Epilogue

51.6K 1.3K 261
                                    

Heera's POV

Limang taon ang lumipas...

*

*

*

Napangiti ako habang tinatanaw ang paglabas ng panghuling pasyente ko na nagpa-check up sa aming clinic ngayong araw.

That's all for today!

Nag-stretch ako ng katawan bago tuluyang tumayo.

It's been five years now simula nang buksan ang clinic na pinagawa ni Leandrie.At sa loob ng panahon na iyon ay mabilis ding nakilala ang aming clinic.

Halos araw-araw ay hindi kami nawawalan ng pasyente.So,buong maghapon akong abala sa trabaho.

Naantala ang aking paghakbang palabas ng maindoor nang matanaw kong nakapila sa labas ang mag-aama ko habang sakay ng kanya-kanyang bisekleta.

Ano 'to?magkakaroon ba ng bike racing dito?

Gusto kong matawa dahil sa nakita..kasi kung tutuusin walking distance lang naman ang layo ng clinic pauwi sa bahay.

But look at them four!talaga namang wala ng magawa sa buhay at pagbi-bisekleta nalang ang inaasikaso.

Natuon ang aking atensyon kay Leandrie.

Hindi maipagkakaila ang kanyang kakisigan.Kapag pumapasok nga sya dito sa clinic ay talagang nakakaagaw pansin sya ng mga babae.

Sya itong pinagtitinginan..tapos ako ang sesermunan nya!

'Next time,hwag na hwag kang tumanggap ng pasyenteng lalaki!kasi sa napapansin ko hindi naman sila pumunta dito para magpa-check up...pumunta sila rito para magkaroon ng pagkakataon na magpahawak sa'yo at titigan ka sa malapitan!'

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang maalala ko ang araw na yun.

'Lean naman...nagpatayo ka pa ng sariling clinic mo kung ganyan din naman ang policy na ipapatupad mo.Unfair naman yan...paano nalang kung may pasyenteng lalaki na nangangailangan ng tulong ko?kawawa naman at hindi maisugod dito.'

Ang lalaki pala kapag napatuon na sa'yo ang buong atensyon ay masyado ng nagiging possessive at seloso.

'Ayoko lang naman kasi na may hinahawakan kang iba,Heera..'

Maramdaman mong mahal ka nila at pinapahalagahan kapag ipinagkakait ka nila sa iba. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil ganyan na si Leandrie sa akin ngayon.

'Akala ko ba si Dino lang ang pinagseselosan mo...bakit nasali na pati pasyente ko?'

'Natatakot kasi ako na baka ipagkumpara mo ako sa kanila.Ayokong isipin mo na mas guapo at macho sila kaysa sa asawa mo!'

Katulad din ng mga babae..masyado silang sensitive.Ayaw nilang inaapakan ang kanilang pagkalalaki.

'Bakit Lean?wala ka bang tiwala sa akin?minsan ba ay napag-isipan mo din ako ng masama?'curious kong tanong.

'Hindi ikaw...kundi wala akong tiwala sa mga tarantadong iyon!'

'Bakit?'tanong ko ulit.

'Anong bakit?'

'Bakit ni minsan hindi mo ako napag-isipan ng masama?'

Hinawakan nya ang aking mga kamay  bago nya ako marahang dinala sa kanyang dibdib.

'Because i knew..wala kang katulad...you are the only one,Heera.My precious loyal wife!'

Ngayon,lagi na nya akong nararamdaman.

The Loyal Wife Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ