Pero nainip na siya nang hindi pa dumadampi ang labi nito sa mga labi niya kaya dumilat na siya. Ang herodes! May dinampot lang palang kung ano mula sa likuran niya.

“Nandito pa pala ang ballpen na hiniram mo sakin. Hindi mo isinauli sa akin,” anito habang iniinspeksyon pa ang ballpen. Pakiramdam niya ay napahiya siya. Pero mas nakaramdam siya nang inis dahil binitin lang siya nito. Drat! Napa-isip tuloy siya kung ano ang pakiramdam ng mahalikan nito.

“Sayong-sayo na ang ballpen mo!”                          

Tumayo siya at padabog na tinungo ang pinto. Sumilip muna siya bago tuluyang lumabas. “I hate you!” patuloy parin siya sa pagdadabog habang naglalakad sa hallway ng bahay nila. pagliko niya papunta sa hagdan ay hindi sinasadyang nabangga niya ang mommy niya. Ang dala nitong mga baso at pinggan ay bumagsak at nabasag. Nagkalat ang mga laman at ang mga bubog niyon. Hangos na lumabas ng kwarto si Zeus nang marinig ang pagkabasag ng mga kasangkapan. Tsk. Tsk. Wala talagang nagagawang maganda ang pagdadabog.

“MOMMY! Sorry po! Di po kasi kita napansin.” Tinulungan ni Maxene ang kaniyang ina sa pagpulot ng mga nabasag na baso at plato.

“Kaya ko na’to. Baka masugatan ka pa.” Hindi naman siya nagpapigil rito. Ipinagpatuloy niya ang pagpulot. Kasalanan naman kasi niya kung bakit natapon ang dala ng mommy niya.

Lumapit sa kanila si Zeus. “Ano po’ng nangyari?” tanong nito.

“Dadalhan ko sana kayo ng haapunan. Kaya lang ay nabangga ako ni Maxene.” paliwanag ng Mommy niya.

“Blind curve po kasi ang daan natin dito. Dapat pala bumusina muna bago lumiko.” pabirong sabi niya.

“Naku, ang kulit mo talaga. Bumalik na nga kayo ni Zeus sa kwarto. Ako na ang bahala rito. Kaya ko na ito,” pagtataboy pa ng mommy niya.

Ayaw ko nga pong bumalik sa kwarto na ‘yon kasama ang kumag na ‘yan. Baka kagatin ko pa siya sa leeg dahil sa gigil ko sa kanya.

“Hayaan mo nalang ako ‘my. Kasalanan ko din naman po.” Maya-maya ay nakaramdam siya ng mahapdi sa kaniyang hintuturo. Nahiwa siya ng bubog. “Nahiwa ako.” aniyang parang engot na nakatitig sa dugo na galing sa nahiwa niyang hintuturo.

Hinila naman ni Zeus ang daliri niyang nasugatan at pinunasan iyon ng panyo. “Masakit ba?” tanong nito. Hindi naman siya nakasagot at nanatili lang na nakatitig dito. Hinipan nito ang sugat niya. It was just a simple gesture but she found it sweet.

“’Yan na nga ba’ng sinasabi ko eh.” Binalingan ng mommy niya si Zeus. “Zeus, pwede bang pakigamot mo naman ang sugat ni Maxene? Liligpitin ko lang ito,” sabi ng mommy niya habang patuloy na nililigpit ang mga nabasag. “Ilayo mo na siya dito at baka madagdagan pa ang sugat ng batang ‘yan.”

“Sige po.” anito.

“’My! Pwede ko naman ‘tong gamutin mag-isa, ah?” protesta niya. Hangga’t maaari ayaw muna niyang malapit kay Zeus dahil baka makagawa pa siya ng masama.

Gaya ng pagsamantalahan siya?

“Huwag na. Baka lalo mo lang paduguin iyan.” sabi pa ng mommy niya. Sa halip kasi na gamutin agad ang sugat ay mas natutuwa pa siyang pagmasdan ang dugo niyon. May pagka-weirdo talaga siya mdalas.

“Okay. Okay.” pagsuko niya.

Bumaba sila ni Zeus sa kusina dahil naroon ang medicine cabinet nila. Umupo siya sa upuan sa tabi ng counter table habang kumukuha naman ng alcohol, betadine, at bulak si Zeus. Kinuha nito ang kaniyang kamay at nilinis ang kanyang sugat sa pamamagitan ng bulak na may alcohol.

My Chocolate Princess (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now