Chapter 23

39.4K 689 174
                                    

Heera's POV

Kinabahan pa ako nang biglang tumawag sa aking cell phone ang Papa ni Leandrie.May problema kaya?

"Hello,Papa?"nang sagutin ko ang tawag.

'Kamusta na kayo ng mga bata,Heera?'

"Mabuti naman po,Papa...kayo kamusta na po kayong lahat dyan?"

Napalunok ako ng mariin.Ngayon na may alitan kasi kami ni Leandrie ay nakalimutan ko narin na tumawag man lang sa kanyang pamilya.

'Heera anak...alam kong kalabisan na ito para sa'yo....pero pinapakiusapan kita.We need Leandrie here...tinawagan ko sya at pinapauwi dahil napapabayaan na nya ang hinahawakang negosyo...but he told me that,na ayaw na nyang bumalik dito...gusto nyang manatili dyan na kasama kayo.Bakit Heera?napagdisisyunan mo na ba na hindi na uuwi dito sa Manila?'

Napakunot ang aking noo.Me and Leandrie were never talk since na tumunton sya sa pamamahay na ito.How come na nalaman nya ang tungkol sa disisyon ko?

"Sige po,Papa...kukumbinsihin kong pauwiin si Leandrie as soon as possible!"

Napatitig ako sa hawak kong phone matapos mawala mula sa kabilang linya ang Papa ni Leandrie.

Lagi nalang bang ganito?wala nalang silang ibang inaasahan kundi si Leandrie!

Paano mapatuon sa amin ang kanyang buong atensyon kung tawag ng tawag ang kanyang pamilya tulad nito?

Pakiramdam ko parang wala ng sariling disisyon si Leandrie.Ang lagi nyang iniisip ay kung paano mapalago ang negosyo ng kanyang mga magulang.

Noon pa labag na sa aking kalooban ang ganitong sitwasyon pero wala nalang akong ibang nagagawa kundi ang manahimik..kundi ang pabayaan sya na sunod ng sunod nalang sa disisyon ng kanyang mga magulang at kapatid!

Pakiramdam ko ay hindi ko na talaga kayang i-handle ang ganitong samahan.

I think...it's better to let him go!

Mabibigat ang mga paa na tinungo ko ang guests room na kung saan naroroon si Leandrie.

Malakas akong kumatok sa may pintuan at ilang segundo pa ang lumipas ay bigla nalang iyon bumukas.

Mukhang gulat na gulat pa si Leandrie nang mabungaran nya ako sa labas ng pintuan.

"Heera..."

"We need to talk."walang kaemo-emosyon kong sabi.

Niluwangan nya ang pagkakabukas ng pintuan.

"Come inside.."malamlam nya akong tinitigan sa aking mga mata.

Pumasok ako sa loob at humarap sa tokador para maiwasan kong titigan ang kanyang mukha pero wrong move,nakita ko sa salamin ang repleksyon naming dalawa..nasa likuran ko si Leandrie at walang kurap na nakatitig sa akin sa kaharap kong salamin.

"Bumalik kana sa Manila.Wala din namang mangyayari kung manatili ka dito..."iniyuko ko ang aking ulo at nilaro-laro ng aking daliri ang sariling kuko.

"Ganyan lang kadali para sa'yo na ipagtabuyan ako?"puno ng pait ang kanyang boses.

"Leandrie,kailangan ka ng mga magulang mo!hwag mong sirain ang pangalan ko sa pamilya mo kung bigla nalang maapektuhan ang negosyo nila..ninyo...dahil sa pananatili mo dito!"

"Mga magulang ko?kayo ang pamilya ko,Heera!ikaw...yung twins at yang anak ko na nasa sinapupunan mo!kaya walang sinumang pwedeng magdikta sa akin kung saan at kanino ako mananatili...dahil isang daang beses mo man akong ipagtulakan palayo babalik at babalik din ako sa piling mo..sa piling nyo ng mga anak ko."

The Loyal Wife Where stories live. Discover now