Chapter 1

48.8K 919 222
                                    

Heera's POV

Nakatulala lang ako habang nakasalampak sa carpeted na sahig at nakasandal sa gilid ng sofa ang aking likuran.

Ngayon ko lang naisip na wala palang mas hihigit pa sa sakit kapag natuklasan mo na ang totoo.

Kung noon,halos mababaliw na ako sa kaiisip para maghanap ng rason kung bakit ang lamig ng kanyang pakikisama sa akin,ngayon naman ay naging malinaw na sa akin ang lahat.

"Ouch!"

Napahawak ako sa aking noo nang bigla nalang lumipad sa aking pwesto ang bola na nilalaro ng kambal.Tinamaan ako sa aking noo dahilan para bumalik ako sa totoo kong mundo.

Nagsiragasa ang maraming luha mula sa aking mga mata kaya naman ay tarantang napalapit sa aking kinauupuan sina Sharyl at Shady.My son and my daughter.Our five years old twins.

"Mommy,are you okay?"worried na tanong ni Shady habang nakaluhod sa aking harapan.

"Ikaw naman kasi,Shady!sabi nang slowly lang!"singhal naman ni Sharyl habang maagap na pinunasan ang maraming luha na lumandas sa magkabila kong pisngi.

Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang mapagmasdan kong mabuti ang mukha ng mga anak ko.

They don't even deserve of having a broken family!

Hindi ganito ang gusto kong mangyari...hindi....

Napapailing ako habang hawak ang kanilang tiny hands.

Wala pa silang kamuwang-muwang sa mundo.Ayokong maapektuhan ang kanilang paglaki dahil lamang sa magiging broken family sila!

"I'm okay...hindi ako nasaktan sa tama ng bola.."

Nasaktan ako sa ginawa ng Daddy nyo.Paano nya nagawang ipagpalit tayo sa iba?Hindi pa ba sya kontento sa piling natin?

Hindi ba nya inaalala ang kapakanan nyo?okay lang naman ako,kaya ko pa namang magtiis at magkunwari...pero ayokong pati kayo ay masasaktan dahil sa kagagawan nya!

"Then..why are you crying?"tanong ni Shady habang nakatingala sa aking mukha.

Kumurap ako bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.Pilit kong nginitian ang dalawa bago ako sumagot.

"Hindi umiiyak si Mommy,napasukan lang ng buhok ang aking mga mata nung tamaan ako ng bola kanina..pero okay na ako ngayon."

Kung bakit kasi ginawa na nilang basketball court ang loob ng living room namin.Hayan tuloy..ang aking noo  ang nagiging  basketball ring.

Marahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago ako tumayo,naantala nga lang nang biglang nagpalambitin sa aking leeg si Shady.

Alam ko na ang ganitong gesture...maglalambing na naman ito sa akin.

"Mommy,gusto ko ng cake!"

See?kilalang-kilala ko na talaga ang ugali nitong baby boy ko.

"Okay...magbi-bake ako  ng cake para sa inyong dalawa."

Tuluyan na akong tumayo habang karga si Shady.

"Shady!you're a big boy already!!hwag ka ng magpakarga kay Mommy!"Sharyl  reacted habang nakabuntot sa aking likuran.

Sa kanilang dalawa?Si Sharyl  ang matinong mag-isip...samantalang sya yung babae.

"Malas mo wala kasi si Daddy kaya walang mag-piggyback sa'yo!"pang-aasar ni Shady sa kanyang kapatid.

Parang piniga ang aking puso dahil sa narinig.Sa kanilang dalawa,si Sharyl ang malambing sa kanilang Daddy.

Kagaya nga ng sinabi ni Shady ngayon...totoo iyon.Kapag nasa bahay ang kanilang ama,panay ang pangungulit ni Sharyl sa kanya.

Kaya kung mayroon mang laging naghahanap sa kanya at nagtatanong..si Sharyl iyon.

"Sabi ni Daddy,uuwi daw sya ngayong araw...tumawag ba sya,Mommy?"

Muntik na akong matisod sa tanong ni Sharyl sa akin.Ibinaba ko muna sa may dining chair si Shady bago ko binalingan ang baby girl ko.

"Hindi sya tumawag anak..pero hintayin mo nalang....diba kapag nangangako sya sa'yo ay tinutupad naman nya?"pang-aalo ko kay Sharyl.

"Yes po!pero tatawag naman po sya,Mommy kung hindi sya makakauwi,diba?"

Tumango lang ako at mabilis na ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin.

Hindi ko alam kung paano ko panatagin ang aking kalooban ngayong alam ko na ang gawain ng kanilang ama.

The reason why kung bakit hindi sya regular na umuuwi at ang tanging rason nya ay dahil hectic ang schedule sa work...na buong puso ko namang pinapaniwalaan yun pala ay puro kasinungalingan.

The main reason behind that...mayroon syang ibang kinalolokohan.

Kung sino man ang maswerteng babae na kanyang kinahuhumalingan ay wala na akong balak na alamin pa!

For what?para magmakaawa na lubayan nya ang aking asawa?

Dito ko nalang susukatin ang aking halaga kay Leandrie.Hahayaan ko nalang sya hanggang sa sya na mismo ang magsasawa sa kanyang panloloko sa akin.

Time will come...magbabago din sya.Sana,ma-realize nya na kami parin ng mga anak nya ang  importante sa buhay nya.

At sana kaya ko paring magtiis at magkunwari katulad ng dati...noong wala pa akong alam tungkol sa panloloko nya sa akin.

☆☆☆

Leandrie's POV

Nagkakatuwaan ang barkada habang nag-iinuman kami dito sa private suite ng hotel na pag-aari ng aking pamilya na syang  ipinagkatiwala sa akin ni Papa.

"So,dude..saan ka uuwi ngayon?sa family number one?or family number two?"

Napuno ng tawanan ang apat na sulok ng kwarto dahil sa tanong ni Roa.Napangiti narin ako,maliban kay Heera...alam ng aking mga barkada ang tungkol sa lifestyle ko.

"Nakakatuwang panoorin ang family number one mo,Lean!'twing umaga kapag weekend ay nakagawian ko nang dumungaw sa may bintana ng aming bahay just to take a look for them three while riding a bike.Ang ganda ni Heera,how i wish na magkaroon ako ng asawa na katulad nya!"

Unti-unting nawawala ang ngiti na kanina ay nakapuskil sa aking labi nang marinig ang segundang sabad ni Sam.

Nasa iisang compound kasi ang kinatitirikan ng aming villa at ang bahay nina Sam.Kaya hindi talaga maikukubli kung mag-iikot ang sinuman na nakatira doon.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.Parang hindi maganda sa aking pandinig na ina-appreciate ng iba si Heera.

Gaano na ba katagal na hindi ko sya napagtutuunan ng pansin?

Marahan kong naibaba ang wine glass na aking hawak.Para akong natauhan dahil sa narinig.

Ngayon ko lang naisip na malaki na pala ang naging pagkukulang ko sa aking asawa.

Alam kong malaki akong gago!pero kahit na mayroon akong ibang babae ay wala sa aking bokabularyo na hiwalayan si Heera.

And i love my adorable twins...

Bigla akong natigilan nang maalala ko ang aking mga anak.

Fuck!

Muntik ko nang makalimutan ang pangako ko sa baby girl ko.

Pagkalabas ko mula dito mamaya...buo na ang aking pasya.Uuwi ako sa totoo kong tahanan.

☆☆☆

The Loyal Wife Where stories live. Discover now