Chapter 25

38.6K 671 148
                                    

"Tsaran!"

Matinis na boses ni Sharyl ang pumuno sa loob ng sala habang karga-karga sya ng kanyang Daddy at hawak naman nito sa kaliwang kamay ang isang platito na may lamang cake.

"Mommy,sabi ni Daddy ikaw daw ang unang titikim nito!"

Ibinaba muna ni Leandrie si Sharyl bago sya nagsquat seat sa aking harapan.

Nagkalat na naman kasi sa kusina ang tatlo this afternoon.Gagawa daw sila ng meryenda at heto nga nag-bake pala ng cake.

"Can you taste it for me?"

Nakangiti nyang dinampot ang tinidor pero ni hindi pa nga nya naisusubo sa akin ay bigla nalang itong inagaw ni Sharyl mula sa kanyang kamay.

"Ako na ang magsubo kay Mommy,Daddy!"

Napatawa nalang ako nang mapakamot nalang sa kanyang ulo si Leandrie gawa ng baby girl namin.

"Say ah,Mommy!"baling nya sa akin na maagap ko namang sinunod.

"How's the taste?"nag-puppy eyes pa si Leandrie.

"Hmmm...sobrang matamis yata."

It's true...nadamihan yata nila ng asukal.

"What!?"

Tarantang tinikman ni Leandrie ang natirang cake sa loob ng platito.

"Oh god!twins,you ruin my cake!"

Tumaas ang kanyang boses matapos malasahan ang cake habang pinaglipat-lipat ang paningin kila Sharyl at Shady.

"It wasn't me,Daddy!nakita ko si Shady kanina na binuhusan nya ng sugar ang lalagyan mo ng flour nang saglit kang tumalikod!!"

So,that's the reason why...

"I'm sorry,Mommy!I'd better to bake a new one for you right away...sinira ng twins ang cake na pina-bake mo..."napakamot pa sa ulo si Leandrie habang nagbibigay paliwanag sa akin.

Gusto ko tuloy matawa na ewan...

"Hwag na...ang importante hindi asin ang ibinuhos ng anak mo,kaya lasang cake pa din yan..."

Biglang lumiwanag ang kanyang mukha.

"Are you sure?"panigurado pa din nyang tanong.

Tumango nalang ako at napangiti.

"Next time twins,ila-lock ko na ang kitchen kapag may gagawin ako sa loob.You're not allowed in the kitchen anymore!"baling nya sa dalawa.

"Daddy,no!!magbi-behave na po kami next time,promised!"si Shady habang nakataas pa ang kamay.

Tumaas lang ang kilay ni Leandrie sa kanilang dalawa.Hindi ko maiwasang hindi mapapailing gawa ng mag-aama ko.

Since that night...naging maayos na ang pakikisama namin ni Leandrie para sa isat-isa.Alam kong nandoon parin ang awkwardness minsan...pero hindi ko nalang pinapansin.

Napatitig ako sa kanyang daliri habang suot na nya doon ang aming wedding ring.

'Ibalik mo na sa akin ang singsing ko,Heera.'

Hiling nya sa akin pagkatapos ng intense love making na naganap sa amin nang umagang iyon.

'Baka maiwala mo pa...'Wala sa loob na sagot ko.

'Heera,you took it from me!ni minsan ay hindi ko iyon hinubad sa aking daliri...you didn't know kung paano ko pinahalagahan ang bagay na iyon...ayokong mag-explain dahil alam kong masisira na naman itong usapan natin...pero Heera,i love you and i love our kids...alam kong gago ako...alam kong nagkamali ako pero ni minsan hindi ko naisip na iwanan kayo at ipagpalit sa iba.'

Gusto ko na namang mag-outburst that time pero kaysa magalit,nagtanong nalang ako.

'Pero bakit sinabi ng babaeng iyon na pupunta kayo sa America at doon na manirahan?'

'It's only her illusion...pupunta ako sa America,oo totoo iyon pero it doesn't mean na hindi na ako babalik dito.Ihahatid ko lang sya doon dahil ayaw nyang umalis kapag hindi ako sasama.At kung ano pa ang sinabi nya sa'yo na hindi ko alam...mas maigi pang burahin mo na yun mula sa utak mo..kasi Heera hindi totoo iyon.'

'Pero bakit mo ako pinaglihiman?'

'Dahil ayokong masaktan ka...Heera you know,natakot ako.May sakit si Chezca,katulad mo...kung paano mo iniisip ang tungkol sa kapakanan ng pasyente ganoon din ako noon.Ang pagkakamali ko lang,napabayaan ko kayo kasi akala ko Heera okay lang ang lahat...akala ko hindi ka naaapektuhan kasi naman eh!okay ka lang naman...parang wala lang.'

I just thought hindi na ako muling luluha pa pero nang marinig ko iyon ay bigla na naman akong napaiyak.

Pero ano pa nga ba ang mangyayari kung susumbatan ko nalang sya ng susumbatan dahil sa pagkakamaling ginawa nya?Sisihin ko man sya sa lahat ay wala paring magbabago.Nangyari na ang nangyari!Hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat..

'So,can i have my ring back,now?'

Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi ang isauli ang singsing na tinangay ko sa totoong nagmamay-ari nito?

Simula sa araw na iyon ay hinayaan ko na sya na suyuin ako nang suyuin.Ipinakita nya sa akin at pati narin sa aking mga magulang na layunin nya ang pasayahin kami ng mga anak nya.

Hindi ko naman pinagsisihan ang disisyong ginawa ko.Dahil hindi lamang ako ang nasiyahan kundi ang lahat ng tao na nakapaligid sa amin at naniniwala na magiging maayos ulit ang pagsasama namin alang-alang sa mga anak namin.

Mga parents ko ang tinutukoy ko...

Sa ngayon,unti-unti nang bumabalik ang ngiti sa aking labi.He's always there for me..

Konting daing ko lang..kaagad syang natataranta.Bumalik na ang dating Leandrie.Yung mapag-alala at maalaga.

*

*

*

Hindi ko maiwasang hindi mainggit habang tinatanaw ko ang tatlo habang nagpapaligsahan sa pagbi-bisekleta.

Kung wala lang sana akong dinadala sa aking sinpupunan sigurado kasama din nila ako sa pagbibisekleta.

Hindi kasi tinantanan ng kambal ang kanilang Lolo hanggang sa hindi nakabili ng bisekleta mula sa bayan.

Kaya sumingit na din si Leandrie...sya na daw ang bibili,yun pala hindi lang dalawa ang binili..pati sya ay mayroon.Hindi nagpahuli sa mga anak nya..tss.

Napatayo ako at bigla nalang sumilay ang ngiti mula sa aking labi nang matanaw kong pabalik na sila sa aking pwesto.

Kaagad na iniyakap ni Leandrie ang kanyang kabilang braso sa aking baywang nang tumapat sya sa aking kinatatayuan.

Napasinghap nalang ako nang bumaba ang kanyang mukha sa aking bandang tyan bago nagsalita.

"Kamusta ang bunso ko?"

Tumaas ang aking kamay palapat sa kanyang ulo.

"Naiinggit sya,Daddy..."pinaliit ko ang aking boses.

Nakangiti nya akong tiningala bago muling nagsalita.

"Mmm...si bunso ba,o,si Mommy ang naiinggit?"

Pinisil ko ang kanyang pisngi bago ko sya binigyan ng quick kiss sa lips.

"Both..."Natatawa kong sagot.

☆☆☆

The Loyal Wife Where stories live. Discover now