Chapter 26

37.6K 663 38
                                    

Six months later...

*

*

*

"Lakad pa,Mommy!lakad pa!!"

Oh god!mapapanganak ako nang wala sa oras gawa nitong mag-aama ko.

Sinunod ko naman ang utos ni Shady na magpatuloy sa paglalakad.

Actually,hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ng tatlo at ako pa ang napili nilang paglaruan.

Naka-blindfold kasi ako ngayon habang nakaalalay sa aking likuran si Leandrie habang malayang sumusuporta ang magkabila nyang braso sa bilugan kong tiyan.

I'm seven months pregnant at the moment kaya pakiramdam ko para na akong bola dala ng laki ng tyan ko.Napalabi ako dahil sa naisip.Pero mas malala pa yata ang laki ng tyan ko noong pinagbuntis ko ang kambal.I can't imagine myself how ugly i am when i saw my reflection in the mirror.

Pero ang hindi ko alam...napakagandang anghel pala ang dinadala ko.Worth it naman kung ano pa ang naging hitsura ko noong pinagbibuntis ko sila.

"Finally,we're here..Mommy!"

Hindi  maikukubli ang excitement sa boses ni Sharyl.Kaya na-excite na din ako kahit wala naman akong ka'ide-idea kung ano talaga ang meron.

"Hold your breath,Mommy..."Bulong sa akin ni Leandrie bago nya ako kinintalan ng halik sa aking pisngi.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang tuluyan na nyang tanggalin ang blindfold sa aking mukha.

Napaawang ang aking bibig kasabay ang aking pagkurap.

Nilingon ko si Leandrie at hindi naikubli sa aking mukha ang matinding pagtataka.

"Lean,ano 'to?"

"Our business...i planned to build a clinic for you.Magsisimula nalang muna tayo sa maliit na clinic...malay mo paglipas ng maraming taon,magiging hospital na ito?what do you think,wife?"nakangiti nyang tugon.

"Lean..."pakiramdam ko ay nawalan ako ng sasabihin.

So,all this time...ito pala ang pinagkakaabalahan nya.He told me last time na ibebenta nalang daw namin ang bahay namin sa Manila.

Sinabi nya sa akin na hindi na kami babalik sa dating tahanan.Mag'e-stay na daw kami dito sa probinsya for good.

Of course noong sinabi nya sa akin iyon ay hindi naman ako kaagad naniwala hanggang sa lumuwas sya ng Manila at nagtagal ng isang linggo doon na labis kong ikinagalit.

'Hwag mo na kasing gawing dahilan ang bahay...ang sabihin mo nami-miss mo lang ang babae mo!ikaw ang nag-insist na mag-stay,Leandrie!pinalaya na kita eh!!ni hindi pa nga ako tuluyang nakakarecover dahil sa panloloko mo tapos uulit ka na naman!?'

Ito kasi ang malaking problema kapag nawalan kana ng tiwala sa iyong asawa.Bawat galaw nya at bawat absence nya ay binibigyan mo kaagad ng maling kahulugan.Ganoon ako kay Leandrie...ni hindi ako nag-iisip ng positive side nya.

'Heera,wala na si Chezca...iniwanan ko sya sa airport six months ago!kayo ang pinili ko.Binalikan ko kayo kasi alam ko sa sarili na ikaw at yung mga anak ko ang higit na mahalaga sa buhay ko.Nagbago na ako...at kahit kailan hindi na sumagi sa isip ko na lokohin kitang muli...hindi na talaga,Heera.Ayoko nang sirain pa ang pagtitiwala mo sa akin na minsan na ding nasira.Can you atleast believe me,this time?please...'

He begged and begged and begged...hanggang sa muli na naman kaming naging okay.

Napakurap ako nang maalala ko ang mga ginawa kong panghuhusga sa kanya noon.Ano naman ba kasi ang magagawa ko?minsan na nya akong niloko at hindi mawawala sa akin ang pag-isipan sya ng hindi maganda.

Pero sa ginawa nyang surpresa para sa akin ngayon?hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Magkakaroon na kami ng sariling clinic.Imbes na magtatrabaho sa ibang hospital...sa ginawa ni Leandrie?ako na ang mamamahala sa loob ng clinic na pinatayo nya.

Actually hindi pa naman tapos ito...six months is too short para makabuo ng isang clinic.Marami pa ang kailangan naming gawin kahit matatapos na yan.

We need to hired a nurses...mangangailangan ng mga stocks na kakailanganin sa loob ng clinic.Isama na din ang mga appliances at mga apparatus.Alam kong hindi ganoon kadali ang pumasok sa isang business lalo na kung nagsisimula pa lamang.

But i trusted Leandrie for this...atleast naumpisahan na nya ang plan A.Ang plan B and plan C and so on...alam kong madali nalang iyon.

Nilingon ko si Leandrie na kasalukuyang nasa likuran ko at wala sa loob na sinunggaban ko sya ng mahigpit na yakap.

"Leandrie,i don't know what to say!you surprised me for this.Thank you..i didn't know that you have a brilliant idea!"

"Sandali,maipit ang bunso natin..Heera."natatawa nyang saad.

Napanguso nalang ako at wala sa loob na kinurot ko sya sa kanyang tagiliran.Natatawa na naman sya na hinuli ang aking kamay at marahan nya iyon dinala sa kanyang bibig.

"I love you,Heera..."

Napatitig ako sa kanyang mga mata.Tumaas ang aking kamay at wala sa loob na hinawakan ang kanyang pisngi at marahang pinisil iyon.

"I love you too,Lean..."

Napakurap ako nang mapansin kong marahan nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin pero bago pa naglapat ang aming mga labi nang-

"Mommy,Daddy...we're still here!"chorus na sabi ng twins.

Natatawa nalang kaming dumistansya sa isat-isa bago namin hinarap ang dalawang makukulit naming anak.

Hinawakan ni Shady ang aking kamay habang hawak naman ni Sharyl ang kamay ng kanilang Daddy.

Pareho kaming nakangiti habang nakaharap sa clinic na malapit ng matapos.

Ito ang pangkabuhayan namin sa hinaharap...and I'm so excited habang inaantay ang araw na yun.

☆☆☆

The Loyal Wife Where stories live. Discover now