Chapter 5

36.5K 760 298
                                    

Leandrie's POV

Napa-facepalm nalang ako nang wala sa oras habang sinusundan ko ng tanaw ang pag-akyat ni Heera sa may hagdan.

What's wrong with her?

Hindi ba nya alam na halos nawawala na ako sa sarili habang inaantay sya buong magdamag?Tapos text message lang ang mare-receive ko para ipaalam sa akin na hindi sya makakauwi?

Ganoon ba kahirap para sa kanya na tawagan ako?Sa inis ko natapon ko tuloy ang aking cell phone kagabi kaya basag iyon nang bumagsak sa sahig.Kailangan ko na namang bumili ng panibagong phone nito.Damn!

Hindi ko alam kung bakit labis kong nami-miss si Heera.Hindi naman ako ganito dati.Parang bumabalik ang pagkasabik ko sa kanya katulad ng bago pa kaming ikinasal.

Pero anong nangyari?Hindi ako tanga para hindi maramdaman na iniiwasan nya ako.

Hindi na ba nya ako mahal?May iba na ba syang gusto?fuck that realization.

Sobrang disappointment ang nararamdaman ko nung pag-uwi ko noong nakaraang araw ay hindi man lang nya ako binigyan ng pansin.

Hindi ba nya alam kung paano nya binuhay ang aking pagnanasa nang mabungaran ko sya sa ganoong ayos?

Inaasahan kong sugurin nya ako ng yakap at kintalan ng halik sa pisngi katulad ng palagi nyang ginagawa pero never nyang ginawa na syang labis kong ipinagtaka.

Buong gabi akong gising sa kaaantay sa kanya pero ni hindi man lang sya natulog sa loob ng aming silid na kasama ako.

What's wrong with my wife?

Dagdag pa ang Dino na yun na sa simula palang ay kinaiinisan ko na!Sa lahat ng tao sa mundo ay bakit ang lalaking iyon pa ang nagiging bestfriend nya?

Haist!sumakit tuloy ang ulo ko!!

See?masakit ang ulo ko!pero natanong ba nya kung kamusta na ako?mabuti pa ang mga pasyente nya doon sa loob ng hospital na iyon ay hindi nawawala sa kanyang isip ang pag-aalala!

Eh ako na asawa nya?may pakialam ba sya?wala!wala!!

"Daddy!kakain na tayo dahil nagugutom na kami!!!"

Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ang boses ni Sharyl.Shit!nagugutom na ang mga anak ko...bakit nga ba nakatayo pa ako dito?

*

*

*

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala nang hindi  parin nagigising si Heera.Maggugumabi na at ni hindi parin sya nakakain ng pananghalian.

Tinungo ko ang guests room na kung saan doon ko sya nakita na pumasok kanina.Pero gusto kong mapamura ng paulit-ulit nang pihitin ko ang doorknob at napag-alaman kong lock iyon.

Kailangan ba talagang i-lock nya ang pintuan kapag nasa loob sya ng silid?

Ganito ba talaga sya dati pero ngayon ko lang napansin?

Anong nangyayari sa asawa ko?bakit sya nagbago ng ganito?

Mabilis kong tinungo ang silid namin para kunin sa drawer ang duplicate key ng silid.Kailangan kong mabuksan ang pintuan para mahatiran ko sya ng pagkain.

Napabuntong hininga  ako matapos kong maihanda sa tray ang pagkain ni Heera.

And what happening to me?magigising naman sya ah!so,bakit kailangan ko pa syang hatiran ng kanyang pagkain sa loob ng silid?

Ganito na ba talaga ako ka-sweet?

Marahan kong binuksan ang pintuan at muntik ko nang mabitawan ang hawak na tray nang mapadapo ang aking mga mata sa makinis nyang binti.

The Loyal Wife Where stories live. Discover now