[ 34 ] Worried

2.1K 71 70
                                    

Note: Nahihirapan na ko mag bold ng mga sayings nila hahahahaha i'm too lazy. Ayusin ko na lang soon!

* *

Its been a week since umalis si Sachi papuntang China. Sobrang namimiss ko na siya. Sana kung nasan man siya ay palagi siyang ligtas. Ito ako ngayon, tinetext siya. Umaasa na mag rereply siya kaagad kaso wala eh, ang tagal niya mag reply. Noong mga tatlong araw pa lang siya sa China, nakakareply siya kaagad. Ngayon, hindi na. Ano kayang nangyari dun?

Nandirito ako ngayon sa practice room namin, nakaupo at nakatingin lang sa kisame. Iniisip ko kung kamusta na siya doon. Sana by now, nakakain na siya ng lunch niya. Hay, sobrang miss na miss ko na talaga siya. Hindi ko mapigilan maiyak.

"Pst huy!" tapik sakin ni Jimin hyung kaya agad ko namang pinunasan yung luha na tumulo sa mga mata ko gamit ang t-shirt ko at tsaka ko siya tinaasan ng kilay simbulo ng "Oh, bakit?"

"Umiiyak ka nanaman. *sighs*" Pagkasabi niya niyan at agad akong binigyan ng strawberry milk kaya naman naalala ko bigla si Sachi. Favorite niya eh. Hindi ko maiwasang maluha kaya naman yumuko ako para hindi niya makita na tumulo ulit ang mga luha ko. "Jungkook.." ani Jimin. "Alam mo, ngayon lang kita nakitang nagkaganyan, kasi noon, kapag pupunta siyang China parang mas masaya ka pa yata sa batang binigyan ng candy." dagdag pa ni hyung. Pinapakinggan ko lang siya. Siya kasi talaga yung tao na kapag may problema ka, papagaanin niya ang loob mo hanggat sa makakaya niya.

Naalala ko tuloy kung gaano ako ka-harsh kay Sachi noon. Tama si hyung, noon kasi masaya ako kapag umaalis si Sachi papuntang China. Pano, mawawala sa tabi ko yung babaeng sobrang clingy at iyakin. Iiyak kasi siya kaagad kapag hindi ko pinapansin. Nakakairita diba. Pero ngayon, iba na. Ako na ngayon ang iyakin samin. Ganito siguro talaga kapag mahal mo ang tao.

"Ngayon lang rin kita nakitang mag mahal ng ganyan.." natatawang sabi ni Jimin hyung kaya naman tinignan ko siya ng masama kahit pa may mga luha na sa mga pisngi ko. "Si Sachi talaga ang para sayo, no? Kasi kung maaalala mo noon, kung sino sino mga tinutukso naming babae sayo diba? Hindi sa nanglalait ako pero-"

"Pero oo, mas maganda kay Sachi yung mga tinutukso niyo saakin." pangunguna ko sakanya. Tumawa naman siya at nag sign na 'lagot ka Jungkook, ikaw ang may sabi niyan.' Natawa naman ako kay hyung. The best talaga siya. Pinunasan ko yung luha ko sa mga pisngi at umayos ng upo.

"Miss ko na rin baby girl namin." malungkot na sabi ni hyung. "Wala kaming ma-pagtripan ngayon. Wala rin nag dadala ng lunch natin. At wala na ring sasalubong satin sa umaga ng "Good morning BTS!" natawa naman ako sa sinabi ni hyung kasi alalang alala ko pa kung pano kami batiin ni Sachi sa umaga ng ganyan. Nakakatuwa kaya kasi super cute niya!

"Batiin mo naman kami sakanya oh." tinignan ko siya tas ngumiti ako sakanya at kasabay na doon ang pagbuhos nanaman ng mga luha ko sa aking mata. "May problema ba kayo?" tanong niya.

Uminom ako ng strawberry milk na binigay niya at tsaka nag buhos ng sama ng loob na nararamdaman ko. "Meron. Meron ata? Kasi hindi na siya nag paparamdam sakin, ilang araw na. Hindi naman ako nag kulang na i-text siya araw araw, kapag break natin at bago matulog. Hindi ko rin naman nakakalimutan mag I love you sakanya at mag I miss you, pero bakit kaya hindi na yun nag rereply? Hindi ko na tuloy alam kung anong nangyayari sakanya dun.." nag punas ako ng luha gamit ulit ang t-shirt ko tapos inakbayan naman ako ni hyung at hinihimas right shoulder ko. "Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sakanya o ano, pero sa tingin ko naman wala akong ginagawang masama eh. Hindi ako nang bababae, nakikipag usap sa mga babae o kung ano pa man dapat ika-selos o ika-galit niya. Wala talaga hyung, promise." ngawa ko kay hyung sa balikat niya at napayakap na ko sakanya ng sobra.

"Shh, miss ka na rin nun, Kookie and I'm sure na mahal na mahal ka padin niya. Wag ka na mag alala, malay mo busy lang at pagod." sabi niya sakin at hinagod hagod ang likod ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon