Chapter 16

33.6K 633 55
                                    

Hindi pa yata sumisinag ang araw ay naisipan ko nang lumabas ng bahay para pumunta sa garden na puno ng ibat-ibang uri ng mga bulaklak.

Ngayon ang unang araw namin dito sa probinsya.Sa maliit na hasyenda na tanging pamana ng aking mga magulang para sa akin.

Pinasadahan ko nang paningin ang mga nagagandahang bulaklak.It's like heaven.

Ano kaya ang buhay na mayroon ako kung hindi ko nakilala si Leandrie noon?

Siguro,isa parin akong magaling na Surgeon pero dito ako sa probinsya namin naninilbihan.

Huminga ako ng malalim nang bigla kong maalala ang tungkol sa trabaho ko.Hindi ko buong akalain na mabibitawan ko ang pagiging doctor nang ganoon nalang.

Lahat naman ay may hangganan...

"Heera?"

Kinakabahan akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Mama.Bakit ang aga naman nyang nagising?

"Ano po iyon,Ma?"nakangiti kong tanong.

"Hindi kita tinanong kahapon dahil alam kong pagod ka mula sa byahe..."panimula nya.

Ito na nga ba ang sinasaba ko..my Mom is always my Mom!hindi matatahimik iyan hanggat hindi mo mabibigyan ng isang daang metrong paliwanag.

"Bakit biglaan yata ang pagluwas mo dito sa probinsya?"

"Ma naman...nami-miss ko kasi kayo ni Papa.Hindi ba kayo masaya na kapiling nyo ang nag-iisa nyong anak kasama pa ang inyong mga apo?"nakanguso kong sagot.

"Nagtataka lang ako...hindi ito ang buwan ng bakasyon ninyo dito pero heto ka ngayon bigla nalang sumusulpot.Tapos ni hindi mo man lang nababanggit ang dati-rati na sinasabi mo na 'sandali lang kami dito Ma kasi nakahilera ang mga pasyente ko sa hospital' ano ba talaga ang nangyari?may problema ba anak?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Wala na akong trabaho,Ma...i quit.Kaya mag-e'stay na ako dito na kasama ninyo."

Actually,yung paalam ko kay Leandrie kahapon?kasinungalingan lang iyon.Hindi ako nagleave kundi tuluyan na akong nag-quit bilang isang doctor sa hospital na pinapasukan ko.

"Ano!?hwag mo nga akong lokohin,Heera!mas magugulat pa ako kapag sinabi mo na magkukulong ka sa bahay kaysa isawalang bahala ang mga pasyente mo."

"Totoo Ma...hindi po ako nagbibiro."seryoso kong sagot.

"Pero bakit anak?"mukhang natigilan si Mama dahil sa narinig.

"Wala lang...marami na kasi akong napagaling na pasyente.Tama na yun...yung iba nakakaapekto na kasi sa akin eh.Baka kapag pinagpatuloy ko pa ang pagiging Surgeon...baka mapahamak pa ang pasyente sa mga kamay ko.Nawawalan na kasi ako ng konsentrasyon,Ma."

"May kinalaman ba dito si Leandrie,anak?nag-away ba kayo?"

Umiwas ako ng paningin bago humakbang palayo kay Mama.Nilaro-laro ng aking daliri ang bulaklak na malapit sa aking kinaroroonan.

"Anak..."

Nilingon ko si Mama bago ako napangiti ng mapait.

"Ano ba ang ginawa nyo kung bakit hindi nagbago ang pagmamahal ni Papa sa inyo...noong kabataan nyo hanggang sa inyong pagtanda?nakakainggit kayo Ma...kasi mahal na mahal kayo ni Papa.Nabibilang nalang yata ang lalaking katulad nya."

Lumapit sa aking kinatatayuan si Mama bago nya ako hinila payakap sa kanyang dibdib.

"Tama na anak...hwag mo nang isalaysay,naiintindihan ko na."

Isinubsob ko sa kanyang balikat ang aking mukha bago ako napahagulgol ng iyak.

"Akala ko kasi Ma..kaya kong magtiis...i tried to be brave pero ang sakit-sakit na kasi eh!"

"Alam ba nya ang dahilan kung bakit ka umuwi dito?"

Umiling ako.

"Hindi nya alam na natuklasan ko na ang kanyang lihim.Akala nya nasa on leave lang ako.Akala nya babalik pa ako sa bahay namin.Pero Ma...ayoko na!"

Marahang hinagod ni Mama ang aking likod.

"Ikaw parin ang legal nyang asawa.Ikaw parin ang may karapatan sa kanya.Malaking pagkakamali ang takasan ang isang problema sa halip na ayusin ito.Ayokong lumaki na broken family ang mga apo ko,Heera!"

Saglit nya akong inilayo mula sa kanyang dibdib bago tinitigan sa aking mga mata.

"Pagod na ako Ma...pagod na akong umintindi!"

"Hwag ka munang magdisisyon sa ngayon.Bigyan mo muna sya ng oras para mag-isip.Kung babalik sya sa inyo ibig sabihin kayo parin ang mahalaga sa buhay nya.Anak,lahat ay may dahilan kaya minsan lumilihis ng daan ang taong mahal mo sa buhay.Lawakan mo pa ang iyong pang-unawa."

Gaano kalawak na pang-unawa pa ba ang kailangan ko?

Paano naman ang puso ko na halos nagkadurog-durog na dahil sa kanyang panloloko?

*

*

*

Magkasunod na tawag sa aking cell phone ang ginawa ni Leandrie buong maghapon pero ni hindi ko man lang iyon nagawang sagutin.

Anong dahilan kung bakit sya tatawag?para kamustahin ang mga bata?ngayon pa ba sya mag-alala ng husto na kung saan nandito na kami sa piling ng aking mga magulang?

Samantalang noong mag-isa lang kami sa bahay at halos abot kamay lamang nya ay ni hindi man lang nya magawang tumawag o magpakita man lang!

Nagpapatawa ba sya?

In-off ko ang aking cell phone nang hindi na yata tumitigil sa katatawag si Leandrie.

Itinutok ko sa telebesyon ang aking atensyon.Nasa sala ako ngayon kasama ang kambal.

Hindi kami nakalabas dahil umaambon sa labas.Ganito naman talaga dito sa probinsya...lagi nalang umuulan.

"Heera,tumawag si Leandrie at gusto kang kausapin..."

Nilingon ko si Mama habang hawak ang wireless telephone.No choice,kundi tanggapin ang auditibo na iniabot nya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at inantay ang paglabas ni Mama mula sa sala.Saktong pagtalikod ni Mama ay sya namang pagkuha ko sa atensyon ng mga anak ko.

"Twins...nasa telepono ang Daddy nyo...talk to him."

Mabilis na iniwanan ni Sharyl ang kaharap na laruan at mabilis na napasugod sa aking kinauupuan.

"Hello?"panimula ni Sharyl.

'- - -'

"I miss you too,Daddy!si Mommy po ba?nandito sya at katabi ko lang!"

Nilingon ako ni Sharyl at sinenyas nya sa akin ang hawak na auditibo.Umiling lang ako sa kanya then i mouthed her 'tell him that I'm busy'.

"Busy po si Mommy,Daddy!"

'- - -'

"Wala..nanonood lang sya ng tv.."

Shit!binuko ako ni Sharyl.Napapailing nalang ako habang nakatingin sa kanya.

"Okay naman po kaming lahat dito...kaso hindi kami makapaglaro ni Shady sa labas kasi may ulan,Daddy!"

'- - -'

"Opo Daddy!lagi naman kaming nagbi-behave ni Shady.I love you Daddy!"

Napakurap ako nang makitang ibinaba na ni Sharyl ang auditibo at maagap na ibinalik sa akin.

Gusto ko syang tanungin kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa kaya lang nagmumukha naman akong tsismosa nito.

Hayyysss,Heera hwag ka ngang ususyera!

☆☆☆

The Loyal Wife Where stories live. Discover now