Chapter 17

39.2K 786 105
                                    

Isang buwan ang lumipas...

*

*

*

Hindi ko naman balak magpaganda...may confidence naman ako sa aking sarili kahit simple lang ako.Hindi ko na kailangan ang mga kolorete sa mukha...kasi umaapaw naman ang kagandahan ko kahit wala ang mga iyan.

Pero...what got into me this day?maaga akong lumuwas ng Manila ngayong araw.

Pagkatapos kong makapag-check in sa isang hotel ay naisipan ko na lamang na pumasok sa isang salon.

I wanted to be very beautiful and intimidating tonight!

Naka-sampung beses ko nang pinag-isipan kung ano talaga ang dapat kong gawin.Pero nang matanggap ko ang text message na galing kay Chezca noong nakaraang araw ay bigla nalang sumagi sa aking isip ang isang mahiwagang disisyon.

Tonight,haharapin ko na ang katotohanan.

Ayoko nang habang panahon ay magtatago ako sa katotohanan!

Kung hindi nya kayang mag-confess sa ginawa nyang panloloko sa akin?pwes ako na ang gagawa ng paraan para ipamukha sa kanya na hindi na nya ako pwedeng paglihiman pa!dahil natuklasan ko na ang pinakatatago nyang lihim!

Habang inaantay ko ang pagdating ni Dino para sunduin ako dito sa hotel at ihatid sa bahay nila Chezca na kung saan doon gaganapin ang party ay naupo nalang muna ako sa mahabang couch.

Bahagya akong napapikit at bigla nalang bumalik sa aking alaala ang mga pangyayari fifteen day's ago.

'When will you come back,Heera?i miss the twins already!'

Text message iyon ni Leandrie.Hindi ko alam kung totoo ba sa kanyang saloobin na naghihintay sya sa aming pagbabalik?

O,sinabi lang nya iyon para pampalubag sa aking kalooban dahil atleast...makapag-isip ako na he were waiting for us.

Pero hindi naman ako tanga...miss his twins?nagpapatawa ba sya?kung miss nya ang mga bata bakit hindi man lang nya ito madalaw dito?

He has his own car!kahit isang araw lang...kahit hindi na sya magpapalipas ng gabi basta masilayan lang nya ang mukha ng mga bata...

Pero ano?puro nalang syang salita!puro nalang text message!puro nalang tawag!

Tapos ngayon sasabihin nya na nami-miss nya ang mga anak nya?

Bakit kasi hindi nalang nya sasabihin na natutuwa sya dahil wala nang sagabal sa kanyang buhay?

*

*

*

"Enjoy your night,bestfriend!"

Walang ka'ide-idea si Dino kung ano ang matinding rason kung bakit dumalo ako sa party na ito ngayong gabi.

Ang akala nya ay isa lang itong celebration kasama ang mga co-Doctors sa hospital na pinapasukan ko.

Ni hindi ko rin nai-kwento sa kanya na wala na akong trabaho at mananatili na ako sa probinsya.

Hindi ko din sinabi ang tungkol sa amin ni Leandrie.Kung mayroon mang nakakaalam nun,si Mama lang iyon.

Huminga muna ako ng malalim bago ko nilingon si Dino.

"Thank you!sunduin mo ako around 10pm..."

"Take care!"sagot nya kasabay ng kanyang pagtango.

Nagtataka ako kung bakit hindi man lang nagtanong si Dino.Hindi man lang ba sya nagtaka kung bakit sa hotel ako tumuloy at hindi sa sarili naming bahay?

The Loyal Wife Where stories live. Discover now