.

"Karl, bakit ka umiinom kasama ang mga kolokoy kong pinsan?" bulong sa akin ng isang pamilyar na mala-anghel na boses.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang anghel ng buhay ko.

So Into You (BxB)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن