[ 27 ] Reasons

6K 279 58
                                    

"Asawa kita pero nang lalandi ka ng ib--" hindi na ako nakatapos sa sasabihin ko ng sampalin niya ako.



Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin sakin 'yun. Susundan ko sana siya para humingi ng tawad pero huli na ako kasi lumabas siya ng kwarto.



Pinikit ko yung mga mata ko at huminga ng malalim.



'Hahayaan ko muna siya na magpalamig. Hindi kami mag kakaayos nito kung parehas mainit ang ulo namin.' sabi ko sa isip ko.



Totoo naman talaga. Hindi mag wowork out yung relationship naming pareho kung mainit pareho ang ulo namin. Ibababa ko na rin mismo yung pride ko para magkabati na rin kami.




Kumirot yung puso ko. Ganito pala ang feeling kapag mag kaaway kayo ng taong mahal mo.



Noon, nung hindi ko pa siya gusto, wala lang sakin kahit away awayin ko siya pero ngayon nahihirapan akong makita siyang nagkakaganyan. Ang sakit pala talaga.



Napa mulat ako ng may narinig akong tumutunog. Nag ring ang phone ko at sinagot ko ito.



"Yes hyung?" bati ko. Hindi ko alam pero parang napagod ako ng sobra.




"Oh, kamusta kayo ni Sachi diyan?" kahit kelan talaga si J-Hope hyung ang caring pag dating samin lalo na kay Sachi minsan naiisip ko na baka may gusto siya sa asawa ko pero hindi eh.



Huminga ulit ako ng malalim tsaka nag salita.




"Hyung, we're not okay." siguro ilang segundo na lang maiiyak na ako. Ako kasi yung mali eh. Pinag isipan ko kaagad siya ng hindi tama na alam ko na masasaktan siya. Napaka fragile pa naman niya.




"Oh bakit nag-away kayo?" hindi ko namalayan na naiiyak na pala talaga ako. No hindi, umiiyak na pala talaga ako. Bakit ba ang sakit? Hindi kasi ako nag i-isip eh.





"Oo." mahinang sabi ko kasi ayaw kong marinig niya na umiiyak ako. Siya pa naman yung tao na kapag alam niyang may nag-away, gagawin niya ang lahat para lang mag kabati kami.





"Anong pinag awayan niyo?" tanong niya. Kainis nakakatamad mag salita.




"Sinabihan ko kasi siya ng hindi maganda. Hay. Hyung, sa susunod na lang tayo mag usap okay?" bago pa siya mag salita binaba ko na kaagad yung phone.




Pinag iisipan ko pa kung paano ko siya susuyuin. Basta ang gusto ko lang na magkabati na kami kaagad.




Natauhan ako dahil may nagbukas ng pintuan. Pumasok siya at dumiretsyo sa banyo. Pumunta ako sa tapat ng banyo at hinihintay ko siyang lumabas.





Matagal bago siya lumabas. Nag hintay ako ng ilang minuto. Ano kayang ginawa niya? Siguro umiyak 'to.





"Bitawan mo nga ako." sabi niya ng hawakan ko siya sa kamay. Binitawan ko iyon at ikinulong siya sa mahigpit na yakap.




"A-ano ba." kahit na magalit pa siya sakin, okay lang. Kasi sabi nga nila kapag umiiyak ang isang babae, yakap lang ang katapat niya.




Oo. Umiiyak siya ngayon, sinusuntok niya yung dibdib ko pero mahina lang. Kahit na masaktan ako sa ginagawa niya hindi ko parin matutumbasan yung sakit na nararamdaman niya ngayon.





"Nakakainis ka. Bakit ka ba nagkakaganyan? Akala ko nag bago ka na pero 'yun pala hindi." umiiyak niyang sabi sakin tapos sige padin ang pag suntok niya sa dibdib ko.




"Sachi, i'm sorry." alam ko hindi ganito kadaling huminga ng tawad sa mga nasabi ko sakanya. Sa totoo lang nahihiya ako sa mga pinag sasabi ko.




Tinanggal niya yung kamay ko mula sa pag kakayakap sakanya tapos nakita ko siyang nag bibihis.




"San ka pupunta?" tanong ko at hinawakan siya ulit sa kamay. Tanggalin man niya kamay ko o hindi, 'di parin siya aalis sa bahay na 'to.




"Magpapahangin lang saglit." walang ganang sabi niya at lumabas ng kwarto. Sinundan ko siya at humarang ako sa pinto bago pa man siya tuluyang makaalis.




"Alis." sabi niya at inirapan ako. Ano ba kasi ang mga pinag gagagawa ko sa buhay?




"Walang aalis." alam kong tutol siya sa sinasabi ko pero ayaw ko naman na mang yari ulit yung nangyari sakanya.




Kahit na sabihin pa nung lalaking nagligtas sakanya na hindi niya ginalaw ang asawa ko, hindi parin ako naniniwala. I mean yes, wala siyang proof at sino ba siya para paniwalaan ko? Hindi kami closeㅡhinding hindi kami magiging close.




Huminga siya ng malalim tapos tinitigan niya ako. "Ano bang pake mo?" ewan ko pero nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko na yung pinto dahilan ng pagka gulat niya.



"Siguro nga hindi mo nararamdaman na mahal kita kasi una pa lang hindi ko na pinaramdam sa'yo 'yun. Nung pinagkasundo tayo ng magulang natin na-ikasal tumutol kaagad ako, bakit? Hindi dahil sa ayaw ko. Noong una pa lang hindi ko na maamin na may gusto ako sa'yo at ang dahilan ng ikinagagalit ko sa'yo noon ay ang pag sangayon mo na ikasal tayo." pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Great. Umiiyak na paka ako ngayon.




"Nagalit ako sa'yo kasi pumayag ka ng hindi man lang nag iisip. Hindi mo muna inisip na marami ka pang pwedeng gawin bukod sa pag a-asawa nagagalit ako kasi hindi mo 'yun inisip. Hindi porket mahal mo na ako noon, papayag ka na sa ganung bagay." biglang bumalik lahat sakin yung sakit na naramdaman ko noon dahilan para maitulak ko si Sachi sa pintuan ng malakas. Nag iiba na rin ang tono ng boses ko at nasisigawan ko na siya.




"Mahal din kita, una pa lang. Hindi ko kaagad pinakita sa'yo 'yun kasi gusto kong ma-realize mo na mali yung pinasok mo na mas gusto ko na ang pag tuunan mo ng pansin ay ang future mo. Yung mga nag papasaya sa'yo. Kung iniisip mo na masaya ka ngayon dahil asawa mo na ako, nagkakamali ka. Sa tingin mo ba sobrang ganda ng nangyayari sa buhay natin ngayon?! Yan! Yan ang gusto kong ma-isip mo noon pa! Isipin mo muna yung sarili mo bago akokaming lahat,"



"Ngayon Sachi sabihin mo sakin na wala akong pakealam sa'yo. Sabihin mo!!"



Hindi ko sinasadyang sigawan siya. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Noon ko pa tinatago sakanya ang nararamdaman ko at sobrang hirap nun napaka hirap itago ang nararamdaman mo sa isang tao.




Third Person's POV





Agad na lumabas si Jungkook sa dorm nila at sinubukang pakalmahin ang sarili niya.



Wala kang ibang maririnig kay Sachi kundi ang hagulgol niya. Hindi niya nakayanan ang mga sinabi sakanya ng asawa niya.


Hindi niya alam na ganun pala talaga ang dahilan niya kung bakit sobrang galit na galit siya sakanya noon. Hindi niya aakalain na mahal na siya ng asawa niya, matagal na.



"Ang tanga tanga ko." mahinang sabi ni Sachi sa sarili niya at pinaghahampas hampas niya ang dibdib niya.


Hindi lang rin naman si Jungkook ang may pinag dadaann noon kundi siya rin.


At dahil minsan lang makita ni Jungkook ang pamilya ni Sachi, hindi pa niya ito masyadong kilala. Hindi pa niya kabisado ang ugali ng magulang ni Sachi.



Hindi alam ni Jungkook na matindi ang pinagdaanan ni Sachi noon. Tutol din kasi si Sachi na ikasal siya kay Jungkook pero dahil ang mga magulang ni Sachi ay pinaglulupitan siya, wala na siyang choice kundi pumayag na lang.




'Hindi mo alam ang gagawin nila sakin kapag hindi ako pumayag na makasal sa'yo.' naiisip ni Sachi.



----------------------------------------------

Maraming salamat po kasi 100k reads na ang MBTSJ! Kinikilig ako guys. Thank you po ulit.

게이 👄

[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon