Chapter 53 : Okay - Back

Mulai dari awal
                                    

Para bang punong-puno ng pagmamahal yung ngiti niya.

"Okay, okay! Siya ang boyfriend mo. Tatandaan ko yan. Ayokong nagagalit ang paborito kong pamangkin eh." sabi ng Tito ni Allen habang naka-slouch sa sofa.

Hinila ako ni Allen at pinaupo sa tabi ng Tito niya.

"Oh, Tito, kausapin mo muna syota ko ha? Ihahanda ko lang yung niluto ni Mama para makakain na tayo." sabi ni Allen tapos ay biglang nag-teleport papunta sa kusina.

Pero dahil sa nai-intimidate ako sa kanya ay hindi ko magawang magsalita. Napatingin na lang ako sa mga hita ko, hoping na magsasalita ang Tito ni Allen.

"Sayang si Allen. Hindi na kakalat ang lahi naming mga gwapo. Pero hindi naman ako kontra sa'yo. Mahal ka ng pamangkin ko kaya wala na akong magagawa dun. Ang gusto ko lang, makasigurado na hindi siya masaktan. Matagal nang wala ang Papa niya at alam kong yun ang naglagay ng sugat sa puso niya. Kumbaga sa gamit, para siyang kopita. Hindi pwedeng ihampas ng malakas sa iba dahil mababasag siya. Kaya sana ikaw, bilang boyfriend niya, alagaan mo siya. Mahal na mahal namin si Allen. Kaya kung sino mang mananakit sa kanya, handa kaming rumesbak." dinig kong sabi ng Tito ni Allen kaya napalingon ako sa kanya.

My mind was battling on whether to talk or to just say silent. Wala akong maisip na sasabihin pero gusto kong magsalita.

"Ha! Iniisip mo siguro, 'Ano ba 'tong matandang 'to! Kung anu-ano iniisip. Hindi naman sinasabi ng mga normal na tao yung sinasabi niya eh. Abnormal.'. Tama ako diba?" sabi pa niya.

Ewan ko ba sa sarili ko't bigla akong tumayo at humarap sa kanya.

"Mahal ko po si Allen. At handa po akong gawin ang lahat para pasiyahin at protektahan siya. Sinisigurado ko pong hindi ko siya sasaktan." dire-diretso kong sabi sa kanya ng hindi nag-iisip.

Narinig ko na lang ang biglang pagbungisngis niya kaya parang lalo akong nahiya.

"Swerte rin naman pala sa'yo ng pamangkin ko. Kahit na hindi ka nag-iisip, alam mo ang dapat mong gawin. Mabuti yan." nakangiting sabi ni Tito, Tito na itatawag ko sa kanya, at tumayo din siya.

Magkaharap kami ngayon at kinakabahan ako.

"Salamat. Tuparin mo yang pangako mo ha?" mahina niyang sabi sa akin tapos ay tinapik niya ng dalawang beses ang kanang  balikat ko saka umalis.

Papunta siya ng kusina at doon ay inakbayan si Allen. Parang may ibinulong siya kay Allen dahil nakita kong nagtaka ang mukha nito. May iniabot siya kay Allen pero hindi ko na yun nakita. Hindi naman microscope ang mata ko para makita pa kung ano yun diba?

Napansin ko na lang ang biglang pamumula ng pisngi ni Allen kasabay ang pagtago niya nung ibinigay sa kanya sa bulsa.

Matapos ang eksena nilang mag-tiyuhin ay napag-desisyunan kong tumulong na din sa paghahanda. Ilang oras lang matapos ang paghahanda namin ay unti-unting dumadating ang mga kamag-anak ni Allen.

At grabe! Ang dami pala niyang pinsan! Mi ultimo yung mga nasa probinsiya pati yung mga pinsan niya sa iba't ibang parte ng katawan, nandito! Birthday party pa ba 'to? Parang fiesta na eh.

Napuno ng ingay ang buong bahay pero nangibabaw ang kasiyahan. Never akong naka-experience ng ganitong klaseng birthday party. Except nung unang beses akong i-surprise ni Allen kasama ang mga Par ko at si Manang. It was my first time na mapuno ng saya ang puso ko. Never ko talagang naisip na magiging ganun ako with just a simple act.

Hay.

Head over heels lang talaga ako sa kanya. Paulit-ulit pero totoo.

"...friend ni Allen. Diba ang gwapo? Sayang nga at naunahan ako eh. Pero, at least, kay Allen siya napunta. Swerte niya lang sa pinsan natin!" sabi ni Patricia, isa sa mga pinsan ni Allen na kapitbahay din namin, habang nakakapit sa braso ko.

So Into You (BxB)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang