[ 19 ] Jelly Husband

8.9K 260 58
                                    

"Magbibihis lang ako tapos susunod na ako, promise." Paano naman kasi 'tong si Yeobo excited masyado mag swimming eh hindi pa ako nakabihis, ano. Naka pang alis pa kaya ako na damit. Paano kasi 'tong si V oppa nagyaya na pumunta raw kami sa resort niya tutal naman daw na may tatlong araw silang libre kaya naman pumayag na ako. OP nga ako kasi ako lang babae dito pero dibale na as long as I'm with my yeobo. Aye! Kinikilig nanaman ako nung naalala ko yung ginawa niya sakin nung New Year. Kainis siya ahh! Kissing monster na kaya siya.



Matapos akong magbihis ay dumeretsyo ako sa labas. Ang sarap ng simoy ng hangin dito at isa pa ang ganda dito. Ang yaman naman nila V kasi may ari sila ng isang napakagandang resort dito. Grabe hanga na ako makalaglag panga naman kasi ito. "Hi, Chi!" Napahawak ako bigla sa dibdib ko.

"Ayy maganda ka!" Paano kasi ginulat ako. Ayoko kaya ng ginugulat ako kasi feeling ko aatakihin ako ng wala sa oras. Mahilig kasi ang isang 'tong mangulat kapag ako gumanti ha. Noong una kasi sinubukan kong gumanti sakanya tapos ako parin ang nagulat ang galing diba? "V oppa, nakakagulat ka naman." Tumawa naman siya. Tigan mo 'to tinawanan lang ako.

"Magugulatin ka talaga kaya kita nagustuhan eh." Sa sobrang lakas ng hangin at aklon hindi ko na narinig ang sinabi niya. "Ha?"



"Wala. Grabe Chi sobrang bingi mo" Wow ha ako pa bingi ngayon eh sadyang hindi ko lang naman narinig yung sinabi niya dun sa hangina at alon, ano!



"Ang ganda naman dito" Simula ko ng umikot ikot kami dito sa resort nila. Sabi pa nga niya 'safe house' daw nila 'to sa mga fans nila.


"Parang ikaw" Sagot niya tapos tumawa ako. Weh ha lakas naman mambola nitong lalaking 'to. Naku kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan pagkakamalan ko na 'tong may gusto sakin.




Ay nga pala, meron siyang gusto sakin. Malay niyo naman diba na wala na 'yun? Malay lang pero sana hindi kasi maapektuhan yung pagkakaibigan nila ni yeobo, diba?



Nag ikot ikot kami uli tapos naupo kami sa sand. Nag drawing ako ako dun at siya rin. Tinignan ko yung drawing niya. "Pfft" pag pigil ko sa tawa ko grabe naman kasi yung drawing niya harassment ang ginawa sa buhangin eh. "Oyy ano ba cute kaya" Isang malaking weh. "Cute?! HAHAHAHAHAHAHA Hindi kaya! Ang pangit" Totoo naman kasi ano. Hindi naman talaga maganda yung pagka drawing niya eh. Fish siya pero mukhang manok na ewan ang gulo.




"Ok lang na pangit ang drawing ko. Pero gumaganda naman ang mundo ko kapag kasama ka" teka dami kong tawa dun ah. Sira ulo talaga 'tong si V oppa mema banat lang.








"Eh?" yan na lang nasabi ko at nagpatuloy sa pag ddrawing.






Bigla niya na lang akong binuhat na para kaming bagong kasal at hinagis ako sa tubig. Nakaramdam ako ng sakit sa may pwet-an ko pero ayos lang kasi masaya naman. "Ahh! Kainis ka!" Maktol ko at pilit na hinahabol siya. Ish ang lamig ng tubig.







Ngayon ko lang napagtanto na mahirap pala talaga tumakbo sa tubig. Aminado akong baliw talaga ako. Tawa lang siya ng tawa habang tumatakbo palayo sa'kin. "Pag nahabol kita lagot ka!" sigaw ko. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa maabot ko yung dulo ng damit niya.






"Huli k---AAAAAH" Mahuhuli ko na dapat siya eh ang kaso winisikan niya ako ng tubig. Aba't siyempre hindi ako magpapatalo kaya naman winisikan ko din siya pabalik.








Puro tawanan, sigawan, habulan lang ang ginagawa namin dun napatigil na lang kami ng may nagsalita sa gitna ng masayang paglalaro namin. "Ang sweet niyo naman"






Sabi niya pero iba ang tono ng boses niya yun bang sobrang lamig na medyo may pag ka-inis. Hinila niya ako at inakbayan. "Nag enjoy ka ba kasama ni hyung?" Tanong niya sakin pero hindi siya nakatingin sakin kung hindi kay V oppa.








"H-Ha?" Bigla siyang ngumiti pero halata naman na pilit lang ang mga ito.






"Narinig mo ko!" matigas niyang sabi. "Ikaw hyung nag enjoy ka ba kasama ng asawa ko?"








"Oo naman, sobra." Nakangising sabi nito at nagpaalam. "Sige Chi, mag pa-tuyo ka na muna baka magkasakit ka" At tuluyan na siyang umalis.







Kinakabahan ako. Baka galit sakin si Yeobo. First time ko lang siya makitang ganito eh. Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at inabutan ako ng towel.







"Sa susunod kung gusto mo nang kalandian tawagin mo ko. Asawa mo ko dapat ako ang binibigyan mo ng atensyon hindi siya" At tsaka niya ako iniwan.




***





"Kakain na" tawag sakin ni Jimin oppa. Nandito kasi ako sa sala at naglalaro ng phone. Wala naman akong magawa kasi ang boring kaya wala pang kumakausap sakin.




Matapos ng paguusap namin ni yeobo hindi niya na ako pinansin. Feel ko talaga na galit siya saakin eh. T___T






Nagseselos ba siya? Siguro hindi naman. Kuya ang tingin ko kay V oppa, ano.







Sinundan ko si Jimin oppa at umupo na para kumain pero bago 'yon nagdasal muna kami. Katabi ko ngayon si yeobo pero hindi niya ako iniimik ni tingin nga hindi niya magawa.






Ish. Lagot ka, Sachi.






"Sa susunod kung gusto mo nang kalandian tawagin mo ko. Asawa mo ko dapat ako ang binibigyan mo ng atensyon hindi siya"



"Sa susunod kung gusto mo nang kalandian tawagin mo ko. Asawa mo ko dapat ako ang binibigyan mo ng atensyon hindi siya"



"Sa susunod kung gusto mo nang kalandian tawagin mo ko. Asawa mo ko dapat ako ang binibigyan mo ng atensyon hindi siya"





WAAAH grabe naalala ko nanaman yung sinabi niya. Ano bang ibig sabihin niya dun? Ayaw niya ba akong nakikipag laro kay V oppa? Arte naman niya. :3







"Oh Chi ayos ka lang?" Bumalik ako sa sarili ko ng may nagtanong sakin. Si Jin oppa.









He's so gwapo. "H-Ha? Opo" Sagot ko at kumuha na ng kanin. Ang sharap ng ulaaaam. Well actually ang daming ulam pero beef steak ang pinaka gusto ko. Aye!






Kukunin ko na sana yung plato ng beef steak ng biglang hinawakan ni yeobo at ni V oppa ng sabay 'yon. "Paborito mo 'to diba?" Chorus pa nilang sabi.





Hindi ko magawang umimik. Parang may something na ewan sakanila. Ugh! "Ayy Chi, diba eto ang gusto mo?" Binigay sakin ni J-Hope bestfriend-oppa yung fish fillet. Nagets ko na rin yung ginawa ni J-Hope oppa siguro pangsalo lang yung ginawa niya. Thanks to him.




Nakwento ko na rin naman sakanya yung nangyari kanina. Haays!





Matapos kaming kumain ay agad akong dumiretso sa kwarto namin ni yeobo. Pinag isa kasi ang kwarto namin dito eh. Ewan ko ba kung bakit! :3








Naghilamos ako ng mukha at nag toothbrush. Nag pprepare ako kasi matutulog na ako. Paglabas ko ng banyo nagulat ako ng may nag back hug sakin.


O____O


"V o-oppa?"



----------------------------------------------

Wie-boom!

- 게이 👄

[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon