Chapter 20

2.3K 62 1
                                    

Third Person's POV

2 months ago...

Merong mahigit kumulang sa sampu na mga kalalakihan na parang mga ninja ang dumako sa isang lumang building. Ang building na iyong ang nag mimistulang hideout ng BlackF...ang BlackF ay ang pumapangalawa sa pinaka magaling sa pakikipag patayan at nangunguna naman ang Queen, isa rin sila sa mga taong gustong patumbahin ang Queen they are consist of 5 members at ni isa ay wala pang nakakakilala o nakakita man lang sa kanilang muka dahil kung sila ay pumatay, lagi silang nakasuot ng pulang maskara na kalahati lang ng muka nila ang natatakpan.

Nang makapasok na sila dumiretso kaagad sila sa secret underground ng building na yun. Dun nila natagpuan ang BlackF,sila ay pumunta lamang sa building na ito upang ma report nila ang kanilang mission

"King..naiturok na namin sa kanya ang Athlex" saad ng isang lalaki na syang nag sisilbing pinaka pinuno ng kanyang mga kasamahan. Sa kwartong iyon dun naka tambay ang BlackF, ang tinawag na King nung lalaki ay prente lang nakaupo sa kanyang upuan at habang ang ibang miyembro naman ng BlackF ay nakahilata lang sa sofa

"good..maari na kayong umalis" maikling saad nya bago sila nag siaalisan

"hey King what are we gonna do now?...now that she lost her memory?" tanong ng isang lalaki na blonde ang buhok.

"lets just wait for the right time" saad nya habang naka ngisi, at tumingin lang sa kawalan ng matalim

Eunice's POV

Naiilang ako sa titig nung babaeng kaka pasok lang dito, dahil hanggang ngayon di parin sya umaalis sa pwesto nya at naka titig parin sakin. Tinawag nako ng teacher namin at sinen nyasang umupo na, sinunod ko naman ang sinabi nya. Tinawag nya narin yung babaeng kaka pasok lang at pinaupo na rin ito. Hindi ko alam pero nakatitig parin sya sakin habang nag lalakad papalapit sakin.

Teka sakin?!..

Dumiretso sya ng lakad hanggang sa huminto sa gilid ko at sumulyap sakin hindi rin iyon nagtagal at nilagpasan nya nako..akala ko naman kung ano. Pero ganun nalang ang pag ka bigla ko ng umupo sya sa likuran ko. Umayos nalang ako ng upo at nakinig nalang

"okay class mag kakaroon tayo ngayon ng seating arrangement based on your surname we will start from Mr.Aoki..." pumunta kaming lahat sa harapan dala dala ang mga gamit namin nag umpisa na si Ma'am mag tawag. Buti nalang hindi pa permanent yun. Actually ayoko talagang mapalapit sa babaeng yun because i feel weird around her katulad nung nangyari kanina, biglaan nalang sumakit yung ulo ko nung nakita ko sya.

"next is Ms.Canory..." binitbit ko na yung bag ko at dumiretso na sa upuan ko maganda rin pala tong pwesto ko dahil malapit sa bintana "...and to be followed by Ms.Candelaria" mukang babae ang makakatabi ko. Pero nagulat ako nung naupo sa tabi ko yung babaeng wagas kung maka titig sakin. Tumingin sya ng konti sakin at ngumisi

"Hello I'm Precious Diamond Candelaria nice meeting ya" inilahad nya sakin yung kamay nya at ngumiti sakin, ngiti ba yun o ngisi?Tinanggap ko yung kamay nya at nakipag shake hands. I better make friends muka rin naman syang mabait

"Hi I'm Victoria Eunice Canory" maikli kong pag papakilala sa kanya at ngumiti ng matamis. Wow parang biglang gumaan yung pakiramdam ko sa kanya ah. Bigla namang nanlaki yung mata nya ng nag pakilala ako isinawalang bahala ko nalang yon at tumingin na sa guro namin.

Nakinig lang ako sa teacher namin at minsan nag ta-take down ng notes. Nag ring ang bell hudyat na recess na nag paalam na ang guro namin at nag silabasan na yung iba kong classmate inayos ko na ang mga gamit ko at dinukot sa bulsa ang cellphone ko ng mag ring ito. Bigla namang nag ning ning ang mata ko ng tunatawag si Master

"master!"

"hey kamusta ang klase?"

"okay lang naman medyo hindi ko naintintindihan ang lesson dahil puro tungkol sa baril ang pinag aralan namin"

"im in the cafeteria meet me here, may sasabihin ako sayo"

"okay"

Binaba ko na yung tawag at dumiretso na sa canteen tiningnan ko si Diamond at wala na sya don ako nalang pala ang naiwan dito sa klase. Nang makarating ako sa canteen namangha ako sa itsura nito ang galante naman siguro ang mahal na binyad ni master na tuition fee dito. Iginala ko ang paningin ko ng makit ko na yung taong hinahanap ko pumunta nako sa table na yun

"Ma---I mean Mikylo!" muntik na ko don ah baka may makarinig samin. May lumapit samin na waiter at binigyan kami ng menu

'putanghamnida?!meron neto dito?school to di to restaurant'

"can i take your order?" magalang na tanong nito tumingin ako kay master at binigyan nya ko ng isang umorder-ka-na-look kaya kinuha ko na yung menu at umorder. Sa totoo lang ang dami kong inorder mga nasa 7 ata yun ang dami kasing pwedeng pag pilian. Buti nalang libre pagkain dito

"so mag kwento ka naman" sabi nya at itinukod nya yung isang kamay nya sa table pero agad agad nya rin namang inalis yun at sumandal na sya sa upuan. Kinuwento ko sa kanya lahat lahat hindi ko pinalagpas bawat detail sa kanya

"tapos bigla nalang may babaeng nang istorbo sa pag papakilala ko biruin mo pinag handaan ko pa naman yun kagabi. Pinaractice ko pa ngayon sa harap ng salamin eh at kinabisado ko pa yun kung anong mga sasabihin ko" tinaas ko yung kamay ko na parang bata dahil sa kakangiwi ko

He chuckled then may binulong sya "cute" pero hindi ko yon narinig

"ano yun ma---mikylo? Di ko narinig" saad ko sa kanya

"guni guni mo lang yun" sabi nya

Saktong dumating na yung pag kain namin dahil gutom na gutom na talaga ako tiningnan ko yung mga naka handa sa table spaghetti,tart,cake,carbonara,beef,kanin,menudo. Mukang mabubusog ako neto ah

"Mikylo kumain na tayo" pang aalok ko sa kanga inilahad ko sa kanya yung tart, pero ibinalik nya lang ito sakin

"okay lang ako basta nakikita kong kumakain ka nabubusog narin ako" sabi nya habang nakangiti ng bahagya. Nag blush ako sa sinabi nya. Takte ang landi lang stop stop. Binaliwala ko nalang yung sinabi nya.

Akmang susubo nako ng bigla nyang hinampas yung kamay ko at tumilapon yung kutsarang hawak ko kasama nung pagkain

"B-Bakit?" kinakabahang tanong ko. Bigla nya nalng tinapon yung mga pagkain sa lapag at hinawakan nya ako sa braso at hinigit

"M-Mikylo what's wrong?" hanggang ngayon kinakabahan parin ako kung bakit bigla na lang syang nag kaganon

"Fuck!..may lason yun..Eunice..muntik ka ng malason" bigla naman akong natakot sa sinabi nyang yun..

Pano kaya kung nakain ko yun?

__________________________

_RinRinx_

Mga besh uso mag comment..opinion nyo guys T_T

The Queen Of All ✔ Where stories live. Discover now